Pag gutom ka

2 0 0
                                    

"Naintindihan mo ba kung bakit ako nandito?"

"..."

"Andito ako para itanong kung bakit palagi kayong nagdidila ng katawan? Masarap ba yan?"

"..."

Patuloy lang sa pagdidila ng katawan ang pusang itim na kausap ni Dominga habang si Dominga naman ay tumatawa mag-isa. Napag-isipan niya kasi ulit pumunta ng burol. Bakit kamo mag-isa siya? Umalis kasi sila Tolome at nagbakasyon muna ang pamilya nila sa probinsya, kahit sa probinsya naman sila nakatira.

Siyempre hindi naman pwedeng sumama si Dominga. Naisip niya yun pero nakakahiya kaya hindi niya na tinanggap ang alok ng nanay ni Tolome na sumama siya. Pag-alis nila Tolome unti unti niya ulit binalik ang mga inimpake niyang gamit.

Balik tayo sa pusa. Ito ngayon ang pinagdidiskitahan ni Dominga dahil wala nga si Tolome. Kanina niya pa ito kinakausap at kanina pa rin siya nito hindi pinapansin. "Dapat pala nagdala ako ng pagkain."

Pinaalala ng tiyan ni Dominga na kanina pa siya nandoon. Gutom na siya in short, kaya bumaba na siya mula sa burol. Pagbaba, mula sa kalayuan ay nakita niya si Tristan, tatawagin niya sana ito pero may kausap itong babae.

"Ohh... Sino kayang kausap niya?" Hinimas himas ni Dominga ang imaginary niyang balbas at pagkatapos ay in-adjust ang imaginary niyang antipara. "Mmm..., parang hindi ko kilala at hindi rin naman mahalaga.... para namang makakakita ako ng madramang eksena na talamak sa soap opera... para namang bigla na lang sasampalin ng babae si Trista at-"

Sinampal ng babae si Tristan. Laking gulat ni Tristan at lalo na ni Dominga.

"Woah... akalain mo yun nagdilang anghel ako... anghel nga ba o dimonyo? hehehe" Nakatayo pa rin si Dominga mula sa malayo. Iniisip pa rin niya kung bakit sinampal ng babae si Tristan at kung mahuhulaan niya pa kaya ang susunod na eksena.

"... tapos sasampalin din ni Tristan yung babae..." Bumulong si Dominga habang umaasang masasampal nga ni Tristan yung babae. Wala naman siyang galit dito, gusto niya lang talagang malaman kung mangyayari ba ulit ang sinabi niya.

Sa halip na sampalin, niyakap ni Tristan yung babae habang tinutulak naman siya nito palayo. "Ay hindi nangyari, tss makaalis na nga... nagugutom nga pala ako." Akma na sanang aalis si Dominga kaso nakita niyang biglang tumakbo yung babae at agad namang hinabol ni Tristan yung babae.

"Hindi ako panatiko ng mga drama... bahala sila dyan, kakain na talaga ako." Tuluyan nang umalis si Dominga at humanap ng makakainan. Inabot na siya ng siyam siyam kakahanap ng makakainan bago tuluyang makahanap ng kakainan at nagulat siya at kinabahan at nagtaka kung bakit siya kinabahan nang makita niya nanaman sina Tristan at yung babae, kumakain naman sila ngayon dun sa kainan.

"Anong bang klaseng soap opera 'to?!" Sabi ni Dominga sa isip niya, kasi alangan namang sabihin niya yun talaga kay Tristan at sa babaeng kasama niya di ba, pwede rin naman pero baka masampal din siya kagaya ng nangyari kay Tristan. Uupo na sana si Dominga sa isang bakanteng upuan nang tinawag siya ni Tristan, "Uy Dominga, mag-isa ka lang?! Dito ka na umupo oh."

"Di ba nagdedate kayo, bakit mo ko inaaya?" Sabi ulit ni Dominga sa isip niya, kasi alangan namang ulitin ko yung sinabi ko na kanina di ba? "Uy, ah oo, mag-isa lang ako, ayos lang maki-upo?"

"Oo." Inayos ni Tristan ang mesa at inalis yung mga papel para magkaroon ng space para kay Dominga. "Ito nga pala si Mara, Mara si Dominga." Ngumiti yung babaeng kasama ni Tristan habang ngumunguya dahil napakagaling tumayming neto ni Tristan. Pinakilala si Mara pagkatapos niyang sumubo.

Ngumuya nang mabilis si Mara at lumunok. "Hello! Schoolmate kayo ni Tristan ano? Baka gusto mo ring sumali sa acting workshop... sakto naghahanap kami ng isang babae at isang lalaki para sa isang modern soap opera skit. bla bla bla bla" Hindi pa tapos magsalita si Mara pero umeksena na ang utak ni Dominga 

"Ah... kaya naman pala, soap opera nga."

to be continued...





Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now