Prologue

200 24 9
                                    

“Yohann.” Naglalakad si Yohann patungo sa gym ng Senior High School building para sa rehearsal sa play na kinabibilangan niya nang biglang may tumapik sa balikat niya. Nilingon niya ito at kumunot ang noo niya nang hindi naman niya kilala ang lalaking kaharap niya.

“Why?” Tanong niya. May dinukot na papel galing sa bulsa niya ang lalaki at binigay ‘yun kay Yohann. Nag-alangan naman siyang tanggapin ‘yun kaya tiningnan lang niya ang nakatuping papel.

“May nagpapabigay sa ‘yo, basahin mo nalang.” Kinuha ng lalaki ‘yung kamay ni Yohann at nilagay sa palad nito papel. “Sige, mauna na ako.” Sinundan lang niya ng tingin ‘yung lalaki na naglakad na papalayo sa kaniya. Napatingin siya sa hawak niyang nakatuping papel. Wala sa sariling inamoy niya ‘yung papel. Nakaamoy siya ng panglalaking pabango sa papel kaya nagtaka siya kung sino man ang nagbigay nun sa kaniya.

Ang sabi ng lalaki, basahin daw niya kaya 'yun ang ginawa niya. Binuklat niya ‘yung papel at may nakasulat doon na mensahe.

Meet me at the STEM department rooftop. 4:30 PM.

“Ang bastos naman ng nagsulat nito, wala man lang greetings. No introduction at all.” Sabi niya sa sarili niya. Tiningnan niya ang relo niya at nakitang 4:20 palang ng hapon. Ang usapang call time ng mga casts ay 5:00 PM pa.

Namalayan nalang niyang naglalakad na siya papunta sa rooftop ng STEM department ng Senior High School building. Kung tama ang hinala niya, baka STEM student ‘yung nagpadala ng sulat dahil doon siya pinapapunta. Pinagtitinginan naman siya ng ibang mga STEM students. Iniisip siguro nila kung anong ginagawa ng isang HUMSS student sa STEM department.

Dumiretso siya sa hagdanan at naglakad patungo sa rooftop ng department. Pagbukas niya sa pinto ng rooftop, nakita niya ang isang lalaki na nakahawak sa railings at nakatalikod sa kaniya. Tama nga ang hinala niya na STEM student ang nagpadala ng sulat sa kaniya. Suot nito ang uniform ng mga lalaking STEM students na navy blue na blazer na may dalawang strips na white sa bandang kanang braso at naka black slacks at black school shoes. Ibig sabihin, Grade 12 STEM student na siya, base sa bilang ng strips.

Pagkasara niya sa pinto ay tumayo nang tuwid ‘yung lalaki at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng slacks niya. Hawak-hawak ni Yohann ang papel at nagsimulang maglakad palapit sa lalaki.

“Stop right there.” Sabi ng lalaki habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Sa tantya niya ay tatlo metro nalang ang layo niya sa lalaki. Hindi pamilyar sa kaniya ang boses ng lalaki kaya wala siyang ideya kung sino ‘yun.

“I don’t have enough courage to tell you this face-to-face, so please let me talk to you without facing you.” Dagdag pa nito. Wala naman siyang imik habang nakatingin sa likod ng lalaki, pero maraming scenario ang tumatakbo sa isip niya sa kung ano man ang sasabihin ng lalaki, pero ni isa dun ay ayaw niyang tanggapin. Baka kasi ay nag-ooverthink lang siya.

“Pasensiya na kung bigla kitang pinapunta rito. Hindi na talaga kasi ako mapakali. You’ve been on my mind these past few days and I don’t know how to approach you.” Tumigil siya saglit sa pagsasalita at kinamot ang ulo niya na parang nahihiya.

“Noong una palang kitang nakita, naattract na ako sa ‘yo. Hindi nawawala ‘yung ngiti sa mga labi mo habang nagsasalita ka.”

Kumunot naman ang noo ni Yohann sa huling mga sinabi ng lalaki dahil hindi naman siya palangiting tao, kung ngingiti man siya, minsan lang. Hindi nga siya palasalita. Kung kakausapin siya, doon lang siya nagsasalita.

“Grabe ‘yung tama ko sa ‘yo to the point na madalas na kitang tinitingnan kahit sa malayo.”

Stalker? Tanong ni Yohann sa isip niya.

To Yohann (BxB) - EditedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora