Sa school kasama si Nanay

2 0 0
                                    


"Ano nanaman ang ginawa mo Tolome?" Napagalitan na naman si Tolome ng nanay niya matapos niyang sabihin na pinapatawag ito sa school. "Bakit ako pinapatawag? Sabi ko sa'yo wag ka makikipag-away. Wag ka ring magka-cutting class... dahil ayokong pinapatawag ako sa school... kasi nahihiya ako di ba?! Alam mo naman walang pinag-aralan ang nanay mo.."

Tuloy lang ang reklamo ng nanay niya habang nag-aayos sila para pumunta sa school. Si Tolome naman ay tahimik lang sabi niya ang sabi ng teacher ay iabot ang sulat sa magulang. Hindi binasa ng nanay ni Tolome ang sulat dahil hindi ito marunong magbasa.

Pagdating sa school, nagulat ang nanay niya na marami ring magulang tulad niya. Lahat sila kasama ang mga anak nila. Nakita ng mag-ina sina Dominga at ang nanay nito. "Uy andito rin kayo! Ano bang meron?" Nag-usap na ang dalawang nanay habang naiwan ang mga anak nila.

"Huhulaan ko, napagalitan ka kanina kasi hindi mo sinabi na recognition day ngayon ano?" Sabi ni Dominga.

"Malalaman niya rin naman pagdating dito."

"Kunwari ka pa gusto mo lang isurprise ang mama mo eh."

"..." Hindi sumagot si Tolome at tumingin lang sa malayo.

"Ang sweet" Inaasar naman ni Dominga si Tolome at sinisiko siko pa nang biglang dumating si Tristan. "Uy handa na ba kayo sa Recognition, ikaw Dominga?"

"Oh Tristan, oo hand-"

"Oo nga pala Dominga, may ipapakita nga pala ako sa'yo. Alis lang kami Tristan ah. Congrats nga pala sa pagkapanalo mo bilang Vice President ng SSC" Pinutol ni Tolome ang usapan ni Dominga at Tristan habang hinihila ito palayo.

"10 buwan na ang nakakalipas nang matapos ang eleksyon ah?" Nagtatakang sinabi ni Tristan habang palayo ang dalawa.

"Anong ipapakita mo?"

"Wala. Gusto ko lang umalis don."

"Naay... nagsinungaling ka."

"Wag mong sabihin hindi mo nabasa ang atmosphere kanina at sa bawat pagkakataon na nandiyan si Tristan?"

"Alam ko. Pero mali pa rin ang magsinungaling sa pagkakataon na yon dahil pwede mong paasahin ang kausap mo."

"... Umasa ka?"

"Oo. Kala ko may ipapakita ka talaga."

"... Sorry."

"Ayos lang. Bakit ba ayaw mo kay Tristan?"

'Kasi malapit siya sa'yo.' Ito ang nasa isip niya pero hindi niya masabi. Hindi nakasagot si Tolome, nakatingin lang siya kay Dominga sakto naman na nagbell tanda na magsisimula na ang Recognition.

to be continued...



Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now