Iniisip ka

2 0 0
                                    


"Nakita ko na nakatingin siya sa malayo,

ang mga mata niya ay nangungulila at palalo

palalo sa pag-ibig na pinagkakait

mapait na mga gunitang bumabalakid

tanging ikaw ang maaring sumagip"

Tinitigan ni Tolome ang librong binabasa niya tapos ay bigla siya umiling na kala mo eh tumatanggi matapos tanungin ng nanay niya kung siya ba ang umubos ng ulam kagabi.

Umiiling si Tolome kasi pinipilit niyang alisin si Dominga sa isip niya matapos mabasa ang mga linyang nabasa mo rin kanina.

"Bakit ko naman maalala ang tababi na yun." Sinabi ni Tolome sa sarili niya habang tinatabi ang libro na nakita niyang pakalat kalat sa sala. "Kanino ba kasing libro 'to at kaninong sala 'to? Nasa'n ba ko?"

"Sinong nagsabi sa'yo na tumayo ka sa kinauupuan mo?!"

Nagulat si Tolome ng marinig niya ang malakas na boses na galing sa isang lalaking balbas sarado na nakafuscia pink na tshirt at short shorts na black na may polka dots white.

"Bakit yung suot niya ninarrate bakit yung akin hindi? Hindi ba ako yung bida?" Tinanong ni Tolome ang sarili niya.

"Alam kong iniisip mo!" Lumipat ang focus ng camera mula kay Tolome papunta sa lalaking nakapink na tshirt at polka dots na shorts. "Iniisip mo kung sino ako at anong ginagawa mo dito!"

"boooop   boooop" Sabi ni Tolome.

"MALI??!!! " Sabi ni Pink Polka Dots Guy.

"Oo." Sabi ni Tolome.

"NOOOOOOO!" Sabi ni P P D Guy.

"Yis Yis Yis Yis" Sabi ni Tolome.

"O siya makakaalis ka na. Ayun yung pinto. Paglabas mo kumanan ka tapos labas ka ng gate."

Sumunod naman agad si Tolome hindi niya man lang naisip na pwedeng trap pala yun ni Pink PolkaDot Guy sa kaniya. Hindi niya rin naisip na humingi man lang ng pera para makapagbyahe pauwi.

Paglabas ni Tolome sa gate nakita niya ang babaeng nasa isip niya... Si Dominga.

"Dominga?!"

Nagising si Tolome na nakangiti sa tabi niya si Dominga.

"Uyyy... napanaginipan niya ko."

"Oo, naging maingay na pink baboy ka daw na nakapolka dots na shorts."



Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now