Amoy ko

2 0 0
                                    


Sabi ni Dominga "Ano na naman ba Tolome?". Matapos siyang kalibitin ni Tolome.

"Pano mo nalamang ako yun?"

"Alam ko kung anong amoy mo"

"Ano ka aso? Pero baboy ka eh"

"Hindi mo ba alam na malakas din ang pang-amoy ng mga baboy?" Nakangiti si Dominga habang nilalapit niya ang muka niya kay Tolome para amoy amoyin ito.

"Hindi... Sige nga anong amoy ko?" Nilapit din ni Tolome ang muka niya kay Dominga na halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga amoy este pang-amoy nila.

"Amoy hinaharap ko." Sabay halik ni Dominga sa ilong ni Tolome.

"Ano ba  yan! Walang halikan. Nilagyan pa ko ng laway eh..." Pinahid ni Tolome ng braso niya ang ilong niya kahit wala naman talagang laway ang halik ni Dominga at ang totoo niyan eh pawis lang talaga ang ilong niya. Si Dominga naman eh panay ang tawa sa tabi ni Tolome.

...to be continued.

Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon