Chapter 10: Messed Encounter

31 7 7
                                    

Chapter 10: Messed Encounter

"Busy ka ba ngayon?" Tanong ni Zacheous sa kausap niya sa cellphone niya habang naglalakad papunta sa destinasyon niya.

("What if I told you, I am?") Sagot ng kausap niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ng kausap niya.

("Yohanne, may kakausapin lang ako.")

"Yohann, magkasama kayo ni Yohanne?" Gulat na tanong ni Zacheous kay Yohann. Hindi niya alam kung bakit magkasama na naman ang dalawa gayong wala naman sila sa school. Pati ba naman weekend, hindi pa rin mapaghihiwalay ang dalawa?

("Narinig mo naman 'di ba?")

"Bakit kayo magkasama?"

("Nagpasama siyang bumili ng ilang gagamitin niya sa play.")

"Eh bakit ikaw ang sinama niya? Pwedi naman 'yung mga babaeng kaibigan niya."

("Bakit hindi pwedi ako?")

"Kasi - - -."

("Are you jealous?")

"Obviously." Mahinang sagot ni Zacheous sa tanong ni Yohann. Tiningnan niya ang cellphone niya kung tapos na ba ang tawag pero ongoing pa naman. Hindi na kasi niya naririnig ang boses ni Yohann sa kabilang linya. Hanggang sa marinig niya ang malalim nitong buntong-hininga.

"Yohann?"

("What do you want? Bakit ka napatawag?") Tanong ni Yohann na halata na naman kung anong kailangan nito kung bakit napatawag. Yohann just wanted to change the topic. Nilingon niya si Yohanne at nakita niya itong nakatingin sa isang stall ng mga damit. Nang lumingon ang babae sa kaniya ay tinanong nito kung sinong kausap niya.

"Who's that?" Mahinang tanong ni Yohanne. Yohann answered her by writing a letter 'Z' in the air. Ngumiti naman si Yohanne at akmang lalapit kay Yohann pero agad niya itong pinigilan na lumapit sa kaniya.

("Gonna buy something for her again.")

"Should I leave her here?" Yohann asked him. Marami pang dapat bibilhin si Yohanne at mahihirapan itong dalhin nang mag-isa kung uuwi na ito.

"Just a sec." Binaba ni Yohann ang cellphone niya at nilapitan si Yohanne.

"Anong sabi ni Z?" Excited na tanong ni Yohanne kay Yohann habang niyuyugyog ang balikat nito.

"Nothing, nang-iistorbo lang. By the way, marami ka pa bang bibilhin?" Tanong niya kay Yohanne. Kinuha naman ni Yohanne ang cellphone niya at tiningnan ang listahan ng bibilhin niya.

"Hmm. I guess so." Sagot ni Yohanne. "Why? May problema ba?"

"Can you do it yourself? Just text me if you're already done. I promise to be on time to help you carry those things. I'll be gone for maybe an hour." Yohanne looks at him suspiciously. Iniisip niyang baka dahil kay Z kaya iiwan siya ni Yohann. Pero nangako naman si Yohann sa kaniya na babalik siya pagkatapos ng gagawin nito kaya pumayag na rin siya.

"Okay, I can manage. Itetext nalang kita."

"Good. Mauna na ako para mabilis akong matapos." Ngumiti lang si Yohanne sa sinabi ni Yohann at sinundan lang ito ng tingin habang naglalakad papalayo sa kaniya. Nakita niya itong inangat ulit ang cellphone at may kinausap sa cellphone niya.

#

"Narinig mo naman siguro 'yung usapan namin kanina 'di ba?" Tanong ni Yohann kay Zacheous nang magkita sila sa labas ng isang cafe shop.

"Hindi man lang bumati? That's rude. Good morning din." Asar ni Zacheous kay Yohann pero hindi tumawa, sa halip ay inismiran lang siya ni Yohann.

"Eh 'yung 'Busy ka ba ngayon?' na bungad mo sa akin kanina? Nagreklamo ba ako?" Imbis na mainis sa tanong ni Yohann ay natawa lang si Zacheous saka ito inakbayan. Nagsimula na rin silang maglakad at hinayaan lang ni Yohann si Zacheous kung saan siya nito dadalhin.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now