Chapter 95: Pain warning

43 2 3
                                    

Mady pov:

“Tama na, anong bang gusto mong sabihin Blue lady?” natigilan ako nung magsalita si Millan “Tatanungin kita orange cocktail, kung si Lavander nasa panig ni Red Chimni at ikaw nasa panig ko magagawa mo ba akong traydurin?” halatang nagulat ito sa tanong ko, natigilan pa kasi ito. “Teka, bakit naman ganyan ang tanong mo boss?” pinilit ni Floyd na ngitian ako kahit halatang nag-aalangan.

“Pagod na akong paglaruan, at higit sa lahat pagod na akong mag alaga ng mga ahas.” natigilan silang lahat, wala din naman silang magagawa lalo pa't may mga tauhan akong nakapalibot sa kanila. “Alam niyo bang kung gugustuhin kong pumatay ginawa ko na. Kahit sino sa inyo kaya kong ipapapatay o patayin kong gugustuhin ko pero hindi ko ginawa. Alam nyo kong bakit?” “B-beshy...” napatitig ako lay Cicil na halatang takot.

“Ganito na ako, nabuhay sa magulong mundo pero hindi ko kayong kayang saktan dahil ako ang protektor niyo laban sa kamay ng uncle ko pero paulit-ulit niyoa akong ginagago.” isang malakas na suntok ang pinakawalan ko ulit kay Kristopher “Nakakaawa ka, pinipilit mong maagaw ng posisyon kahit alam mong wala kang laban.” gigil na sabi ko.

“Ako walang laban sayo, pero sigurado akong kaya kang pabagsakin ni Red Chimni.” napatitig ako kay silver moon na kahit hinang-hina na pinipilit paring magsalita “Ibang klasi ang tapang na pinapakita mo ngayon, kung kaya kang proteksyonan ng Red Chimni na yon bakit di niya magawang ilabas sa kulungan ang tatay niyang kriminal.” lahat sila nagulat. “Ang ibig mong sabihin, ama ni Red Chimni si...” “Tama ka Millan, at magpinsan kayo ni Grace ng hindi mo sakin sinasabi?” ito naman ang hinarap ko.

“Teka, wala akong kinalaman diyan. Ang alam ko may anak si Uncle Leon si katherine pero lumaki ito sa states at mga bata pa kami nunh huli kaming nagkita.” depensa nito “Alam mo bang si Katherine Ledezma at Grace Shane Segovia ay iisang tao lang?” “Ano?/ papano nangyari yon?” gulat nilang tanong ni Floyd.

“I did the same reaction of yours. Gulat na gulat din ako sa nalaman, pero dina ako magtataka dahil parehas silang halang ang kaluluwa.” “Ganun ka rin naman diba? Kaya mong pumatay ng walang kalaban laban gaya ngayon.” napabaling ang tingin ko kay silver moon, sinigawan naman siya ni Joshua na wag ng sumabat pa mas lalo daw niyang pinapalala ang sitwasyon.

“Ano bang atraso niya?” seryosong tanong ni Floyd “Kung gugustuhin ko kaya kitang baliktarin, kahit ipakulong mo ako ngayon lalabas na ikaw ang may kasalanan at hindi ako.” ngising sabi ko, pinilit kong tatagan ang loob para di niya isiping natatakot ako. “Yon lang ang kaya mong gawin, pero hindi mo kayang gawin ang kayang gawin ni Red Chimni.” umatras ako saka ako tumindig ng maayso while cross my arms.

“Yon ba ang tingin mo? Pwes ihanda mo ang sarili mo sa magandang regalo ko sayo.” lahat sila may kanya-kanyang katanungan. “Ipasok ang magandang regalo ko para kay Silver moon.” biglang bumukas ang pintuan at pinasok mula sa kabilanh silid ang isang babaeng umiiyak at may takip ang bibig habang hawak ang magkabilang braso nito ng mga tauhan ko.

“Ngayon, sabihin mo sakin kong kaya din bang gawin ni Red Chimni ang pumatay ng minamahal?” “Hayop ka, wag mo siyang sasaktan!” tila hibang nitong sabi habang pilit na kumakalas mula sa pagkakatali. “Gusto mo bang ikaw ang pumatay sa kanya?” natigilan ito sa pagwawala “Teka boss, wala namang ganyanan.” awat ni Joshua “Tumahimik ka, i warning you all ayoko ng ginagago ako. Alam mo bang bukod sa kanya may alas pa akong isa? Hawak ko ngayon sa leeg si White empty dahil nasa kamay ko si Golden Eagle.” nanlaki ang mata nito sa narinig.

“Ilapit niyo siya.” utos ko sa mga tauhan ko na sinunod naman nila. Makikitang naawa si Kristopher sa kasintahan “Ow' what a sweet moments? Kumusta ka Brown Berry? Did you miss me?” nakangiting tanong ko while still cross my arms “Brown Berry? You mean Cassandra Martin?” humarap ako kay Lavander saka ito nginitian sign of my response “Kung ganon, anong kinalaman niya? Dahil ba to kay Manuel Cruz?” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Floyd “Anong alam mo?” seryosong tanong ko “Alam ko, ampon niya si  Cassandra.” sagot nito.

GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now