CHAPTER 53

1.3K 183 14
                                    

Jaydee's POV

Pagkapasok ko sa kwarto, agad namang sumunod yung tatlo saakin. I knew it na susunod sila Hahaha.

"Oh ano ka ngayon, Gabrielle? Sa tingin mo ba kung hindi ko sinama si Frances dito, malalaman natin yung totoo?" Tanong ko sakanya at inirapan siya.

"Sa tingin mo malalaman mo kalagayan ng akin mo kung hindi ko siya pinapunta rito?" Dagdag ko pa pero nakayuko lang ito, samantalang yung dalawa naman ay nakahiga lang sa kama ko.

"Grabe pala nangyari kela ate Ella at Frances." Maikling saad naman ni Amy.

"Oo nga, galit na galit pa naman kami sakanila dahil sa ginawa nila sainyong dalawa, without even knowing na mas mahirap pala ang pinagdadaanan nila." Saad naman ni Laney at tumayo na. Umupo ito sa gaming chair ko.

"What are your plans, Gabrielle? Paano mo itatakas si Ate Ella bukas?" Tanong naman ni Amy kay Gabb.

"Kailangan pa ba siyang itakas? Baka pwedeng kausapin nalang natin ang magulang niya, silaw naman sa pera daddy niya eh." Saad naman nito, baliw din eh. hahaha.

"Mukhang kailangan nating iparealized sakanila lahat eh." Saad ko naman. Ayun lang kasi naiisip kong solusyon para maging maayos na ang lahat.

"Kung sakali man, kampi natin ang mommy niya. Kay tito tayo mahihirapan eh." Saad naman ni Gabo-- binuksan ko ang ipad ko to stalk them then suddenly may kumatok sa pinto-- Si Ate Sela pala

"Gabrielle, do you want me to come with you tomorrow? Ako na ang kakausap sa parents ni Ella." Saad naman ni Ate Sela pero umiling si Gabo.

"I thought you have a meeting in Aklan? Para sa ipapatayong hotel." Saad naman ni Gabb.

"Meetings can be rescheduled naman Gabrielle. I'm just worried about you." Saad naman ni ate Sela.

"We can handle this, ate. Thank you for your concern." Saad naman ni Gabb at nginitian si ate Sela.

"Just please bring your body guards tomorrow. Atleast 4." Saad naman ni Ate Sela at tumango naman ako.

"Yes ate. We will bring them for safety." Saad ko naman.

"Ate, oo nga pala. Kamusta na yung kaso ni Kiel?" Tanong ko naman sakanya. They said kasi na silang dalawa na ang maghahandle nun, kaibigan nila ang pinakamagaling na abogado sa bansa.

"May warrant na for Kiel, anytime this week, aarestuhin na siya." Saad naman ni Ate Sela.

"That's good. Thank you ate." Saad ko naman.

"You're always welcome, Jades. Sige na, mauna na ako sainyo. Matulog na rin kayo." Saad naman ni Ate Sela at lumabas na.

"Matulog na kayo, matutulog na rim ako." Saad ko naman sakanila-- Isa-isa na silang naglabasan. Kanina ko pa napapansin si Gabo na tahimik lang at parang anlalim ng iniisip-- nakokonsensya siguro siya.

---

*The next day*

Frances' POV

Kinakabahan parin ako sa pwedeng mangyari ngayon. Two instances lang, its either magiging maayos na lahat or mas lalo magiging malala.

As i woke up, nag gawa na ako ng morning routine ko, naligo ako at nag-ayos bago tuluyang lumabas ng room. Ngayon lang ako lumabas ulit after nung meeting kagabi.

Naabutan ko namang nag cocoffee si Gabb sa may balcony. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Oh, you're awake already." Saad niya naman ng makita ako. It's 7 am in the morning at baka tulog pa si Jaydee, late talaga nagigising yung dati eh.

"Yeah, hindi narin ako nalalate ng gising eh." Saad ko naman-- tumayo na ito at lumapit saakin.

"Tara, mag-almusal kana." Saad naman niya.

"Wag na, nakakahiya." Maikling sagot ko naman.

"Wag ka ng mahiya, baka mapagalitan pa ako ng kapatid mo niyan pag nagkita ulit kami, sabihin ginugutom kita." Saad naman niya at naglakad na.

"Gusto mo parin si Ate Ella?" Tanong ko naman sakanya at agad naman itong tumango.

"Oo, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sakanya. I promised myself na hanggat hindi pa nasasagot ang mga tanong ko, hindi ako magmomove on." Sagot niya naman.

"Eh paano kung hindi kami nagkita ni Jaydee, edi hindi rin kayo magkikita ulit?" Tanong ko naman sakanya

"Maybe yes? maybe no? Matagal ko na rin siyang pinapahanap secretly." Saad naman niya.

"Sana all." Saad ko naman-- tinawanan niya naman ako..

"Sana all ka diyan, alam mo bang matagal ka ring hinanap ni Jaydee? Hinanap namin kayong dalawa for almost a year, nung wala parin kaming alam kung nasaan kayo, sumuko na siya, pero ako itinuloy ko parin ang paghahanap kay Ella kaso lang wala parin akong napala. Nung mga panahon na hinahanap namin kayo, yun lang yung time na umuuwi ako mansion. I've been actually a trash that time, bihira lang ako magtagal sa mansion. Madalas nasa bar ako, nambababae. Bumalik ako sa dati kong sarili at mas lumala. Hanggang sa Jaydee and I had a fight, I even punched her. She made me realized some things that time. Dun ako nagtino ulit haha." Saad naman niya. So ang solid na magkaibigan na hindi mapaghiwalay, nag-away din noon dahil samin?

"Didn't expect na mag-aaway kayo because of us." Maikling saad ko naman.

"Kahit ako, 'di ko rin inexpect." Saad naman niya

"Nagkagirlfriend ba siya ulit?" Tanong ko naman sakanya at tumango naman ito.

"She has a girlfriend, I think you've already seen her." Saad naman ni Gabb.

"Yung secretary niya?" Tanong ko naman at tumango naman ito.

"Yeah, Jie. Funny pero hindi alam ni Jie na ex ka niya. Ayaw niyang ipagkalat eh, iilan lang ang nakakaalam." Saad naman ni Gabb-- Kaya pala hindi awkward saakin si Jie nun.

"Bakit hindi niya pinaalam?" Tanong ko naman

"Jaydee wants to completely forget you. Bawal namin banggitin ang pangalan mo noong nagmomoveon pa siya. Girl who cannot be named ang tawag namin sayo nun haha." Saad naman ni Gabb at tumawa pa.

"Ay ganun, anyways baka way niya lang yun para magmoveon." Saad ko naman

"Your breakfast is ready, Ms. Pinlac." Saad naman nung isang maid at itunuro pa ang dining table.

"Sabayan mo na ako, Gab." Maikling saad ko naman pero umiling siya.

"I don't eat breakfast, diet ako. Sige na kumain kana." Saad niya naman at tumango nalang ako-- Nagtungo na akong dining table at kumain. Inalis ko muna sa isip ko ang mangyayari mamaya.



-------------------------------



























































Thank you for reading, sorry ngayon lang update.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now