Chapter 88: Rebelasyon

40 1 0
                                    

Mady pov:

“Hello/Santiago, asan kana ba? Bakit wala ka pa dito sa office?” halos sabay pa naming sabi ni Manager Ong, galit ang tuno ng boses nito “Sabi ni De Guzman hindi ka papasok ngayon? Bakit? Sabihin mo kung totoong hindi ka makakapasok ngayon?” sermon nito sa kabilang linya “Sorry po ma'am, pinilit ko pong pumasok kaso masama po talaga ang pamiramdam ko.” nagkunwari pa akong umuubo para makumbinsi ito. “Sige, magpagaling ka agad. Ipapa cancel ko na muna ang meeting niyo sa German ambassador mukhang may malaking problema din sila Chairman.” “Anong...” ***toot...toot...toot..
Bago pa ako makapagtanong pinutol na nito ang tawag.

“Aist, sorry insan kailangan kong gawin to sayo.” pabulong na sabi ni Floyd matapos niyang painumin ng juice na may gamot pampatulog si Marco at ipinagkatiwala muna kina Lavander at orange cocktail. “Nakopya muna ba ang identity ni Samantha? Aist, sayang kung hindi siya sana nakipaghiwalay kay Bryan di sana siya magiging sekretarya lang ni Marco.” pahabol pa na sabi ni Floyd bago gawin ang misyon.

.

.

.

Flashbacks...

Boss, nakopya ko na lahat ng files na nasa iron pen detector.”hingal na sabi ni Joshua “Good job yellow bladder.” sabi ko “Green Greek, ipagkakatiwala ko sa inyo ni Silver moon ang pagpasok sa loob ng cctv room para gawa ang lahat ng plano. Mag iingat kayo, masyadong mahigpit ang pagbabantay at mga armado din sila.” paliwanag ko “Yellow bladder, magpapanggap kang isa sa mga tauhan para ikaw ang mag abot ng laptop sa chairman.” tumango naman ito “Black dragon naipadala mo na ba ang video sa chairman?” tumango ito. “Kaya lang Blue lady, malalaman niyang galing sa bahay mo ang location kung sakaling magawan nila ng paraan para ma trace.” nag aalalang sabi nito.

“Oo nga Blue lady, kahit sakin pag hinanap ko ang location ng nagpadala ng email sa mismong building mo ang makikitang location.” dagdag pa ni Kuya Richard “Relax boys, walang lalabas na kahit ano lalo pa't magdamag kung pinagplanuhan to. Lalabas sa email na pinadala na binibigyan natin ng warning ang nagnakaw sa fund ng organisasyon natin at para ma exposed ang baho ni Leon Ledezma” paliwanag ko. “Mukhang mahirap yon, kahit mailabas natin ang ebedinsiyang to maaring magawan nila ng paraan to para malinisan.” napatitig ako kay Floyd.

“Prosecutor ka diba? Magpapanggap kang Marco ngayon, gamit ang maskara na kinopya ni Mr. George Macbright walang maghihinalang ibant tao tayo. Don't worry, kahit burahin nila lahat ng ebidensya remember may pen detector tayo na naka connect mismo sa system machine diba?” tumango naman sila na halatang natuwa.

“Pano pag nagising sila Marco at ang sekretarya niya?” biglang singit ni Millan “Dadalhin niyo sila sa mismong condo ni Marco, nakuha ko ang code gamit ang carbon paper na dinurog ko tapos hinipan ko para magkalat sa pindutan ng pincode niya sa pintuan at lumabas ang ilang numero. May anim akong nakita pero apat lang dun ang tama at yon ang parehong petsa ng birthday nila ni Rebecca Ong.” tatango-tango naman si Floyd na tila proud sa narinig.

“Kailangan niyo silang dalhin na kunwari mga lasing para walang maghinala kayon na ni Lavander ang bahala. Kailangan magkatabi sila sa iisang kama. Si Floyd na ang bahalang magpaliwanag kay Marco pag nagising na ito. Dahil ang alam niya papunta siya sa meeting ngayon.” napakamot ulo si Floyd sa narinig pero sa huli sumang ayon din.

_ _ _

Nakapasok kami ni Floyd ng malaya at walang naghihinala. Gamit ang maskarang suot na parang hawig ng totoong mukha ng tao na kinopya niya George Macbright na isang tanyag na magaling na plastic surgery nagagawa ko ang lahat ng dapat kong gawin. Si Floyd bilang pinsan niyang si Marco at ako bilang secretary nitong si Samantha Javier na naghahanap din ng ebidensya dahil hindi siya naniniwalang namatay ang uncle niya sa heart attact kundi sinadyang patayin ito at dahil wala siyang sapat na ebidensya hinayaan nalang niya pero umaasa parin siyang mailalabas sa publiko ang baho ng mga taong halang ang mga kaluluwa para lanf makuha ang kapangyarihang ninanais nila.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now