Chapter 26: Sudden Confession

22 2 0
                                    

Chapter 26: Sudden Confession

"Hindi mo sinabi sa akin na nagpunta ka sa birthday ni Yohann. Kung hindi ko lang nakita ang video na inupload ni Brix, hindi ko pa malalaman." Sabi ni Zacheous kay Ryle. Nakaupo sila sa sa isang table sa labas ng SHS building. Hawak ni Zacheous ang cellphone niya habang tinatapos ang panonood ng videong inupload ni Brix. Nagulat siya nang makita niya si Ryle na nasa video at nag-eenjoy sa party.

"Sinama lang naman ako si Xian. Nadaanan niya ako sa bahay namin kaya sumama nalang ako at nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko." Sabi ni Ryle habang nakatingin sa cellphone niya.

"Alam mo rin na birthday ni Yohann? Alam mo rin na kambal sila ni Yohanne?"

"Oo. Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Matagal ko ng kilala si Yohann kaya may alam rin ako tungkol sa kaniya. Ang hindi ko lang alam ay bakit magkaiba sila ng apelyido."

"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ang alin? Na birthday ni Yohann? Iimbitahin ka nga niya sana eh pero ang sabi mo ay magiging escort ka ni Yohanne sa debut niya kaya hindi na sinabi ng pareng Yohann mo na birthday niya."

"Huh? Seryoso ka?"

"Oo naman. Bakit naman ako magsisinungaling? Mabuti na rin na hindi ka pumunta para hindi ka masaktan. Kung nandu'n ka, makikita mo kung gaano ka sweet sina Yohann at Xian. Kung paano pinunasan ni Xian ang icing sa mukha ni Yohann. Kung paano natuwa si Yohann nang hilahin niya 'yung money cake at may mga picture nilang dalawa ni Xian sa dulo. Inupload nga pala ni Brix ang video sa Facebook kaya nakita mo pa rin. Nakailang reactions nga 'yun? Nu'ng huli kong tiningnan, nasa 500+ reacts 'yun eh. May nagshare din. Hayyys, Mabuti nalang at hindi mo nakita nang personal."

Habang nagkukwento si Ryle, pasimple niyang tinitingnan ang kaibigan. Maliban sa gusto niyang pagselosin ang kaibigan, gusto rin niyang malaman kung ano pang ibang reaksyon nito. Nakita niyang ang higpit ng pagkakahawak ni Zacheous habang nanggagalaiti sa galit. Nakakunot rin ang noo nito habang pinapakinggan siya.

"'Yan ang napapala ng pagiging torpe. Hindi pa naman huli ang lahat Zach. This time, puso mo na ang paganahin mo, huwag ang isip at ang konsensiya mo. Nakita ko ang video na binigkas mo ang tula noong sinayaw mo si Yohanne. Alam kong hindi mo gawa 'yun. Hindi ako bulag para hindi mapansin na kinabisado mo lang 'yun pero walang laman ang mga sinasabi mo. Alam kong hindi ka masaya sa naging desisyon mo." Sabi ni Ryle.

Tama na naman si Ryle. Lahat ng sinabi ni Ryle ay dumiretso sa utak ni Zacheous. Hindi siya makakatakas sa pagiging observant ng kaibigan.

"Hayyy, kung hindi lang ako nahilo sa oras na 'yun, nasabi ko sana kay Yohann kay gusto mo siya." Sariwa pa rin sa alaala ni Ryle ang gabing 'yun. Hindi siya palasalita pero kapag lasing siya, gumagana ang bibig niya. Kapag naging matino siya, naalala niya ang mga pangyayari tuwing nalalasing siya.

"Baliw ka ba? Uunahan mo pa ako."

"'Yun na nga eh, sign na 'yun para magconfess ka na. Wala na akong pakialam kung nililigawan mo na ang babaeng Yohanne. Sige na, aalis na ako." Tumayo si Ryle at dumukwang. Tinapik niya ang balikat ni Zacheous at ngumiti saka naglakad.

Sinundan niya ng tingin si Ryle. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumigil ito sa harap nina Yohann at Xian at tinuro ni Ryle ang direksyon niya. Agad na umiwas ng tingin si Zacheous nang makitang tumingin sa kaniya si Yohann, nabitawan pa niya ang cellphone niya sa gulat.

"Pambihira Ryle, anong ginagawa mo?" Tanong ni Zacheous kahit hindi siya maririnig ni Ryle.

"Cellphone mo, nahulog." Dahan-dahang lumingon si Zacheous nang marinig niya ang boses ni Yohann. Nakatayo ito sa gilid niya habang hawak ang cellphone niya. Awkward na ngumiti si Zacheous at inangat ang kamay niya. Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya sa kamay ni Yohann. Sa halip na kunin agad ang cellphone niya, pasimple niyang hinawakan ang kamay ni Yohann at hinaplos ito hanggang sa makuha niya ang cellphone niya.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now