Chapter 1: Yohann's Role

110 11 2
                                    

Chapter 1: Yohann's Role

Tahimik lang na naglalakad si Yohann sa HUMSS department. Kilala siyang isnabero ng ilang mga estudyante kaya walang may balak na kumausap sa kaniya pero sa tuwing may pumapansin sa kaniya, tinatanguan lang niya. Isa na 'yun sa dahilan kung bakit kakaunti lang ang mga kaibigan niya. Wala na namang kaso 'yun sa kaniya.

"Yohann! Yohann!" Lumingon siya sa babaeng tumawag sa kaniya. Tumatakbo ito papalapit sa kaniya habang nililipad ng hangin ang buhok nito.

Pinagtitinginan naman ang babae ng ilang mga estudyante, lalo na ng ibang mga lalaki. Sinusundan nila ito ng tingin habang papalapit kay Yohann. Napansin ni Yohann ang malalagkit na tingin ng mga lalaki kay Yohanne kaya sinenyasan niya si Yohanne na tumigil sa pagtakbo. Nang malapit na sa kaniya si Yohanne ay dinig niya ang mga pagbati ng ilang mga lalaki kay Yohanne na sinuklian lang ng ngiti ng huli.

He stares at those guys. Umiwas sila ng tingin at nagpanggap na hindi siya napansin. Nobody dares approaching Yohanne because of him. Yohanne clings her arm to his arm. He just let Yohanne drag him wherever she wants them to go.

"Who told you to run?" Agad na tanong niya kay Yohanne.

"Sorry na. Kanina pa kasi kita hinahanap eh kaya naexcite ako nang makita ka."

"Kahit na, hindi ka dapat tumakbo. Those guys were staring at you."

"Sorry na nga eh, ang protective mo masyado."

"You can't blame me. I'm just - - -."

"Okay, okay. I got it." Agad na pinutol ni Yohanne ang sasabihin ni Yohann dahil alam na niya kung saan 'yun patungo.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Yohann doesn't know what Yohanne needed from him. Hindi na niya natanong si Yohanne kaya hinayaan lang niya si Yohanne kung saan sila papunta. Hanggang sa napansin niyang nagiging pamilyar ang dinadaanan nila.

"Drama Club room?" Tiningnan niya si Yohanne at tumango lang ito habang malawak ang ngiting nakatingin sa kaniya.

Yohann turns his back but Yohanne's arm is still clinging on his arm. Sinubukan niyang hawakan ang braso ni Yohanne para tanggalin ito pero ayaw naman niyang saktan si Yohanne.

"Sige na Yohann. Nag-effort pa akong hanapin ka eh. Pumayag ka na, please."

Bigla na namang naalala ni Yohann ang pagtanggi niya sa pakiusap ng direktor ng gagawing play ng Drama Club. He was firm with his decision to turn down the favor. Hindi niya akalaing gagamitin pa nila si Yohanne para pilitin siyang tanggapin ang isang role sa play. He doesn't join any club in their school. He doesn't want people to look at him. He doesn't want any attention. Now that the Drama Club is using Yohanne to make him accept the role, it would be a hard for him.

"Yohanne, please. Gusto talaga nilang ikaw ang gumanap sa role eh. Hindi pa nga kami nagsisimulang magrehearse sa scene na nandu'n ang role mo dahil wala pang gumaganap."

"Role ko? What makes you think na tatanggapin ko 'yun? You can choose any guy who auditioned for that role. Bakit ako pa na walang pakialam sa play na 'yan?"

"Yohann - - -."

"No Yohanne, I don't want it." Yohann cut her statement with his stern voice. He felt Yohanne's arm loosen her grip in his arm and showed a sad and disappointed face while looking at him. Tumango si Yohanne at dahan-dahan siyang tinalikuran. Nakayuko ito habang naglalakad patungo sa Drama Club room.

Napaface-palmed siya habang tinitingnan si Yohanne na papalayong naglakad mula sa kaniya. Ayaw niyang magtampo si Yohanne sa kaniya. He's doing everything to please her, but not this one. It's beyond his comfort zone.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now