Chapter 81: Turn over

38 1 0
                                    

Mady pov:

Tumayo na ako para ako naman ang magsalita “As a founder of this assasination, i want you all to know na there is someone who steal the money.” walang may nagsalita “Nawala lang ako may nakawan agad na nagaganap?” buntong hiningang sabi ko “Baka naman kasi, ikaw ang nagnakaw.” sumama ang awra ng mukha ko sa narinig “As far as i know, okay pa naman ang budget, about sa expenses napapag usapan naman. Isa pa, si Lavander ang katiwala mo diba? So bakit may nakawang nagaganap? Unless, Lavander will stole it.” “Anong sabi mo?” gigil na tumitig si Lavander kay Grace, nasa pagitan naman nila si Millan o Orange cocktail na boyfriend nito. “Ow bakit? Nagagalit ka? Eh diba ikaw ang pinagkakatiwalaan ni Blue Lady, so bakit biglang may nakawang nagaganap. O baka naman, magkasabwat kayo?” naikuyom ko ang kamao para pigilan ang sariling hindi ito patulan.

“Dahil lang ba nawala si Founder, pag iisipan mo na agad siya ng masama? Hindi ba pwedeng umalis lang siya para hanapin ang kulang sa sarili niya dahil trinaydor niyo siya?” walang pasintabing singit ni Floyd. “Kung nagnakaw man siya, hindi na niya sasabihin pa satin diba? Bakit niya gagawin? Siya ang may pinakamalaking ambag sating lahat. Dapat lang na kunin niya kung anong dapat ay sa kanya, pero hindi siya ganon kasama diba?” hindi nakapag react si Grace sa narinig “Kasi kung masama siya dapat di na niya sasabihin satin at hindi na siya magpapakita kung siya man talaga ang nagnakaw? Mag react na ang natamaan.” natawa ako ng mahina, “Tama si Black dragon we don't know kung sino ang nagnakaw at kung magkano ang ninakaw” biglang singit naman ni Raymund “Hindi ako magagalit ng ganito kong maliit lang ang nanakaw.” ako naman ang nagsalita “Bakit magkano ba ang nanakaw?” singit naman ni Cicil “2.5 million” “Ano?” halos lahat nagulat sa narinig “Hindi lang yon, yong branch sa paris at singgapore medyo palugi narin. Palaging may nauunang kumuha ng pera bago pa ang expenditure. So ngayon, sabihin niyo sakin kong ako parin at si Lavander ang nagnakaw?” walang may umimik.

“Di bale na nga lang. Kahit hindi niyo aminin, malalaman at malalaman ko parin. Hahanap ako ng pruwiba” “Baka naman na missed place lang or something...” “Na missed place?” hinarap ko si Grace “Sa ganyang halaga ma mi-missed place lang? Are you kidding right? Malaking fund yong nawala at para sana yon sa orphange at charity na idodonate ng grupo natin.” hingal kong sabi “Bakit kasi kailangan nating mag donate ng foundation at sa mga orphanage na yan?” pang iignora ni Grace.

Napamura ako ng mahina “Ngayon lang ata may nagtanong, every year naglalabas tayo ng malaking halaga para itulong sa mga nangangailangan. Kaya nga hindi ko na sinisingil ang anumang hiniram na pera niyo para sana manlang makatulong yon sa mga mahihirap at mas nangangailangan diba? So, bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Don't tell me nakalimutan mk narin ang napagkasunduan ng grupo?” gigil kong tanong.

“Ipapaalala ko lang sayo Kristine, simula nung umalis kana. Ako na ang nag manage sa grupong to, so bakit pa namin pakikinggan ang boses mo kung alam naman naming sa huli iiwan mo rin kami para magpakasasa ka sa sarap ng buhay ng walang iniintinding obligasyon.” napaihip ako sa hangin sa narinig mula kay Grace “Ang kapal naman ata ng pagmumuka mo para sumbatan ako. Kayo ang dahilan kung bakit nagpakalayo-layo ako.” “Ow? Bakit hanggang ngayon ba hindi mo parin nakakalimutan si Gray phantum? How sad.” tila nang aasar na sabi nito.

“Kahit isaksak mo sa baga mo si Raymund hinding-hindi na ako maghahabol. Ito ang tandaan mo, hindi pa ako umaalis sa pwesto kaya wag kanf mag feeling na akala mo nakuha mo na ang korona ko.” napatanga ito sa narinig. “Total andito narin naman ang lahat, sasabihin ko na kung sino ang dapat na papalit sa pwesto ko.” kumunot ang noo nito “Ibibigay ko ang posisyon ko para subukan kung tamang siya ang pinili ko. Kapag napatunayan ko yon, kusa akong bababa pero pag nakita kong mali siya bakit ako magdadalawang isip na ibagsak siya hindi ba?” may kanya-kanya silang reaction sa mukha.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now