Chapter 109: Comfronting

34 1 0
                                    

Mady pov:

Dumiritso kami sa kilalang hotel kung saan sila magkikita ng share holder pero bago ang lahat hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin ito. Siya ang pinaka mahirap pakiusapan sa lahat ng nagigipit, pero dahil sa laki ng binayad ko sa kanya para lang makuha ang tiwala ng Chairman at mas lalo niya akong pagkatiwalaan.

Kinausap ko ang share holder na gipit na, may gustong mauna sakin na kumbinsihin ito at hindi pwedeng ako ang makikilala niyang nakakuha sa share holder ng kilalang negosyante kaya kinailangan ko siyang bayaran ng malaking halaga at sinabi ko ring bukod sa perang binayad ko sa kanya may makukuha rin siyang pera pag bininta niya ang shares sa Medines Empire pero ang totoo sa akin na ang perang yon at ako na ang bagong magiging share holder ng walang ibang nakakaalam at yon ang malaking alas na hawak ko panampal sa hukluban na Chairman.

Kahit mahal ko si Kean, kailangan kong isantabi yon para hindi masira ang planong malapit ko ng mapagtagumpayan.

.

.

"Sir, nasa loob na po ng VIP room ang share holder ng Eller bad delio na si Mr. Miguel Chua." formal na sabi ko. "Sandali, may tinatawagan lang ko." hindi mapakaling saad nito.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga tinawagan ang mga pinsan niya, nag mensahe lang ako kung free sila today? Hanggang dun lang, hindi ko sinabing may business meeting silang kailangan ma i-clossed ngayon.

Kapag walang may sumipat na business partner niya, dahil yon ang usapan namin ng share holder authomatically his share, kusang papasok sa account ko kaya ginawan ko ng paraan ang lahat para magipit ang Medines empire, hanggang sa kailanganin nila nv tulong sa ibang negosyante para muling makabangon at pagnagkataon, dun na papasok si Kristine Cassandra Lee sa buhay nila.

"Are you sure? Ow' thank god, don't worry i treat you after this. Thank you so much." nakangiti itong pinatay ang tawag saka ako hinarap. "Sir, may problema ho ba?" nagkunwari akong walang alam "No, actually, hindi problema to. Dahil nakahanap na ako ng business partner at papunta na siya ngayon dito." para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa narinig.


Papano nangyari yon? Sino naman yon? Panira siya ng plano, hindi ko pwedeng palampasin to.



.

.

Other person:

"Pleased, naman pumunta ka dito i'm begging you." ramdam ko ang sincerety ng pagmamakaawa nito sa kabilang linya "Hindi nga pwede, busy ako ngayon. Marami akong pasyente kaya hindi ako pwedeng makadalo, isa pa ano namang gagawin ko. Ic-clossed lang naman ang deal bakit kailangan pa ng business partner?" angal ko habang inaayos ang ilang gamit sa opisina ko.

"Look, isipin mo nalang na para din sa company to. Pleased, wala na akong ibanvmg pwedeng tawagan. Hindi pwede si Grace kasi, ahm busy din siya." "Bakit ako hindi ba? Busy din naman ako ah' isa pa kung yong keychain mo lang naman ang tatawagan mo para sa business prosposal na yan mas mainam ng ako na ang pumunta diyan." kahit gusto kong magalit wala din akong magawa. Hindi ko talaga siya kayang tiisin, mahal ko kasi to.

"Are you sure? Ow' thank god, don't worry i treat you after this. Thank you so much." bakas sa tono ng boses nito ang sobrang sayang nararamdaman "Wait for me there, see you! At huwag mong tatawagan ang Grace na yon maliwanag?" "Coppy." after niyang sabihin yon binabaan ko na ito saka mabilis na nagpalit ng damit.
"Dianne, ikaw na muna dito. May pupuntahan lang ako pero babalik din ako agad. Pag hinanap ako ni Dortor Suarez pakisabi may emergency lang akong pinuntahan. Okay?" paalam ko saka ako nagmadaling lumabas ng hospital.


GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now