Tuldok

2 0 0
                                    

"Kumusta ka Dominga?"

"Ok naman."

Awkward. Yan ang ambience sa pagitan ng dalawa matapos umuwi nila Tolome. Isang taon din silang nawala sa lugar na yun at ngayon lang bumalik. Ano kamo? Nagbakasyon lang sila sabi sa kabilang chapter? Nakoo.. Hindi ko ba nakwento? Napunit yung ibang mga chapter kaya nasa ending ka na agad ng story.

"Itutuloy mo pa rin ba ang pagkuha ng Bachelor of Science in  Agricultural and Biosystems Engineering and Bachelor in Agricultural Technology sa kalakhang Maynila?" Humigop ng hangin si Dominga matapos maubos nito sa pagbanggit ng pangalan ng kursong nais kunin ni Tolome (o ikaw din haba ng sentence eh).

"Oo dahil kasi isa daw ito sa mga underrated na kurso sa Pilipinas ayon sa mu.edu.ph at dahil na rin may Agricultural sa pangalan. Ikaw ba? Itutuloy mo pa rin ang Midwifery?"

"Oo, underrated din daw kasi yun.... at... my wife sa pangalan." Napatigil si Dominga bago niya nasabi ang mga huling kataga. Hindi ko naman na kailangang sabihin dahil nga may mga tuldok tuldok na tanda ng pagtigil sa pagsasalita, kaso bilang narrator, tungkulin ko pa ring inarrate na ang mga ganitong bagay. Hindi ako papayag na tanggalan ako ng trabaho ng mga hamak na tuldok lang! Ehem Ehem. Pasensya na.

"Huwag mo kaming hinahamak!
Lapastangang kang narrator!
Kaming mga tuldok ay malaki ang ambag sa mga kwentong nililikha."

At sinong nagbigay pahintulot sa inyong magsalita?
Wala kayong alam!
Mga hamak na tuldok na ginagamit lang sa katapusan ng mga pangungusap!

"Gusto mo bang matuldukan na ang career mo?"

Subukan niyo mga kutong pangungusap!

Napatigil si Dominga bago niya nasabi ang mga huling kataga. Kinailangan kong ulitin dahil may mga kutong pangungusasap na gumambala sa akin. Pa....se..n.sya.... n.a... A...a.hh.h... in.a...tak...e ni..l...a.. a.k..o.

"Yan ang napapala mo lapastangan! Mawala ka sa mundong ito!"

Hi. Ako na ang bagong narrator
dahil natuldukan na yung naunang narrator....
literally and figuratively.
Ipagpaumanhin niyo mga tuldok, kung naging lapastangan siya.

"Ayos lang. Magpatuloy ka na sa iyong tungkulin."

Napatigil si Dominga bago niya nasabi ang mga huling kataga. Kung matatandaan, pangarap ni Tolome na maging magsasaka. Samantala, pangarap naman ni Dominga na maging may bahay ng isang magsasaka. Ibig sabihin balak niyang agawan ng bahay ang magsasakang iyon. Kawawa naman si Tolome.

Pero sabi ni Tolome, hindi daw nakakatawa ang joke ko.

"Ah... pangarap mo pa rin bang maging asawa ng magsasaka?" Nakatitig ang mga mata ni Tolome sa mga mata ni Dominga. Bakas sa mga ito ang sinseridad sa kanyang tanong.

Umiwas ng tingin si Dominga. "Hindi na... gusto ko nang maging asawa ng Engineer." Sabi niya. Bakas sa kanyang tinig ang kakaibang kalungkutan at pangungulila. Tila ba matagal na paghihintay sa isang pag-ibig na pilit ipinagkakait. Pighati na dala ng hindi maipaliwanag na kalituhan sa pabagu-bagong writing style ng author at kung anu-anong nangyayari sa kwentong ito. Bakit daw kasi hindi na lang magfocus sa love story nila ni Tolome.

Kinurot ng mga kataga ni Dominga ang puso ni Tolome. Hanggang ngayon ay minumulto pa rin siya ni Tristan na ang kukuning kurso ay Mechanical Engineer. Oo, buhay pa si Tristan at hindi siya multo pero yun ang tingin at turing ni Tolome sa kanya.

Hindi niya masisisi si Dominga kung bakit hindi na siya ang tinitibok ng puso nito. Matagal na niya binabalewala ang pag-ibig nito para sa kanya at maging ang damdamin niya para dito. Pilit niyang ikinukulong ang kanyang nararamdaman, pilit niyang ipinagkakait ang mga karapatan nito upang mabuhay na dahilan upang hulihin siya ng DSWD kasi sinuplong ko siya. Kaso hindi rin natuloy ang paghuli ng DSWD matapos nilang mapag-alaman na hindi naman pala child abuse ang nangyayari.

"Inaasahan ko na ang pagbabago ng damdamin mo... magkagayon man, kahit alam kong huli na ang lahat... nais ko pa ring ipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko." Lumapit si Tolome kay Dominga at iniangat nito ang muka ng dalaga sa pamamagitan ng paghawak sa baba nito. "Mahal kita Dominga. Paalam. Nawa'y maging masaya kayo ni Tristan."

Tumalikod si Tolome at dahan dahang naglakad palayo habang nakatingin lang si Dominga sa likod niya (hindi sa pwet ah). "Gusto kong maging asawa ng engineer... ng isang Agricultural and Biosystems Engineer." Tumakbo si Dominga at niyakap ang pwet ni Tolome, ay hindi pala, si Tolome mismo ang niyakap niya. Humarap si Tolome at niyakap rin si Dominga and they live ordinarily ever after kasi hindi ko na ninanarrate ang buhay nila.

The End.

"Magandang kwento.
At gaya ng nakasanayan, kaming mga tuldok ang nasa huli."





Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now