Bibili ng Damit

2 0 0
                                    


Ilang araw na ang lumipas na walang nangyayari sa buhay nina Dominga at Tolome. Pero ang totoo hindi ko lang na-update ang kwento nila, kasi naging abala ako. Pero ang totoo talaga tinakasan lang ako ni sipag kaya walang update.

Back to D and T.

Naisipan ni Dominga na bumili ng bagong damit, kaya nagpunta siya ng palengke. Naghahanap siya ng gusto niyang damit nang may bigla siya nakabangga. Tinamaan ni Dominga ang tagiliran nito at nagkatinginan sila. Laking gulat ni Dominga ng makita kung sinong nakabangga sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi sumagot ang kausap ni Dominga. Lumingon lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Suplado. Parang wala tayong pinasamahan ah! Uy! Pansinin mo ko, san ka ba pupunta."

Sinundan ni Dominga ang kausap na dumeretso palabas ng palengke. Pag dating sa entrance (oo mageexit siya sa entrance) ay tumigil na si Dominga sa kakasunod dito.

"Pasaway ka talaga. Bawal diyan eh! Huy! Lumingon ka man lang! Psst!"

Malayo na ang narating ng pusang itim pero tinatawag pa rin siya ni Dominga. Oo, siya rin yung pusang itim na nakita nila sa burol noong minsan silang umakyat. Tanda mo pa? Kung hindi na, basahin mo na lang ulit para madagdagan ng view ang story na ito.

Anyway, so ayun na nga tinatawag pa rin ni Dominga ang pusa nang biglang...

"Nagsasalita ka nanaman mag-isa. Anong ginagawa mo dito?"

Lumingon si Dominga, Si Tolome pala ang umeeksa. Uy rhyme.

"Edi nagsasalita mag-isa, kanina, pero salamat sa'yo at may kausap na 'ko."

Ngumiti si Dominga at hinawakan niya ang kamay ni Tolome. "Andito ka na rin lang naman, samahan mo ko bumili ng damit"

"Wag ka na bumili. Walang kakasya sa'yo. Batchi ka kasi."




Anong mangyayari kung hindi naman siya naaasar?Where stories live. Discover now