CHAPTER 51

1.3K 197 19
                                    

Frances'POV


Nandito kami sa labas ng entrance. Waiting for Gabb, pababa na raw ito.


"There she is." Saad naman ni Jaydee sabay turo doon sa babaeng papalapit na rito sa Van. Habang mas papalapit siya ay mas lalo akong kinakabahan.


Agad namang binuksan ng guard sa labas ang pinto ng Van at pumasok na si Gabo.


"Frances?" Nagtatakang saad naman nito ng makapasok sa Van, agad niya namang tinignan si Jaydee.


"What's the meaning of this?" Tanong naman ni Gabb sakanya.


"Will you please shut up for the meantime, mageexplain siya mamaya kapag kumpleto na tayo." Saad naman ni Jaydee sakanya at pumikit na ito-- pagod lang siguro.


------


Nandito na kami sa Mansion, hindi ko alam na dito na pala sila nakatira, magkakasama--- Nandito rin kami dapat eh kaso lang iniwanan namin silang dalawa ni Ate Ella.


Sabay kaming pumasok sa Mansion-- agad naman naggreet ang mga maids nila.


"Frances, anak, ikaw ba yan?" Saad naman ng isang maid na galing sa kusina. Si Ma pala.


"Opo, ma. Nice to see you po ulit." Saad ko naman sakanya at nginitian ito.


"Ma, pakihatid nalang po sa guestroom si Frances." Saad naman ni Jaydee.


"Magpahinga ka muna, mamaya nalang tayo mag-usap kapag dumating na silang lahat." Saad naman niya saakin at tumango nalang ako-- Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa pagsave niya saakin.


"Thank you." Saad ko naman sakanya-- at nginitian lang ako nito.


"Tara na, nak." Saad naman ni Ma at nagsimula ng lumakad-- sumunod lang naman ako rito. Nilibot ko naman ang paningin ko sa bawat madadaanan ko. Nakapalaki ng tirahan nila, marami kang makikitang mga pictures na nakalagay sa mga walls, puro mga pictures nila.


"Tawagin mo nalang ako nak kapag may kailangan ka pa. May new clothes dyan na nakareserve para sa mga gagamit nitong guest room, feel free to get one. Masyadong mainit ang suot mo, hanggang ngayon nakabusiness coat ka pa." Saad naman niya at akmang lalabas na pero tinawag ko ito ulit.


"Ma, can I ask you a question po?" Tanong ko naman at agad naman siyang tumango.


"Sure, what is it?" Saad naman niya.


"Kamusta po si Jaydee nung nawala ako?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong pero yaan ang biglang lumabas sa bibig ko.


"She became the worst person. Tandem silang dalawa ni Gabo, laman sila ng Bar noon, hindi rin pumapasok sa school. Hindi na nga alam ni Sela at Abby kung anong gagawin sakanila para magtino ulit eh." Saad naman niya.


"Until they decided na bumili na ng Mansion para maging magkakasama sila sa bahay at hindi laging mag-isa si Jaydee. Unti-unti naging okay si Jaydee, hindi na siya lumalabas ng mansion or kahit man makipag interact kahit kanino, ayaw niya. Bumisita ang parents niya rito at binigyan siya ng offer, kung ayaw niya na mag-aral, siya nalang ang paghahandle ng sm malls nila rito sa bansa. Pumayag naman si Jaydee katulong ang mga kaibigan niya hanggang sa nag turn na ng 60 ang parents niya. Naretire na ang mga ito at siya na ang pumalit bilang CEO ng lahat ng bussinesses nila sa mundo." Tuloy-tuloy naman na sabi nito.


"Sobrang nakakaproud nga siya eh, at the age of 22 nakayanan niya ihandle lahat ng malls nila rito and this year, turning 25, siya na lahat naghahandle ng lahat ng bussinesses nila." Dagdag pa nito-- sobrang nakakaproud nga, how I wish na nandun ako nung panahong nagsimula siya.


"Sobrang nakakaproud nga po, I wonder kung paano niya kinaya lahat yun." Saad naman ni Ma--


"Ikaw ba, anong nangyari sayo iha? Bigla ka nalang daw hindi nagparamdam eh, kayong dalawa ni Ella." Saad naman niya-- ready na ba ako na sabihin lahat?


"Before Jaydee's birthday, pumunta po ang parents ko samin at kinukuha na nila ako pero nakiusap ako sakanila na patapusin muna ang birthday ng taong pinakamamahal ko. After Jaydee's birthday, kinuha na kaming dalawa ni Ate Ella at lumipat kami sa Makati para hindi kami mahanap nila Jaydee sa old house. Akala ko ganun ganun lang po yun. Naubos po lahat ng pera namin dahil naadik si Dad sa mga Casino, yung tipong every casino na madadaanan nila, naglalaro siya. Last play niya sa Casino, 10 million ang naging utang niya sa Pamilya ng asawa ko ngayon." Saad ko naman


"May asawa kana?" Tanong naman nito--


"Fix marriage. Anak siya nung pinagkautangan ni Dad. Pinapili siya ni Dad kung sino saamin ni Ate Ella ang pakakasalan niya and he chose me. I got no choice, pumayag ako para lang hindi makulong si Dad sa laki ng utang niya." saad ko naman


"You should've tell Jaydee noon, hindi magdadalawang isip yun na tulungan kayo." Saad naman niya.


"Sobrang nahihiya na po kasi ako sakanya nun at ayoko ring maging pabigat sakanya." Saad ko naman.


"Tell everything to them, mamaya. Sigurado akong maiintindihan ka naman nila, basta sabihin mo lang ang totoo. Maiwan na kita rito." Saad naman niya at lumabas na ng Kwarto.


Nagpalit na ako ng damit at humiga--- Ano kayang mangyayari mamaya?

-------------------------------



























































Thank you sa pagbabasa, 90 votes?

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now