Chapter 77: konektado

36 2 0
                                    

Mady pov:

Nagpupumiglas na ako na makawala mula sa bisig nito, pero hinila niya parin ako at hinawakan ang magkabilang braso ko saka ako tinitigan ng mariin sa mata. "Kris, look at me?" nagsusumamong sabi nito. Pambihira, mudos nga ata to! Sa loob-looban ko gusto ko ng manapak pero may something sakin na gusto kong may marinig mula rito hindi ko alam kong ano yon? At kung bakit?

"Kris, i'm so sorry for what i did...." "Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka ata" buong lakas ko na itong itunulak pero di naman ito natumba, napaatras lang sya "Kris, about happened patawarin mo ako. Pinagsisihan ko ang ginawa ko sayo noon sana mapatawad mo ako" kinabahan ako bigla sa kakaibang tuno at reaction nito, hinila pa niya ako palapit para mayakap ako ulit.

Pinakiramdaman ko ang sarili, baka nagkakilala kami nito noong mga panahong hindi pa Mady Lean ang pangalan ko. "I love so damn much Kris Chinei." hindi ko alam pano magrereak sa narinig. Malinaw ang narinig kong pangalan, humagulhol ito ng pag iyak habang niyayakap ako ng mahigpit.
Pabulong lang ang pagkakabigkas niya sa pangalan na yon pero alam kong 'KRIS CHINEI' ang sinabi nito.

Naging malinaw na sakin ang lahat habang pinoproseso ko ang mga kaganapan. Hindi ako pwedeng magkamali, this man was.....

"Hui, sino ka? At anong ginagawa mo sa beshy ko?" biglang sumulpot si Cicil sabay tulak kay Bryan, habang ako natitigilan parin at iniisip ang mga sinabi nito. Siya kaya si Bryan Casfer na matagal ko ng hinahanap na may kaugnayan kay ate? Kung ganon siya si Green Greek?

"Bes, okay kalang ba?" nag aalalang tanong ni Cicil habang chenecheck ang katawan ko if i was totally fine. "Hui ikaw? Anong ginawa mo sa beshy ko hu? Binabastus mo ba siya?" matapang na baling niya kay Bryan. Nagtitigan lang kami sa mata, nag uusap ang mga mata namin na tila ba maraming katanungan. "Ang lakas ng loob mo ah' may payakap-yakap ka pang nalalaman. Manyak!" gigil na sigaw ni Cicil, pero nanatili lang na tahimik si Bryan habang nakikipagtitigan sakin tila iniisip kong bakit hindi ko siya makilala?

"Bes, its okay. Tara na?" aya ko kay Cicil na akala mo kung sinong matapang to comfront Bryan. Nakaisang hakbang palang ako nung magsalita ito "Masaya akong nagkita tayo ulit, nagkaroon na ulit ako ng pag asa. About what you hear, totoo yon mahal na mahal kita." muli ko itong hinarap, nakangiti ito pero malungkot ang mga mata nito at punong-puno ng pananabik.

Okay na sana kaso biglang....
"Anong sabi mo? Hala tama ba yong narinig ko? Mahal mo ang beshy ko? Inaano ka ba ng beshy ko, o baka naman sabog kalang? Ang lakas kasi ng amats mo ehk" natatawang singit ni Cicil, nung hindi siya pinansin ni Bryan napilitan na itong kaladkarin ako palayo ng bar na yon, palayo kay Bryan. Hanggang nakauwi kami ng bahay, sinamahan na akong matulog ni Cicil aq bahay malalim na ang gabi at gusto niya rin akong samahan mukha raw akong may sakit simula nung nakita niya akong kayakap ang unknown person na yon...

Hindi parin malinaw kung sinong Bryan yon. But i need to know...

_ _ _

Nagising ako ng maaga, hindi rin kasi ako makatulog ng maayos kakaisip sa lalakeng nakausap ko kagabi. "Sino kaya siya? Bryan? Sinong Bryan naman?" dahan-dahan akong tumayo nung makitang mahimbing pa ang tulog ni Cicil.

Bumangon na ako saka ko pinuntahan ang kwarto ni ate, nagsimula na akong maghanap sa mga gamit ni ate, halos lahat na ata ng gamit niya nahalungkat ko na. Yong ibang gamit nagkalat narin sa sahig, pero wala parin ako makitang pruwiba na pwedeng magpatunay na magkakilala sila ni ate. Gusto kong malaman kong konektado ba talaga siya kay ate?

Kinuha ko ang cellphone saka dinial ang number ni Black Dragon "Yes boss, napatawag ka anong mayron?" untag nito sa kabilang linya "Gusto ko lang sanang malaman kong konektado ba si Green Greek kay pink panter?" enteresadong tanong ko, ilang segundo na akong naghihintay sa sagot nito "Sino si Bryan? Siya ba ang pinsan mo o si hacker man?" pinilit kong maging kalmado "Wala akong alam" pagdedeny nito "Your not good to make lies Black dragon. Sabihin mo sakin yong totoo, paano niya nalaman ang totoong pangalan ni Ate?" "Wala akong alam diyan" pagkakaila nito "Alam kong may koneksyon siya kay ate kaya sabihin mo na. If you want to get back my trust to you at para narin sa posisyong hinihiling mo, ibibigay ko yon pero dapat ipakita mong sakin ang loyalty mo. Alam mong ayaw ko ng traydor" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.

Para naman akong naistatwa sa narinig "Kung ganon, kaya pala siya nag sosorry dahil siya pala ang may kasalanan pano naghihirap ang kapatid ko ngayon? Walanghiya siya" gigil kong pinatay ang tawag saka ako pabagsak na umupo sa kama ni ate. Napapaisip ako at di mapakali, inisa-isa ko ng ayusin ang mga gamit ni ate na nagkalat sa sahig na ako mismo ang may gawa. Matatapos ko na sana nung may makita akong brown box na kasing laki ng lagayang ng sapatos ng bata ang nakita ko sa ilalim ng higaan ni ate.

Pinilit ko yong abutin, bukod sa nasa gitna ito masyadong mababa ang katre ni ate kaya nahirapan akong makuha yon mula sa ilalim. Kinuha ko na ang box na nakapa at nagulat ako sa nakita. Kung ano ang instinc ko at nakumpirma ko naman yon kay black dragon lahat yon totoo. "Tama nga ako, konektado siya kay ate" seryosong bulong ko sa sarili, may ilang letrato sila na magkasama. Masaya ang makuha nila sa mga letrato at ang suot ko kagabi yon din ang suot ni ate sa letrato "Kaya pala pinagdidiinan niyang ako si Kris Chinei.? The heck, kalaban na ang lumalapit diko parin namamalayan? What a stupid?" napadako ang tingin ko sa mga sulat ni ate, hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang binabasa ang masaklap na nangyari kay ate. Nagmamakaawa itong wag siyang layuan ni Bryan pero mas pinili nito ang kumpanya nila at pumayag sa kasal na hinanda para sa kanya ng Chairman ng Medines emphire. At ang mas malala, si Bryan din ang may gustong mawala ang anak nila ni ate. "Anong klasi siya, ang napakasama niya" humigpit ang hawak ko sa kahon habang tinatatak sa isip na kailangan niyang magbayad sa kasalanang ginawa niya sa kapatid ko.

Nagdurusa ang kapatid ko ng dahil sa kawalang hiyaan niya. Wala siyang puso, ipapatikim ko sa kanya ang pait ng kahapon. Pagsisihan niyang nagpakilala siya sakin, siya mismo ang nagtulak sa sarili niya para makatikim ng galit at paghihiganting matagal ko ng gustong iparanas sa mga tulad nilang walang mga puso at halang ang kaluluwa.

"Oras na ng paniningil....BRYAN CASFER MEDINA, para kay KRIS CHINEI na winasak mo ang buhay at tulad ko na nagdusa dahil ipinagdamot niyong makasama ko anf mga mahal ko sa buhay. Sisiguraduhin kong mas masahol pa sa impyerno ang pagdadaanan mo sa mga kamay ko." yon ang mga huling binitawan kong salita habang iniisip ang nakahandang plano kong paano at kailan ko yon pasasabugin...

_ _ _


Update:

Ayarn na!

Malapit na siyang magpasabog.
Excited na ba kayo?
Dali samahan niyo ako...

Good day beb😘😊

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now