Chapter 36:Face off

67 1 0
                                    

Mady pov:

"Besh, smile! Don't worry dito lang ako!" pahabol na sabi ni cicil, napangiti nalang ako. Kahit naman iwan ako ng lahat alam kong kahit kailan di ako iiwan ng bestfriend ko.

Narating ko ang opisina ni Ms.Ong na kabado. Sa loob ng ilang taon ko as an employee dipa ako naipatawag nito. Tanging ang may palpak at mali lang ang pinapasok niya dito..To punished at isuspende.

Haist, sana di mangyari sakin yon? Dahil pag nangyari yon, isusumpa ko talaga ang bagong boss namin.

"Have a seat!" pormal na alok ni ms. Ong "Ahm, ms.ong bakit niyo po pala ako naipatawag? Ganun po ba kaimportante ang pakay niyo?" prangkang tanong ko habang nakatayo parin.

Dina ako nagpaligoy ligoy pa, gusto kong malaman agad, nakapagtataka lang kasi.

"Wala naman po ata akong nagawang mali, para ipatawag niyo di po ba?" dugtong Ko pa "Relax mady, gusto ko lang sabihin na....huwag kang kabahan, actually mabait naman yon si yum!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni ms. Ong.

Yum? Anong ibig sabihin nun?

"Hu? Ms.Ong sino pong yum?" I'm too bold, ayaw ko ng pabebe ee. "I mean, our new boss mr. Kean Patrick!" sagot nito.

Bakit parang may somethng? Ganun ba siya kalandi? Kong sino ang CEO yon ang target? Ibang klasi pala tong si ms. Ong! Pasimple kong dumiskarte.

Pagkatapos, lumabas na ako na bitbit ang ilang mga documents. Diko alam kong ano ang pinadala ni ms. Ong sakin?At kong para saan yon?

Basta ang alam ko para daw sa bagong boss ang mga documents na to!

Ilang sandali ang itinagal ko sa labas ng pintuan ng bagong boss. Nakatayo lang ako, diko mawari ang nararamdaman. Parang may daga sa dibdib ko na animo'y nag uunahan na makapasok sa butas ng pagtataguan.

Haist! Ano ba to? Grabe, first time kong makaramdam ng ganitong kaba sa buong buhay ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago buksan ang pintuan. I knocked the door pero walang may sumagot kaya pinihit ko na ang door knob para makapasok.

"What took u so long?/Ay, kabayo!" sabay naming turan. Muntik ko pang mabitawan ang dalang mga papel dahil sa pagkakagulat ng magsalita ito.

Napaka brutal naman ng taong to? Moody masyado, sino b siya sa tingin niya? Porke't empleyado lang kong tratuhin niya parang robot?

Kapal hu'

"Anong ginawa mo at natagalan ka?" madilim ang aura ng mukha nito. "Ahhh...eeeei....." "E...? What next? Ganun ka ba ka iresponsable?" pabulyaw na sabi nito.

"Nagsalita ang hindi!" bulong ko sa hangin "What did u say?" "Ahh, n-nothing sir! I mean, nag banyo pa po kasi ako ee!" pagpapalusot ko saka pinilit kong ngumiti kahit halatang nag aalangan.

"How irresponsible you are!" pag uulit niya. Dina ako sumabat pa, ayaw kong makipagtalo sa bagong boss ko na akala mo ang linis linis. Ang kapal ng feslak niya para sabihing...

Iresponsable ako? My gaddd.... Mahiya nga siya, sa kanya pa talaga nang galing yon hu'...

The last time i check, he abandonned me from nowhere buti na nga lang di ako nasagasaan kapal!

"WHY ARE YOU....STARING AT ME LIKE THAT?" he said with a husky voice tapos tumayo ito saka lumapit sa direksyon ko na seryoso ang mukha.

Nag-iisip pa ako ng malalim habang pino-proseso sa utak ko ang mga kaganapan.

Pansin ko lang na....palapit ng palapit ito, atras ng atras naman ako dahil feeling ko naninikip ang dibdib ko sa lakas ng kaba.

Ano bang nangyayari sakin? Jusko naman oh' bakit ganito? Hanggang sa... Maramdaman kong wala na pala akong maaatrasan pa.

Feeling ko natapilok ako dahilan para ma out of balance ako dahil sa kakaatras ko. Napapatili ako sa sobrang gulat, but before i fall on the ground...

Naramdaman ko nalang ang nga bisig nitong nakayakap sa beywang ko. Damn! Ang bango niya... At... Sinalo niya ako? What the... Totoo ba to?

Nakayakap ako sa balikat niya kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang parfume. Habang hapit naman niya ang beywang ko.

Ane beh...!

Yong pakiramdam na... Any moment malalagutan ka ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso mo, at mas lalong nagpakaba sakin ay nung matitigan ko ang maamo niyang mukha.

Sobrang gwapo niya!

Nagtaka lang ako, why i feel this way? Naramdaman ko ang ganitong tibok when raymund came into my life. Pero bakit nararamdaman ko to ngayon?

Dahil ba sa takot ko na siya ang bagong boss ko? Sa lawak ng mundo siya talaga? Feeling ko naistatwa ako lalo nung magtama ang paningin namin.

Shit! Mamatay na ba ako dahil sa mga titig niya? Ngayon na ba ako lalamunin ng katawang lupa ko! Lord answer me pleased ....

Mas lalo ata akong kinbahan.

_ _ _ _

GIRL BEHIND THE MASKOnde histórias criam vida. Descubra agora