Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her

21 3 0
                                    

Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her

"Hoy Brix, akala ko ba 30 minutes lang ang epekto ng inispray mong chloroform?" Nag-aalalang tanong ni Liam kay Brix. Napailing nalang si Brix at tiningnan si Yohann na wala pa ring malay.

"Sabi sa instruction 30 minutes lang daw eh. Isang beses ko nga kang inispray 'yung chloroform sa panyo para maliit lang 'yung epekto. Malay ko bang malakas talaga ang epekto nu'n." Sagot naman ni Brix. Lumapit siya kay Yohann at tinutusok-tusok ang pisngi nito pero wala pa ring reaksyon.

"30 minutes, 4:20 P.M. niya inamoy 'yung panyo." Tumingala si Liam at ginagalaw ang hintuturo na parang nagsosolve ng Math problem sa hangin.

"Dapat 4:50 P.M. gising na siya pero 5:02 P.M. na, hindi pa rin siya gising." Sabi ni Liam. Agad namang binatukan ni Brix ang kaibigan.

"Pambihira, may oras ka pa talagang mag-compute diyan. Maghintay lang tayo, magigising din 'yan." Sabi ni Brix at umupo sa isang Monoblock.

"Palpak ka talaga Brix." Umupo rin si Liam at tumabi kay Brix. Wala silang ibang magagawa kung 'di hintayin na magising ang kaibigan nila.

#

Unti-unting nagmulat si Yohann nang magkaroon na siya ulit ng malay. Nahihilo pa rin siya pero hindi na masyado. Bigla niyang naalala ang ginawa ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung ano ang plano ng mga ito at bigla nalang siyang pinaamoy sa panyo.

Sinubukan niyang tingnan ang kabuuan ng room na kinalalagyan niya pero medyo madilim at tanging dim lights lang ang ilaw. Hindi niya alam kung nasaan ang mga kaibigan niya.

"Eh kung buhusan kaya natin ng tubig? O 'di kaya'y sigawan sa tainga niya? Baka magising na siya 'pag ginawa natin 'yun." Narinig niyang sabi ng kaibigan niyang si Brix. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa likod niya ang mga kaibigan.

"Nag-isip ka ba talaga o sadyang baliw ka lang? Ano sa tingin mo ang mangyayari 'pag ginawa talaga natin 'yun?" Boses 'yun ni Liam.

"Nagsuggest lang eh."

"Kayong dalawa ang baliw. Pakawalan niyo ko." Ginalaw-galaw ni Yohann ang mga kamay niya pero nakatali ang mga 'yun sa likod ng inuupuan niya. Naramdaman din niyang parang may tali ang leeg niya at alam niyang kakaibang bagay na nakapatong sa sa ulo niya. Narinig niya ang mga yabag ng mga kaibigan niya hanggang sa nakita na niya sila sa harap niya.

"Anong trip niyong dalawa? Ba't niyo ako kinidnap?" Tanong ni Yohann sa mga kaibigan niya. Nagkatinginan ang dalawa at parehong napakamot sa mga ulo nila.

"Tanggalin niyo muna 'tong tali sa mga kamay ko." Dali-dali namang naglakad si Brix papunta sa likod ng upuan ni Yohann at kinalas ang tali. Agad na hinawakan ni Yohann ang mga kamay niya at tinapunan ng masamang tingin ang mga kaibigan.

"Walang mag-eexplain?" Nagkatinginan ulit ang dalawa at napatingin sa nakalagay sa ulo ni Yohann. Hinawakan naman ni Yohann ang nakalagay sa ulo niya at tinanggal 'yun.

"Birthday hat?" Tanong niya sa sarili niya at napangiwi sa design na Spongebob Squarepants.

"Happy Birthday to You, Happy Birthday to You, Happy Birthday Dear Yohann, Happy Birthday to You." Masayang kanta ng mga kabigan niya. May kinuha sila sa kanilang bulsa na party horn at hinipan 'yun.

"Ano ba - - -."

"Happy birthday Yohann." Lumingon si Yohann sa pinto ng room na 'yun at nakita si Xian na pumasok na may dalang two-layer cake. Nakita rin niyang nakasunod si Ryle at sabay silang dalawa ni Xian na naglakad pero dumiretso si Ryle at tumabi kina Brix at Liam habang si Xian ay tumigil sa harap ni Yohann.

To Yohann (BxB) - EditedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora