CHAPTER 10

1.7K 139 14
                                    

Frances'POV



Kakarating lang namin sa SM Moa and guess what magkaholding hands si Ate Ella and Gabb, Amy and Laney. So ano kami rito ni Jaydee? 5th and 6th wheel?



"Required ba magholding hands?" Iritang tanong ni Jaydee.


"Respeto po sa single." Dagdag niya pa ulit kaya natawa naman sila.


"Bitter mo, hawakan mo rin kamay ni Frances para pare-pareho tayo." Natatawang sabi naman ni Amy.


"Eh, umamin muna kayo ni Laney." Banat pa ulit ni Jaydee


"Umamin ka muna na may gusto ka kay Frances." Natatawang sabi naman ni Laney kaya pinangdilatan siya ni Jaydee HAHAHA ang cute talaga nila mag-asaran.


"Kalma kana, luv." I said at hinawakan na ang kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.


"Yieeee!" Sigaw naman nung tatlo.


"Tara, punta tayo H&M, libre kita." Sabi naman niya at sabay sabay tumingin yung tatlo sakanya.


"Kami? Hindi mo kami ililibre?" Tanong naman ni Amy at umiling naman siya.


"Ganyanan na ngayon?" Tanong naman ni Gab sakanya.


"Pinagpapalit mo na kami kay Frances ah.." Patampong sabi ni Laney.


"Matuto rin kasi kayong gumastos." She said at hinila na ako





































Jaydee's POV



"Required ba magholding hands?" Tanong ko sakanila. Paano ba naman kasi, medyo nakakabastos eh Hahahaha ramdam na ramdam ko pagiging single.


"Respeto po sa single." Sabi ko pa ulit at inirapan sila.


"Bitter mo, hawakan mo rin kamay ni Frances para pare-pareho tayo." Natatawang sabi naman ni Amy. Ayoko nga, baka kung ano pa isipin niya eh, tsaka--- kikiligin ako malala for sure.


"Eh, umamin muna kayo ni Laney." Sabi ko sakanila.


"Umamin ka muna na may gusto ka kay Frances." Pinangdilatan ko nalang si Amy sa sinabi niya, may alam ba siya? Masyado na bang halata sa kilos ko na gusto ko si Frances? Wait---- ugh di pa nga ako sigurado kung gusto ko ba talaga siya.


"Kalma kana, luv." She said at hinawakan na ang kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa niya.


"Yieeee!" Sigaw naman nung tatlo.


"Tara, punta tayo H&M, libre kita." Sabi ko at sabay sabay tumingin yung tatlo sakin, manigas kayo ngayon kala niyo.


"Kami? Hindi mo kami ililibre?" Tanong ni Amy at inilingan ko lang sila AHAHAHA


"Ganyanan na ngayon?" Tanong pa ni Gabb.


"Pinagpapalit mo na kami kay Frances ah.." Patampong sabi ni Laney with matching pout pa, di bagay sakanya HAHAHAHA


"Matuto rin kasi kayong gumastos." I said at hinila na si Frances papuntang H&M, take note, she's still holding my hand kahit wala na kami sa harap nila Amy. Baka gusto na rin ako neto? Kaso alam kong mahal na mahal niya parin si Coleen kaya malabo.


"Hey, luv, kanina pa kita kinakausap." Sabi naman niya, sorry na agad, nalulutang nanaman ako kakaisip sayo.


"What are you saying again?" I asked.


FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now