Chapter 97: wearing mask

42 2 2
                                    

Kean pov:

Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakatumba ng biglang hawakan ni Mady Lean ang balikat ko para pigilan ako. Nagkatitigan kami, kakaibang titig ang nakita ko mula rito hindi ko maipaliwanag kong anong ibig niyang sabihin habang tinititigan ako sa mata para bang sinasabi niyang... “pagkatiwalaan ko siya?

Bago paman ako makatayo, nauna na itong tumayo. Inangat pa niya lalo ang palda na ikinagulat ko “Stupid, anong tingin mo maakit sila sayo?” pambabara ko pero nanatili lang itong  nakatalikod. Tatayo na sana ako ng biglang may lalakeng sumipa sa dibdib ko dahilan para mapaupo ako ulit at maubo habang hawaka ang dibdib. Napatingin ito sa direksyon ko na parang nag aapoy ang mga titig.

Nung umatake ang isanv lalake bigla nitong inalagan ang suntok na dapat ipagkakaloob sa kanya, saka niya ito siniko patalikod, sunod-sunod na umatake ang mga kalaban pero para itong kidlat na gumalaw sa isang iglap lang nakita kong lahat nakabulagta na sa sahig. Malakas na pag ataki ng sipa, suntok at depensa gamit ang tuhod at siko o di kaya'y patayong kamay para tamaan ang sikmura ng kalaban. Kakaibang Mady lean ang nakikita ko ngayon, at bago paman makakilos ang mga kalaban inaalalayan na ako ni Mady Lean palabas ng bar na parang hindi manlang siya napagod mula sa pakikipaglaban.

“Paano mo nagawa yon?” nanghihinang tanong ko habang hawak ang tiyan at nakasaklay ang braso sa balikat nito. Hindi ito sumagot bagkus ay kinuha ang cellphone saka may tinawagan “Sa Bernabe night club, puntahan mo kami may mga gustong manakit samin. Salamat, nasa may parking lot kami kaso yong mga gamit namin naiwan sa bar baka kung anong gawin ng mga gagong nanakit samin ng boss ko.” yon ang sunod-sunod na sabi nito sa kabilang linya hanggang sa makarating kami ng parking lot.

“Akin na ang susi.” utos nito, matapos akong paupuin sa kabilang upuan “Huwag na, kaya ko pa naman–” “Yuko.” sigaw nito ng biglang may putok ng baril na tumadtad sa sasakyan ko, tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko habang patakbong nakasakay sa rider motorcycle ang bumabaril. “Shit! Who the hell is that?” hingal na tanong ko nung makalayo na ang motorsiklo.

“Alis, hahabulin natin ang walanghiyang yon.” angil ko “Huwag na, parating na ang mga pulis. Ipaubaya mo sa batas yon huwag mong dumihan ang pangalan mo sir.” nakakatakot ang tono ng boses nito na parang binabantaan ako na kapag hindi ako sumunod malalagot ako sa kanya.

Sa totoo lang natatakot parin ako pero dahil kasama ko si Mady, pakiramdam ko safe na ako.

“Bakit hindi mo sinabing marunong ka palang makipaglaban?” bakas sa mukha ko ang pagiging seryoso kahit napaka kalmado lang ng tanong ko, napatitig ito sakin na tila ba nag-iisip. “Ah, ahm...yong tatay ko po kasi sir, dati siyang body guards ng mayor sa lugar namin sa prubinsya.” paliwanag nito ng hindi manlang ako tinitignan at nanatiling nakatutok ang atensyon sa kawalan “So, pano mo nga natutunan ang pakikipaglaban?”  iretang tanong ko “Tinuruan ako ng tatay, wala kasi akong kapatid na lalake at malapit ako sa kanya. Sa totoo lang tibo ho talaga ako sir.” kinurap-kurap ko ang mata sa narinig.

Did she say lesbian? Siya? Tomboy? Kaya ba para siyang lalake kong kumilos?  Kaya ba ganon siya kagaling makipaglaban? Nagkagusto ako sa isang tomboy?

...

Sandaling katahimikan ang nanaig sa amin bago ko basagin ng malakas ng pagtawa na ikinagulat nito “Grabe ang tawa mo sir, parang hindi tayo muntik mamatay ah' ang saya mo pa na may nagtangka na nga sa buhay natin.” natigilan ako sa pagtawa “Sorry, i can't help nagulat ako sa sinabi mong tomboy ka.” natatawa ko paring sabi.

“Ba't ho kayo natatawa? Yon naman po talaga ang totoo eh.” muli na naman akong natigilan, sandaling nagtama ang mga paningin namin. Ramdam kong may lungkot sa mga mata nito hindi ko alam kong bakit siya nalulungkot?

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now