Chapter 11: Sudden Courage

31 7 14
                                    

Chapter 11: Sudden Courage

"Ba't ganiyan ang mukha mo? Pasan mo ba ang mundo?" Kumatok nang dalawang beses si Ryle sa mesa nilang dalawa ni Zacheous para kunin ang atensyon nito. Wala ito sa sarili habang tinutusok ang pagkain nito. Inangat ni Zacheous ang ulo niya at walang ganang tiningnan ang kaibigan niya.

"Ryle."

"Oh?"

"You don't know how embarrassing it was when I met Yohanne last Saturday in the mall."

"'Yung lalaking Yohann ba? First time mo yatang mahiya sa kaniya." Kumunot ang noo ni Zacheous sa sinabi ni Ryle pero napagtanto din niya na baka akala ng kaibigan niya na si Yohann ang tinutukoy nito dahil pareho lang naman ang pagkakabigkas ng Yohann at Yohanne.

"Hindi, hindi si pareng Yohann, pero nahihiya rin ako sa inakto ko sa kaniya, but no. I was referring to Yohanne, my crush. We accidentally met each other." Medyo naguluhan din si Ryle sa mga sinasabi ni Zacheous pero malinaw sa kaniya ang sinabi nitong nagkita ang kaibigan niya at si Yohanne.

"Ba't ka naman mahihiya sa kaniya? Unless may ginawa kang kabaliwan."

"That's it! May nagawa nga akong kabaliwan. Hindi ko naman kasi inakala na magkikita kami. Kung ano nalang ang sinabi ko kasi hindi ako makapag-isip nang maayos at medyo nauutal pa akong nagsalita. Good thing was that I didn't introduce myself. I'm still not ready." Pagkukwento ni Zacheous sa nangyaring engkwentro nila ni Yohanne. Bumalik sa isip niya ang kahihiyan na ginawa niya at nanghihinayang siya na dapat magandang impression ang naipakita niya kay Yohanne.

"I guess you made a crazy impression to her."

"I know, I know. Pero binigay ko naman sa kaniya ang binili kong milk tea na dapat sana ay para kay pareng Yohann."

"Oh, bakit mo naman binigay sa crush mo kung sa pareng Yohann mo naman pala binili 'yun?"

"It's because he left me. Mas pinili niyang sumama kay Xian kaysa sa akin."

"Bakit daw?"

"Nagpasama si Xian mamili ng gagamitin sa play."

"'Yun naman pala eh, bakit mukha kang nagseselos diyan?"

"Anong nagseselos? Ryle, they're both guys, wala naman akong dapat ipagselos du'n." Hindi naman makapaniwala si Zacheous sa tinanong ni Ryle kung bakit mukha siyang nagseselos. Alam naman niya sa sarili niya na si Yohanne ang gusto niya at hindi rin naman siya magkakagusto sa lalaki.

"Why are you raising your voice?"

"Wala. Naiinis lang naman ako sa sinabi mo na mukha akong nagseselos. Naiinis din ako kay Xian dahil bigla nalang siyang sumulpot at inagaw si Yohann - - -."

Inagaw? Napaisip din si Zacheous sa sinabi niya. Tiningnan siya ni Ryle at nagtataka dahil bigla itong tumigil sa pagsasalita. Iniba nalang ni Zacheous ang sasabihin niya.

"Ako naman ang naunang nagyaya eh. Ewan ko rin kay Yohann kung bakit siya sumama kay Xian eh mukhang kaya naman 'yun ni Xian. I was looking forward to treat him snacks because of accompanying me that day. Umeksena lang talaga si Xian."

Napailing nalang si Ryle sa mga sinabi ni Zacheous. Ayaw rin naman siyang magsalita na ikadadagdag sa problema nito pero nababagabag din siya sa inaakto ng kaibigan niya.

"Sigurado ka bang nagpasama lang si Xian kay Yohann?" Tanong ni Ryle habang nakatingin sa cellphone niya. Ang mga mata niya ay nakatuon sa isang post ni Xian.

"Oo, 'yun naman ang sabi ni Xian dahil magkasama raw naman sila ni Yohann sa iisang play." Sagot ni Zacheous at sinusubukang silipin ang tinitingnan ni Ryle sa cellphone nito. Napansin naman ni Ryle na nakatingin si Zacheous sa kaniya kaya hinarap niya sa kaibigan ang hawak niyang cellphone.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now