Chapter 67:Basag trip

39 2 0
                                    

Mady Lean pov:

“Whaaaaa.......” tumili ako ng malakas “Can you pleased shut up....What? Whaaaa.....” sabay na kaming tumitili, at dahil sa sobrang pagkagulat sinipa ko ito dahilan para mahulog ito sa kama. Hinila ko palapit sa ang kumot saka pinambalot sa katawan habang si Sir Kean nakatayo lang habang yakap din ang sarili. Naka boxer short ito at walang suot pantaas kaya exposed ang magandang katawan nito. Napaka ganda ng katawan ni sir, may six pack na abs at medyo mabalahibo ang lining sa gitna ng tiyan. Bumaba ang tingin ko habang sinusundan ang maganda at mabalahibo nitong katawan na parang ang sarap sarap niyang hawakan. “Ano busog kana ba?” namula naman ako sa hiya nung magtama ang paningin namin. Nakapamewang na pala ito at mas lalo pang humarap sakin kaya pala mas lalong lantad ang kurba at ganda ng katawan nito.

“Hu? Anong sinasabi mo diyan?” nag iwas ako ng tingin habang nakatalukbong ng kumot. “Tss. Kunwari ka pa diyan. Tumayo ka na nga diyan.” utos nito pero di ako nakinig “Ano ba, sabing tumayo ka diyan.” “Ayoko nga.” pilit nitong hinihila pababa ang kumot kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak. “Bakit ayaw mo?” napakagat ako ng daliri habang nagsusumiksik parin sa loob ng kumot para lang di nito makita ang reaction ko.

“Ano kasi....” diko natapos ang dapat sanay sasabihin ng hilain niya ng malakas ang kumot kaya pati ako nadala din dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kumot dahilan para matumba kami sa sahig ng magkayakap. Sandali kaming nagkatitigan, walang may gustong magsalita samin. This heartbeat again killing me sofly talaga. Pag ganitong nagkakadikit ang mga balat namin nu sir parang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko dahilan para di ako makagalaw.

Parehong-pareho ang reaction namin ni sir. Nasa ibabaw ako nito habang nanlalaki ang mata dahil sa pagkabigla habang nakaawang ng bibig. Yong reaction naman ni sir tahimik lang at nakatutok ang mga mata nito sa mata ko na tila ba nakikiramdam din gaya ko. Unti-unti kong napansin na palapit ng palapit ang mukha nito sa mukha ko, awtomatiko naman akong napapikit nung hawakan niya ang batok ko dahilan para magkalapit lalo ang mga mukha namin. Ramdam ko na ang hininga nitong parang pinapaamo ako, sa isang saglit lang naramdaman ko nalang ang malambot nitong labi na nakalapat sa labi ko. Ilang segundo rin na natili ang ganoong eksena, mas lalo namang lumalakas ang kabog sa dibdib ko na parang hinahabol ako ng sampung kabayo. He's lips wipe open wants to enter my mouth, i awtomatically welcome him ng biglang.....

“Sir, okay na p–” tinulak niya ako ng malakas ng biglang may pumasok sa kwarto. “Ahm...pasensya na po kayo sir kung naisturbo ko kayo.” napatingin ang matandang lalake sakin tapos kay sir na nakatayo na't naka boxer lang. Nagkatinginan lang kami na tila ba iniisip kong tama ang nakita. “Ahm...hindi po ganon ang iniisip niyo/Mali po kayo ng iniisip.” halos sabay pa naming sagot ni sir Kean. Natawa lang samin ang matandang lalake na nasa 40's na siguro kong ako magkakamali.

“Normal lang po sir na magkahiyaan kayo lalo na't may ibang nakakita sa ginagawa niyo. Isa pa normal lang sa magkarelasyon na gumawa ng ganyan.” tila kinikilig pang sabi nung lalake “Sige ho lalabas na ho muna ako” “Pero manong.../ hindi po gan....” pareho naminh di natuloy ang dapat sasabihin namin ni sir nung pabagsak nitong sinara ang pinto. “Aist...” pareho kaming eretang nagkatinginan na para bang diring-diri kami sa isa't isa. “I take a shower first, sumunod ka after ko wala tayong dalang damit kaya maghahanap ako ng kasyang damit dito ni Brent.” sabi nito saka ito nagmartsa papasok ng kwarto.

Nakahinga lang ako ng malalim nung makapasok na si sir kean sa banyo pero dinig ko ang malakas na sigaw nito. “Malamang sa malamang sinusumpa na ako nito ngayon.” walang ganang bulong ko sa sarili habang hinahawakan ang labi, napapangiti ako first time ko siyang makahalikan at wala akong pinagsisihan na sa kanya ko binigay yon. Pero bakit wala lang sa kanya yon? Palibhasa playboy, what a jerk?

Ereta akong tumayo para hanapin ang cellphone. Hindi ko kasi mahanap, bali-baligtad ko ng ginawa ang higaan pati sa silong ng higaan nagbabakasakali akong baka nahulog lang pero diko talaga mahanap. “Nasan na ba yon?” pagmamaktol ko, wala din kasi sa mga drawer at hunos. “Anong hinahanap mo?” “Ay kalabaw.” biglang tili ko, nung marinig bigla ang boses ni sir. Nasa may likuran ko na pala ito ng hindi ko namamalayan,  nakakahiya kasi nakatuwad pa naman ako dahil dinudukot ko sa ilalim ng higaan nung may makita akong parang maliit na ilaw, at nung maabot ko desmayado ako dahil flashlight lang pala.

“Anong ginagawa mo diyan? Wag mong  sabihing rat hunter kana?” saka ito lumakad palapit sa pwesto ko kaya umayos nalang ako ng tayo at hinarap ito. “Nakita niyo po ba ang cellphone ko?” tanong ko “Ah, yong cellphone mong kasing panget mo? Ewan, hmmp....let me think... Baka kasi naitapon ko na yon kagabi.” “ANO?” kahit ako nagulat din sa naging reaction ko. “Sinisigawan mo ba ako?” sarkastik nitong tanong “ahm...hindi naman po,  kaya lang po sir gamit ko ho yon. Nanghahalik ka na nga ng walang permiso pati ba naman personal na gamit pakikialaman mo pa? Ganon ka na ba ka bossy? Lahat ng nanaisin mo gusto mo nakukuha? At wag niyong sabihing pati privacy ko pakikialaman niyo narin.” galit n sabi ko saka ako padabog na nagmartsa palabas ng kwarto.

“Hui...bumalik ka dito” habol nitong sabi, dinig ko dahil nasa may labas lang naman ako ng pintuan “Pakialamero.” bulong ko sa hangin saka ako nagmartsa palabas. “Ma'am, saan ho kayo pupunta?” napatingin ako sa lalakeng kanina lang ay pumasok sa  kwarto. “Manong may cellphone po ba kayo?” tanong ko “Hu? Cellphone? Meron po ma'am, ahm teka kukunin ko lang po.” patakbo naman itong lumiko. Hamakbang ako, don ko lang napansing malakas pala ang ulan dito sa labas.

“Ah, ma'am ito na po yong cellphone. Tamang-tama kakapa load palang ng asawa ko kanina kaya bukas pa mag eexpired yan ma'am” nakangiting sabi ng lalake “Salamat ho, pwede ho ba akong makitawag?” “Sige ho.” “Salamat!” ngiting ganti ko saka ako dumistansya ng kunti at dinial ang number ni cicil kaso unattended naman. Sinubukan kong tawagan si Kuya richard pero ayaw namang sagutin.

“Aist, wala ba talaga akong makaka usap ng matino?” gigil na sigaw ko na ikinataranta ni manong “Ahm...ipaghahain ko na po kayo, nagugutom na po ba kayo ma'am?” akmang papasok na ito ng pigilan ko “Ahm...manong, ito ho diko po kasi makuntak eh.” naiilang kong sabi “Ganon ba, sige hiramin mo nalang mamaya ulit ma'am” tumango lang ako saka ito nginitian.

“Ahm...manong pwede ho bang magtanong? Anong address dito? I mean anong klasing beach resort to? Anong pangalan?” enteresadong tanong ko habang inaabot ang cellphone nito “Ahm..” “This is called Halfmoon beach reasort.” pareho kaming napalingob a direksyon ng nagsalita. “Bakit tinatanong mo? May gusto ka bang isama dito love?” lumapit pa ito sakin sabay akbay. “Anong....” “Wag ka ng mag inarte diyan, ako ng tanungin mo wag mo ng abalahin si manong mamaya darating na asawa niya baka pagselosan ka pa nun. Ikaw din.” kinindatan pa ako nito. Taranta namang nagpaalam si manong edgar na isang caretaker pala ng beach resort na to na pag-aari ng pinsan ni Sir Kean.

Anong trip ng lalakeng to?

Update:

Clossed na sila...

Ayeeeii...ayeei....kinikilig si mady haha... Sorry again sa late update.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now