Chapter 20: Flowers and Kiss

35 3 0
                                    

Chapter 20: Flowers and Kiss

"Ba't kailangang ako pa ang gumawa ng bouquet ng bulaklak? Pwedi namang bumili ka nalang sa flower shop." Sabi ni Yohann nang makababa siya mula sa kotse ni Zacheous. Pagkatapos nilang bumili ng regalo para kay Yohanne, naisip ni Zacheous na humingi ng tulong kay Yohann sa pagrawrap ng regalo at hindi lang du'n nagtatapos. Naisip din niyang magpatulong sa paggawa ng bouquet ng bulaklak.

"Para maiba naman. Hayaan mo na. Alam ko namang kaya mo rin 'yun. Saka, picking season din ngayon ni Mama kaya maraming bulaklak sa garden ngayon." Sabi ni Zacheous pagkatapos niyang isara ang pinto ng backseat para kunin ang pinamili nila. Napailing nalang si Yohann saka sinundan si Zacheous na pumasok sa gate ng bahay nila.

Nadaanan nila si Emily na may suot na gloves at sombrero at sa tabi nito ay isang cart na may lamang iba't ibang mga bulaklak.

"Dadalhin ko muna 'to sa kwarto. Babalik ako agad." Dali-daling pumasok si Zacheous sa loob ng bahay nila. Naiwan naman si Yohann kaya naisipan niyang lapitan ang Tita Emily niya.

"Good afternoon Tita Emily." Bati niya. Tumigil naman si Emily sa ginagawa niya at nilingon ang pamilyar na boses. Agad siyang napangiti nang makita si Yohann.

"Yohann, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?"

"'Yung anak niyo po eh, inistorbo na naman po ako." Pabirong sagot niya sa tanong ng mama ni Zacheous kaya natawa rin ang ginang.

"Naku, masanay ka na du'n." Sabi ni Emily. Ngumiti lang si Yohann at muling binalik ang tingin niya sa mga bulaklak.

"Ang dami niyo pong tanim na bulaklak." Hindi maiwasang sabi ni Yohann. Namangha lang siya sa mga klase-klaseng bulaklak sa garden ng bahay nina Zacheous.

"Tanim ni Zacheous ang iba diyan." Hindi naman makapaniwala si Yohann sa narinig niya. Hindi niya akalaing mahilig palang magtanim si Zacheous.

"Gusto mong sabayan ako sa pamimitas?"

"Po?"

Kinuha ni Emily ang extra gloves na nasa cart at binigay kay Yohann. Tinanggap naman 'yun ni Yohann at sinuot.

"Halika, tuturuan kita." Ngumiti si Yohann at tinanguan ang Tita Emily niya.

#

Nanatili lang si Zacheous sa labas ng pinto ng bahay nila. Tinitingnan niya ang ginagawa ng mama niya at ni Yohann. Napapansin niyang natutuwa si Yohann sa ginagawa nitong pamimitas ng bulaklak. Kita niya ang ngiti nito habang inaamoy ang mga bulaklak kaya hindi rin niya mapigilang ngumiti. Napapangiti siya sa kainosentehan ni Yohann sa tuwing magtatanong ito sa mama niya tungkol sa mga bulaklak.

Gusto niyang lumapit sa dalawa pero mas pinili niyang tingnan nalang ito. Hanggang sa napansin siya ng mama niya. Kinausap nito si Yohann saka siya tinuro. Agad namang lumingon si Yohann sa tinuro ng Tita Emily niya at nakita niya si Zacheous.

Ngumiti si Zacheous saka kinawayan ang dalawa. Tinanggal ni Yohann ang suot niyang gloves. Kumuha si Emily ng tangkay ng iba't ibang bulaklak at binigay kay Yohann. Ngumiti lang si Yohann at naglakad papalapit kay Zacheous.

Agad nawala ang ngiti ni Zacheous nang makita niyang naglakad papunta sa kaniya si Yohann. Dala nito ang bulaklak sa harap nito at pakiramdam niya bumagal ang galaw ng paligid niya. Bigla niyang naimagine na nasa loob sila ng simbahan at nasa altar siya at hinihintay ang pagdating ni Yohann sa harap niya.

Pumikit siya at mabilis na iniling ang ulo niya. Muli niyang minulat ang mga mata niya at nakitang normal lang naman ang bilis ng paglalakad ni Yohann pero gano'n pa rin ang pakiramdam niya. Mabilis ang pintig ng puso niya habang papalapit sa kaniya si Yohann. Hanggang sa nasa harap na niya si Yohann, nakatulala pa rin siya sa harap nito. Nakikita naman niyang bumubuka ang bibig ni Yohann pero parang wala siyang naririnig.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now