Chapter 111:Suit

35 3 0
                                    

Kean pov:

Natigilan ako ng biglang tumakbo palabas si Mady, narinig ko ang sigaw ni Cicil na pagpigil niya sa kabigan na ikinatigil ng lahat.
“Anong nangyari dun?” tarantang tanong ni Rebecca.

“De Guzman, ako na!” buluntaryong sabi ko nung susundan na sana niya si Mady. “Pero sir–” “No buts, hindi naman kasi ako naiilang kay Mady. Mukha naman kasi siyang hindi babae gaya ng iba.” pabiro kong sabi sabay baling sa paligid, may ilang natawa sa sinabi ko pero si Cicil mukhang galit na iwan.
“Don't get me wrong, sinasabi ko lang kung anong nakikita ko Cicil. Sa inyong lahat, siya lang naman kasi ang hindi mahilig mag pa cute.” pasimpleng natawa si Rebecca, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi nito na mukhang tama ang sinabi ko.

“Best buddy din kasi siya, bukod sa wala itong pakialam sa paligid, very professional pa ito kung magtrabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag focus sa trabaho. Mukhang matindi ang pangangailangan niya.” nagtawanan ulit sila, “So much for that, i want to say na malaki ang pasasalamat ko sa kanya, because of her na clossed ko ang deal. Kaya mag enjoy kayong lahat.” matapos kong sabihin yon tumakbo ako palabas para sundan si Mady Lean.

Naabutan ko pa ito kaya tinawag ko na, kaso para naman itong bingi. Imbis na huminto, kumaripas pa talaga siya ng pagtakbo hanggang sa hindi ko na siya makita dahil sa bilis ng takbo niya.
Hingal akong nakalabas, naghahabol pa ako ng hininga habang nakapatong ang mga kamay sa beywang. “Nasaan na siya?” humahangos na tanong ko sa sarili.

Nilibot ang tingin sa paligid hanggang sa may marinig akong parang sumusuka. Nilapitan ko ito, nagbabakasakaling siya na yon. At hindi nga ako nagkamali, yong parang robot kong sekretarya nakaramdam din ng pagod sa wakas at ngayon tinamaan pa sa alak dahil panay ang suka.

Akalain mo yon, kahit pala ang isang mala robot na gaya niya napapagod din pala? Aist, umasta kasi akala mo hindi siya tao. Akala mo hindi napapagod, masyado siyang energetic sa lahat ng gawain.

Tinawag ko ang pangalan nito, humarap itong namumutla marahil dahil sa dami ng nasuka niya.
Tinitigan ko ito ng matagal, gusto ko sana itong pagalitan kaso bigla nalang itong gumiwang na parang matutumba.
Pero bago pa siya matumba, mabilis pa sa alas kwatro ang pag-galaw ko. Ngayon buhat ko na ang walang malay na lasinggera na to.

“Mady? Hui babaeng panget gumising ka.” gigil kong sabi haban inaalog-alog ito at tinatapik-tapik ang pisngi “Hui, ano ba, sinabi ng....” bigla akong natigilan ng may maalala “Teka, parang nangyari na ang ganitong eksena sakin.” naguguluhan man ako pero pinilit ko paring alalahanin.

.

Malapit ko ng maalala nang biglang..... “Ay naku naman beshy talaga, kahit kailan napaka burara nito. Sir pasensya kana sa kaibigan ko ganyan po talaga siya eh.” biglang sulpot ni Cicil galing sa kung saan.
“Sir, iuuwi ko na po siya. Ay teka tatawag muna ako ng taxi.” tarantang sabi ni Cicil.
“Don't call any taxi cab, come closser ikaw na muna dito. I get my car ako ng maghahatid sa kanya.” nanlaki ang mata nito at halatang natigilan sa narinig “Hindi mo siya kaya. That's why i decided to take her home” nanatili parin itong nakatitig sakin.

“Come on Cic–” “Kean, are you sure with that?” biglang singit ni Rebecca, sumunod pala ito sakin ng hindi ko namamalayan.
“Don't you worry, wala akong gagawin sa panget na to. May taste ako, isa ña hindi ako piranha para pag pistahan ko ang exotic na gaya niya.” pabiro ko pang sabi.

“De Guzman, halika't tulungan mo akong alalayan si Mady Lean para makatayo at iuupo muna natin dito.” utos ko, tinulungan naman ako nitong buhatin si Mady. Mabigat pala ang babaeng to. Para talaga siyang lalake.

Ahm, kean where is your key? Ako ng kukuha para maihatid mo na si Mady. Hindi ko siya kaya at mas lalong hindi siya kaya ni Cicil.” tumango nalang ako saka ko kinuha sa bulsa ang susi at inabot kay Rebecca.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now