Chapter 16: The Four of Them

28 5 0
                                    

Chapter 16: The Four of Them

"Yohann sandali!" Agad na hinabol ni Xian si Yohann nang tumakbo ito palabas ng snack shop. Pinagtitinginan sila ng mga tao habang tumatakbo silang dalawa. Hinabol niya ito hanggang sa nakalabas ito ng mall at pumunta sa parking lot.

Hinawakan ni Yohann ang dalawang tuhod niya habang hinihingal. Pinunasan din niya ang luha niya gamit ang braso niya. Hindi niya kinaya ang mga sinabi ni Xian sa kaniya. Muling bumalik sa alaala niya nu'ng sila pa ni Xian. Kinukurot ang puso niya sa sakit nu'ng huling araw nila Xian. Labis niyang dinamdam ang nangyaring paghihiwalay nila ni Xian. Pagkatapos niyang marinig ang mga paliwanag nito, nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi man lang niya pinilit si Xian na ikwento sa kaniya ang pinagdadaanan nito.

Gustong sisihin ni Yohann ang sarili niya dahil hindi man lang siya nakiramdam sa sa sitwasyon ni Xian noon. Pero galit din siya rito dahil pakiramdam niya ay hindi siya pinagkatiwalaan nito, na hindi naniwala si Xian na lalaban din siya. Ilang buwan ang nasayang na dapat ay masaya silang dalawa na nagsasama pero ngayon ay nagbago na ang lahat at hindi na 'yun mababalik. Naaawa din siya dahil sa pinagdaanan ni Xian sa kamay ng mama nito. Hindi niya alam gano'n ang sinapit ni Xian.

"Yohann." Hinawakan ni Xian ang balikat ni Yohann. Agad na hinawakan ni Yohann ang kamay ni Xian at marahas itong binaba. Hinarap niya si Xian na may galit sa mukha. Wala siyang pakialam kahit na puno ng luha ang mukha niya.

"Bakit? Bakit hinayaan mong mangyari 'yun? Bakit hindi ka nagtiwala sa akin? Bakit hindi ka lumaban kagaya ng pinangako mo? Bakit iniwan mo ako? Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat? Bakit Xian? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ni Yohann habang sinusuntok ang dibdib ni Xian. Ininda naman ni Xian ang mga suntok ni Yohann. Hinayaan niya itong suntukin siya hangga't gusto nito. Dumaloy rin ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siyang umiiyak si Yohann sa harap niya.

"Sorry Hann, kasalanan ko lahat. Naging duwag ako. Nagpadala ako sa takot ko sa mama ko. Natatakot lang naman ako na saktan ka niya eh. Saktan lang niya lahat, huwag lang ikaw. Hindi pa nga kayo nagkikita ng mama ko, gano'n na ang nagawa niya, paano pa kaya 'pag nagharap kayong dalawa?" Sabi ni Xian nang kumalma na si Yohann.

"Dapat sinabi mo sa akin. 'Di ba nga sabi mo na hindi sapat na ikaw lang ang lalaban? Na dapat magkasama tayong dalawa? Ba't ikaw mismo ang bumalewala nu'n?" Hinila ni Xian ang kamay ni Yohann at niyakap ito. Hinahaplos niya ang likod nito dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Tahan na. Hayaan mong ako lang ang magdusa sa panghuhusga ng mama ko. Wala kang kasalanan, okay? Tahan na." Bulong niya kay Yohann.

"Nakakainis ka, alam mo ba 'yun?" Tanong ni Yohann habang nakabaon pa rin ang mukha niya sa balikat ni Xian.

"Ang daldal mo na ulit, alam mo rin ba 'yun?" Pagbibiro ni Xian para pagaanin ang loob ni Yohann.

"Aray ko. Ba't mo sinuntok ang likod ko?"

"Kapal ng mukha mong mang-asar pagkatapos ng nangyari."

"Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo. Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong ni Xian. Kumalas naman sa yakap si Yohann at humakbang paatras nang isang beses. Pinunasan niya ang mga luha niya dahil du'n lang siya dinalaw ng hiya. Alam niyang namamaga ang mga mata niya nang tumingin siya kay Xian.

"Kapag pinatawad na kita, anong gagawin mo?" Tanong niya kay Xian. Tinitingnan niya si Xian at hinintay kung anong isasagot nito. Inangat niya kamay niya hanggang pumantay 'yun sa mukha ni Xian. Pinunasan niya ang natitirang butil ng luha sa mukha ng kaharap niya.

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Nadidistract lang ako sa luha mo." Sabi ni Yohann saka binaba ang kamay niya. 'Yun din kasi ang ginagawa niya noong unang beses na umiyak sa harapan niya si Xian dahil sa tuwa nang nanalo ito sa isang writing competition.

To Yohann (BxB) - EditedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz