Chapter 91: Ebidensiya

32 1 0
                                    

Mady pov:

"Anong ginagawa niyo?" parang naistatwa kaming pareho ni sir sa kinatatayuan. "Shit! I'll go ahead na, may kasama ka naman. Isa pa, the doctor said, over fatigue lang yon kaya ka nagkasakit. So, you need to rest." dire-diretso nitong sabi. Diko naman alam pano magrereak "Hindi niyo pa ako sinasagot sa tanong ko." pangungulit ni Cicil, muling nagtama ang paningin namin ni Kean na halatang naiilang ito.

"Kung anuman yong nakita niyo, wala lang yon. Nadulas kasi ako, buti nasalo ako ni sir." pagpapalusot ko na sinang-ayonan naman ni Sir "Grabe yong moment kanina parang teledrama, yong slow mo tapos biglang may sasalo? Hanep diba sir, kung ako kaya ang nasa sitwasyon ni Mady sasaluhin mo kaya ako?" parang gusto kong sabunutan si Cicil sa kadaldalan niya.

"I'll go ahead, excused me." dina nag antay ng sagot si sir mula sakin o kahit kanino basta nalang itong lumabas. "Ui sir...teka umuul-lan" diko na naituloy ng dapat sana sasabihin nung makitang nagtuloy-tuloy ang paglakad nito saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan kahit sobrang lakas pa ng ulan. Napakamot ulo naman ako saka ako patakbong nagtungo ng banyo ng hindi sila pinapansin saka ako naghilamus para malinisan ang mukha.

Napatitig ko sa salamin nung makita ang totoong hitsura ko. "Matatanggap pa kaya niya ako kung sa likod ng magandang mukhang to ay may malaking sekretong tinatago?" parang naninikip ang dibdib ko habang pinagsiksikan ko ang katotohanang baka pwede niya akong matanggap.

"Beshy, galit ka ba dahil nasira ko ang moment niyo?" di ako nagsalita "Kainis ka naman ehk. Akala ko baah bestfriend tayo pero bakit dimo sinabi na type mo rin pala si sir." napahawak ako sa dibdib "Besh, alam mo bang gusto ka ni sir, madami ng nakakapansin nun. Pero sa tingin ko, gusto niya ang Mady Lean at hindi yong totoong ikaw. Kasi diba mabait si Mady." napaisip ako sa sinabi nito "Besh, kanina nakita ko si Grace yong fian...." bigla kong binuksan ang pintuan, muntikan pa itong mabuwal dahil di niya inaasahang bubuksan ko ang pintuan.

"Anong sabi mo?" "Ay wow, pagdating sa bagay na yan talagang nagiging interesado ka. Sige deadmahin mo pa yang tunay na nararamdaman mo." ako naman ang natameme nung iwan niya akong may maraming katanungan. "Baliw, ano ngang ginawa ni Grace sa office kanina? Nakita ka ba niya?" napahinto naman ito, napatingin naman samin ang iba pa naming mga kasamahan.

"Sa tingin ko hindi niya ako napansin kanina, galit kasi si yummy boss kanina tapos sabi niya kay bakulaw ayaw niya itong makita, basta parang LQ sila. Dahil ba yon sayo?" napaawang ang bibig ko, hindi ko nga alam kong anong sasabihin naka abang pa ang lahat sa isasagot ko. "Dito galing si Patrick diba? Nakasalubong ko siya" saad ni Floyd, kakaibang expresyon sa mukha nito.

"Don't worry di niya ako nakita, nakatuon ang atensyon niya sa sasakyan kaya di niya napansin na nakaparada din ang kotse ko sa labas." napabuntong hininga nalang ko "By the way, bakit kayo napadpad dito?" walang emosyonh tanong ko saka ako umupo sa tabi nila Sydney "Besh, naghain na ako dito na kami kakaen ngayon kasi mag cecelebrate tayo." excited na sabi ni Cicil, kumunot naman ang noo ko "Anong meron?" takang tanong ko "Anniverssary ng Black Phantum. At isang malaking sekreto ang nailantad ngayon." napatitig ako kay Floyd na may halong pagtataka.

"Inaresto na ng mga pulis si Manuel Cruz, at mismong si Leon Ledezma ang nagpakulong sa kanya." napatitig ako kay Floyd na tila naguguluhan "Lasts time you desguise as Manuel Cruz at kami ni Orange cocktail ang body guards mo. Lumabas sa mga investigation na sinabutahe ni Manuel ang mga plano ni Leon, at inisip ni Leon na ito ang nahlabas ng video dahil siya lang din naman ang nakitang pumasok sa mismong araw na nakunan sila ng video." napangisi ako sa narinig.

"Tignan mo nga naman, akalain mo yon. Lumalabas na sila-sila din mismong magkakampi ang nagsisiraan?" sumang-ayon naman sila "Ano namang mangyayari kay Uncle Leon ngayon?" pare-pareho kaming napatingin kay Millan "Bakit ba gusto mong makulong ng uncle mo?" seryosong tanong ko "Malaki ang kasalanang nagawa ni Uncle sa mga magulang ko. Pinalabas niyang anak ako ng mama ko sa labas dahilan para masira ang masayang pagsasama ng mga magulang ko." may bahid ng hinanakit na sabi nito.

"Hanggang isang araw, hindi lang pagsasama ng mga magulang ko ang nasira niya. Dumating sa puntong pati manang natanggap ng papa ko mula sa mga magulanh nila ay balak din nitong angkinin. Sakim at maramot si Uncle Leon, pinagkaitan niya ako ng pagkakataong makasama ko ng matagal ang mga magulang ko." parang kinurot bigla ang puso ko, pareho ang naging sitwasyon namin ni Millan ang masakit lang na part sa kanya ay kadugo pa niya ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang niya.

"Ano bang nangyari sa mga magulanv mo?" enteresadong tanong ko, tahimik langng lahat maging si Cicil at sydney na naghahanda ng pagkaen natigilan din na may halong pag aalala "Ginahasa at binaboy niya ang mama ko, ng maraming beses hindi ako makapagsalita noon at hindi ko magawang manlaban dahil may problema ang mga buto ko at hanggang ngayon nag papa teraphy parin ako." napabuntong hininga ako halos sabay pa kami ni Floyd sa naging reaction. "Hindi ko malilimutan ang araw na pinatay niya sa harapan ko ang papa ko ng walang kalaban-laban." punong-puno ng galit ang tuno ng boses nito.

"Teka, kung ganon, papa mo ang nakita ng papa kong pinatay ni congressman?" pare-pareho kaming napatingin sa direksyon ni Kuya nung magsalita "Anong ibig mong sabihin?" tila gulat na tanong ni Millan "May nasaksihang Krimen si papa noon bago siya pinatay."malungkot na sabi ni Kuya Richard "Pinatay din ang papa mo?" tumango ito.

"Oo at tinuro ang Black phantum na isa sa mga miyembro ang pumatay. Pero hindi ako naniniwala." napaisip naman ako saka ako palihim na nagpadala ng mensahe sa email kau Uncle Roi para alamin ang tungkol sa mga pangyayari noon. Nanlaki ang mata ko ng may ipasang video si Uncle Roi, halos mabitawan ko pa ang cellphone na ikina agaw pansin ng lahat.

"Floyd, buksan mo ang kaso ng mga magulang ni Kuya Richard at Millan." lahat sila may kanya-kanyang katanungan nung hinarap ako "Isa sa mga members si Leon Ledezma sa Black phantum na itinaguyod ng angkan namin. At nagalabas ng video si Uncle Roi," saka ko pinakita ang video sa walang awang pagpatay sa isang lalake habang nasa may garden ito hindi lang yon marami itong ilegal na gawain at kapag nalalaman pinapaligpit niya.

"Walanghiya, siya din pala ang nagpadala ng regalo na may kamay ng tao at duguan. Pananakot niya sa prosecutor para tantanan ko siya. Pwes, ilalabas ko lahat ng baho niya at kung hindi siya makukulong, bala ko ang katumbas at kabayaran ng kawalanghiyaan niya." sersyong sabi ni Floyd.

"Handa akong tumistigo, buksan natin ang kaso." pagsang-ayon ni Millan "Tama, marami tayong ebidensyang magdidiin laban sa kanya. Sisiguraduhin kong sa kulungan na ang huling hantungan niya." dagdag pa ni Floyd.

Tama ngang sila ang pinili ko, hindi ako magkamali. Alam kong magiging matagumpay ang plano ko sa pamamagitan nila lalo pa't nasa akin na ang tiwala nilang lahat.

"Farewell my traitor friends of mine, it's time for you to suffer misserable more than in hell!"
Yon ang note na pinalagay ni uncle Roi para sa regalong ipapadala kay Congressman bukas ng umaga, pag gising niya bubulaga sa kanya ang madilim niyang kahapon....

.

Update:

Grabeh sila,
Ang lulupit nila.
Kawawa ang walang laban haha.
Sorry, nakisali si author haha.
Well, gusto ko lang sabihin na, pinapakita ng kwentong to ang mga bagay-bagay na ginagawa ng mga taong gutom sa kapangyarihan mg iba.

Hhehe
Huwag po sanang magalit!
Not my intention to hurt anyone, i just go the flow of my story, yon lang nothing more.

Thanks!

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now