Chapter 7:Over react

127 4 0
                                    

Mady pov:

"Wow makaboring wagas!" sabat ko "Sus, bakit diba? Kaya ka nga dinag kakalovelife kasi nga bor..." "Tumigil ka nga, makapagsalita parang nagka boyfriend na ah!" pang aasar ko rin.

Kahit naman kasi maganda at sexy si cicil diko pa nabalitaang nagkaboyfriend na siya.

"Tssse.... Mayron kaya!" namumula nitong sabi "Talaga? Sino?" pang aasar ko lalo "Ewan ko sayo, one day you will meet him!" "In your dreams" saka ako tumawa ng malakas.

Ngayon, ako naman ang mang aasar sa beshy ko alam kong ayaw niyang pinag uusapan ang tungkol sa lovelife niya kaya humanda siya sakin ngayon.

"Bahala ka na nga diyan, buti pa ikaw na magtapos mag ayos ng sarili mo kainis!" saka umupo ulit. Natawa nalang ako, kanina ako ang inaasar niya tapos ngayon ako naman ang nang aasar sa kanya.

"Hmp galit ka ba?" umiling ito "Not really, just tell me about what happened earlier before u entering this office na sobrang badtrip? Why? Something wrong?" dire-diretsong tanong nito.

"Anong problema?"napatingin ako sa mukha nito na para bang gusto kong sabihing ... **SERYOSO?? As in seryoso ba talaga siya?

"Ano? Magsasalita ka ba o hihilain ko yang dila mo? Ang arte lang beshh hu?" napabuntong hininga nalang ako mukhang badtrip narin ito gaya ko.

Kaya nga match kami, kasi pareho kaming bugnutin at low tempered.

"Hay, pano ba to?" tumayo na ako saka nagpabalik balik sa paglakad. I dont know how to start sharing those stupid encounter kanina...

"Hui, bruha ka maupo ka nga naduduling na ako sa ginagawa mo!" sita ni cicil "Dika ba nahihilo? Kasi ako hilong hilo na. Upo na sabi para kang timang napaka O.A!" untag ni cicil.

Grabe ang pagkakasabi ng O.A. with matching pandidilat ng mata, kailangan ganun siya?

"Eh, kasi..besh diko alam pano sasabihin ang nangyari kanina!" "Ang O.A. lang hu? Sasabihin lang naman nahirapan na? Ganun ba talaga ka confidential besh?" maanghang na sabi ni cicil.

"ee,kasi ano...eh... Pano ba?" "Ui babae, pwede ba kumalma ka? Naeereta na talaga ako kakatingin sa reaksyon mo. Baka dina ako makapagpigil mapatay na kita. Magkkwento ka o magkkwento?"

Namilog ang mata ko sa huling sinabi ni cicil. Pambihira ano namang pagpipilian ko sa sinabi niya? Baliw talaga to.

Bumalik ako ulit sa pag upo "Ganito kasi yon besh kanina, while i'm busy kakatext sayo." i paused for a while ng makita si cicil na kumuha ng panlinis ng kuko sa drawer saka sinumalang maglinis.

"Ang bastus nito, kitam kinakausap ka pa tapos..." "Ahmp, anong nangyari? Nagtext kana diba? So, anong ganap?" atat nitong sabi.

Napaerap nalang ako "Kasi ayon, muntik lang naman akong masagasaan kanina!" buntong hiningang sabi ko.

"Ahh. Muntik kalang namang masag... Ano? Beshy totoo ba yon?" ngayon ako naman ang nagulat sa naging reaksyon niya.

Mas o.a. pa siya sa O.A. pati kaworkmate namin napatingin narin sadireksyon namin.

Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit ito sakin saka hinawakan ang magkabilang braso ko saka ako tinitigan ng matagal.

Parang any moment susunggaban na ako, nanlaki naman ang mata ko. Parang ang sarap niyang upakan ee, ang o.a. talaga...




GIRL BEHIND THE MASKWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu