Chapter 72:Aksidente

32 2 0
                                    

Mady pov:

“May saltik talaga ang lalakeng yon pagkatapos akong halikan sisigawan niya ako? Ako na nga itong concern siya pa ang galit? Buwisit talaga.” nagmadali na akong bumaba para maghain ng makakaen na ni Misis Layla na ininit ko lang. Umupo na ako saka nag umpisang kumaen ng may matanggap akong mensahe. Nanlaki ang mata ko ng makita ang eksena kanina, nung halikan ako ni sir malapit sa may pool. “Sabi ko na nga ba't may kakaiba akong nararamdaman sa paligid” naikuyom ko ang kamay habang iniisip kong sino ang may gawa nun.

“Sinong namang may gawa nito?” dali-dali kong tinawagan si Black Dragon “Nanadya ka ba talaga?” untag ko sa kabilang linya “Hey, natanggap mo na pala? Grabe ang sexy ng kuha mo diyan hu?” na p-picture ko na ang hitsura nitong mala-demonyo “Kuha yan ni Yellow bladder, kita mo ang ganda ng kuha niya sayo.” sinamahan pa niya ng mapang-asar na pagtawa “Tingin mo ba natakot na ako? Nagulat lang ako pero hindi mo ako matatakot alam mo yan. Anong tingin mo ikaw lang ang may kayang gumawa ng ganyab hu?” pakiramdam ko buong lakas kong sinabi yon. “What did you feel? Masaya ka ba sa regalong natanggap mo FOUNDER?” napamura ako sa pagkabigla “Nanginginig ang katawan ko sa galit, gustong-gusto ko ng pumatay ng tao alam mo ba yon? Ang lakas ng loob mong sundan ako sa tingin mo ba walang nakabuntot sayo ngayon?” tumawa lang ito ng malakas na tila ba hinahamon ako “Sabi ko naman sayo kung assit mo si orange cocktail assit ko rin si yellow bladder kung ayaw mong masira ang plano mo pumayag ka sa gusto ko.” naikuyom ko pa lalo ang kamao “Hayop ka talaga, ano bang gusto mo?” “Ano ba sa tingin mo?” sandali akong natigilan sa narinig “Ayaw mo?oh sige, ipapadala ko nalang ang kopya niyan kay red chimni tignan ko lang kong anong magiging reaction niya” “Yan ang wag na wag mong gagawin, dahil sa oras na lumabas ito at makita ng iba wala akong ibang sisisihin kundi ikaw din!” “Haha...chill masyado kang hype. Gusto ko lang makuha ang dapat nababagay sakin, alam mo naman  na malaki ang impak niyan lalo na sa mga gaya natin. Mas igagalang ako ng lahat kung ibibigay mo ang kagustuhan ko.” pikit mata akong sumagot ulit “Oh, sige payag na akong makipag deal kapalit ng posisyon ko kung yon ang gusto mo. Magkita tayo bukas ng gabi sa warehouse. Gusto ko ring makilala mo ang mga taong nag stay sa tabi ko habang patalikod akong tinitira ng mga alagad ko.” gigil kong sabi. “Good! Madali ka naman palang kausap, hindi ko buburahin yan magagamit ko pa yan para sa paghaharap niyo ni red chimni in the future.” “Anong....” bago paman matapos ang dapat sasabihin ko binabaan na ako nito ng tawag.

“Walanghiya ka black dragon, pag napatunayan ko lang na kasabwat ka nila gray phantum at red chimni patay ka sakin.” naikuyom ko ang kamao habang nag iisip ng plano “Hello, lavander? Kasama mo ba si orange cocktail? Gusto kong manmanan niyo si Black dragon pinasundan niya ako ngayon at may hawak siyang panlaban sakin.Bukas ng gabi mag kita tayo sa warehouse sabihan niyo na ang iba pang loyal satin may ipapakilala akong bagong member. Oras na para ako naman ang pumasok sa buhay nila.” pagkatapos kong sabihin yon binabaan ko na ito saka ko uminom ng tubig.

Nakailang subo palang ko ng maaninag akong isang imahe, dali-dali kong sinuot ang nerdy glass ko para mas makilala kong sino ang paparating. “Sir, kaen na po kay—yo” hindi ko agad nabigkas ng diretso ang dapat sasabihin ng makitang wala itong suot na damit pang itaas kaya exposed ang malalaki nitong muscles at six packs na abs na nagbibigay ng kakaibang init sa katawan ko habang pinagmamasdan ito. “I guess you really love the view?” nabulunan ako bigla ng marealize na nakatitig din pala si sir sakin kaya nahuli niyang pinagpapantasyahan ko ang katawan nito.

Patakbo akong lumapit sa ref. para makainom ng tubig. At nung medyo okay na ang pakiramdam ko, humugot muna ako ng lakas ng loob bago ito harapin ulit. “Nalibot mo na ba ang lugar na to? Did you already captured it? Tomorrow morning babalik na tayo ng maynila and you need to make a report base on your observation about this for an upcoming event.” dire-diretsong sabi niya nung makaupo at kumaen lang na parang walang ibang kasama.

Hello! Babae po ako, kung dika naiilang, ako kanina pa.

Bakit ganyan mo ako titigan? Pwede bang kumurap ka, nakakatakot ang mga tingin mo ah!” kumurap-kurap naman ako nung marealize na nag aapoy pala tingin ko sa kanya.
Tahimik lang kaming kumaen ng basagin ko “May alak pa ba kayo dito?” napatitig ito ng matagal sa mukha ko na para bang gustong alamin kong anong nasa isip ko “Bakit?” tanong nito saka sumubo ulit “Gusto kong uminom, wag kang mag alala kong kailangan kong bayaran yon babayaran ko. Sabihib mo lang kung nasaan yon nakalagay.” napahinto sa pagkaen saka ako tinitigan ng matagal.

“Mamaya na tayo mag inuman, maglinis kana muna dito hindi uuwi yong mag asawa” “Bakit daw?” enteresadong tanong ko “Sabi ni Mang Edgar nag papa therapy daw yong asawa niya” “Anong klasing therapy?” “Ewan.” kibit balikat na sagot nito. “By the way sir, pwede ho ba akong lumabas? May nakita akong maliit na tindahan malapit dito may bibilhin lang po sana ako.” “Okay, sige samahan na kita” hindi na ako nagsalita pa nung mapansing nag focus ulit ito sa pagkaen.

Tinulungan pa niya akong maglinis ng mesa matapos naming kumaen. “Mag pants ka nga.” aanga sana ako ng itulak niya ako papasok ng kwarto “Grabe, ang sama talaga ng ugali ng lalakeng to!” “Hui babae, naririnig kita” napatakip nalang ako ng mukha. Matapos kong makahanap ng pants lumabas na ako. “Buti nalang at tumila na ang ulan, gagamit pa ba tayo ng sasakyan?” umiling naman ako “Sa kabilang kanto lang naman yon sir, so bakit pa tayo gagamit ng sasakyan? Lakad nalang minsan lang naman yan eh.” dina ako nag antay ng sagot niya nauna na akong lumakad palabas ng resort.

Tatawid na sana ako ng bigla kong mapansin ang sasakyang mabilis  ang pagpatakbo sakin, hindi ko naman maigalaw ang mga paa. Naririnig kong tinatawag ako ni sir pero mas dinig ko ang hagundong ng sasakyang papalapit sa direksyon ko. Napapikit nalang ako isang hakbang nalang mabubunggo na ako. Pero parang kidlat ang pangyayari nasa gilid na ako habang hawak ang mga bisig ni sir Kean. “Si-sir?” inaalog ko ito “Sir gumising ka. Parang awa mo na... Sir?” the time has stop for a moment ng makitang may dugo sa ulo ni sir na naglalandas sa mukha nito.

Balisa akong tumawag ng tulong, at buti nalang ay may nakakita samin at tumawag ng ambulansya. Parang bumalik lahat ng takot na naramdaman ko ng makitang walang malay si sir, habang tinutulak ang stretcher papasok ng hospital. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Sa unang pagkakataon, iniyakan ko ang taong gusto kong gamitin para makapaghiganti sa mga taong sumira ng buhay ko.

Ano ba tong nagawa ko?

_ _ _

Update:

Whutttt?

Anyare kay boss?

Gusti niyo bang malaman ang next part? Halika't samahan akong muli sa magulong mundo ni mady haha magulo talaga😅

Salamat again sa nagbasa nito.! Labmwach😍🙊

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now