Chapter 6:Beastmood

141 5 0
                                    

Mady pov:

Nakarating ako ng office na masamang masama ang loob, wala na akong pakialam sa kahit na sinumang nakakasalubong ko sa daan.

Dire-diretso lang akong tinungo ang opisina na masamang masama ang loob ng dahil sa lalakeng yon. Sobrang yabang...

Para akong nagmamartiya sa daan, parang nakikisabay ang bigat ng paa ko sa bigat na dinadala ng dibdib ko. Ganun ba talaga pag badtrip ka? Kahit anong ganda sa paligid nagiging pangit sa paningin mo?

Bigla kong binagsak ang dalang bag na ikinagulat ni cicil. "Ui...beshhh andito kana pala!" masiglang bati niya "Ay hindi, hindi picture lang to. Buysit!" sunggab ko saka ko siya hinagisan ng masamang tingin.

"Ayy, badmood? May moodwings ba tee?" enerapan ko lang siya saka pabagsak na umupo "Wahhh...!" naapatingin ako kay cicil ng bigla itong tumili.

Tinitigan ko lang siya na para bang gusto kong sabihing.... Anyare sayo?

"Eh, ba't ba nakabusangot ka beshhh....wahhh alam mo may naalala tuloy ako!" sandaling nag isip, nakaabang naman ako sa sasabihin ng baliw kong bestfriend.

Humarap ako while i cross my arms saka inayos ang neirdy glass "Mas lalo kang gumaganda pag naka busangot ka" tapos tumawa ng malakas.

Tumawa rin ako na halatang naeereta plastic kasi ng ngiti ko, sinabayan no lang ang pagtawa nito. "Ganda ka?" mataray na sabi ko, pilit naman siyang ngumingiti kahit halatang nag aalangan.

Isa pa tong panira ng araw, buwisit!

"Manahimik ka nga kong ayaw mong kalbuhin kita" masungit na sabi ko habang hinihila ang dulo ng hibla ng buhok niya.

"Arrrayyy....Anong bang nakaen mo? Gulong o tire? Malakas maglabas ng hangin pag naplatan ee!" singhap nito "Well you please.... SHUT UP!" saway ko nakakapanggigigil talaga.

"Oppppsss...sorry!" nag peace sign siya pero hindi sakin kundi sa mga ka workmate namin, napalingon kasi ang ilan mukhang napalakas ang boses ko kanina.

"Ui, bakit ba?" baling niya ulit sakin pero this time may pag aalala na sa mukha nito "Basta!" saka ko ibinaling ang atensyon sa ibang parte.

Nababadtrip ako lalo ng dahil sa bestfriend ko, isa pang sakit sa ulo kaasar!

"Ay, mabuti pa... Maya na yang emut emot mo diyan tee, parating na ang bagong CEO kailangan presentable tayo at syempre maganda" malandi nitong sabi.

Umupo ito na naka cross legs saka sumubo ng popcorn "Bakit pa?" mataray na tanong ko "Ui.. Anong bakit pa? Huwag ka ngang ano diyan, tignan mo nga yang sarili mo?" pasimple kong sinipat ang sarili.

"Ano namang mali hu? Wala namang pakialamanan dito ah!" sabat ko "Hay naku, mukhang nadaanan kalang naman ng malakas na hangin sa labas!" sabat naman nito.

Okay! Kahit ako din nagulat ng makita ang sarili sa salamin. Gusot na damit, at makalat na buhok di rin kasi ako nakapagsuklay ng maayos kakamadali ko kanina.

Tapos sumakay pa ako ng habal habal na motorsiklo para lang makarating ng opisina. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko sa daan.

Dahil sa ... HITSURA KO? Damn, i hate this!

"Buti pa ayusan na muna kita, any minute darating na ang bagong boss natin" saka inumpisahang suklayan ang buhok ko habang hawak ko naman ang salamin na bigay nito sakin kanina by checking myself.

"Balita ko besh, matcho at mas gwapo pa raw kay marco ang bagong boss natin. Wow naman, mukhang gaganahan ako nitong pumasok lagi" pasimple ko siya tinignan sa salamin.

Nagniningning ang mata nito habang sinasabi ang bagay na yon. "Mukhang naka move on ka na besh sa ultimate crush mong si marco ah!" pambabara ko.

Hinampas niya naman ako sa braso. Patay na patay kasi siya sa dati naming boss na si marco pero na friendzone lang siya. Kawawang bata.

"Yuckk...para kang engot!" eretang sabi niya natawa naman ako "Haha basta ako wala akong pakialam sa kong sinumang magiging boss natin. As long as na hindi papalya ang sahud natin. Yon sure akong magiging loyal ako sa kanya"proud kong sabi.

"Ayan tayo ee, praktikal agad. Hayy ang boring talaga ng life mo sis kaya dika nagkaka love life ee!" hindi ko alam parang may kong ano sa sinabi niya na bigla nalang nagpantig ang pandinig.

Isa pa masasapak ko na tong bestfriend ko. Ano namang mali sa pagiging praktikal ko?

GIRL BEHIND THE MASKDove le storie prendono vita. Scoprilo ora