Chapter 2: Flower Crown

74 11 7
                                    

Chapter 2: Flower Crown

"Hoy Ryle! Nasaan na 'yung notes ko sa Pre-Calculus?" Tanong ni Zacheous sa kaibigan niyang si Ryle habang dinodouble-check ang file ng mga notebook sa desk niya. He was ready to go out from their room when he noticed that his notebook is missing.

Nasa may exit door na si Ryle habang dala-dala niya ang bag niya. Agad naman siyang napakamot sa ulo niya at nilingon si Zacheous nang marinig niyang tinatawag siya nito.

"Hindi ba nga sabi ko sa 'yo kanina na hihiramin ko? Hindi ka kasi nakikinig eh." Agad namang hinarap ni Zacheous si Ryle.

"Pambihira naman. You should've told me."

"I already did, 'di ka nga lang nakinig."

Kinuha na ni Zacheous ang bag niya at nilapitan si Ryle, saka ito binatukan. Hindi naman 'yun inasahan ni Ryle kaya muntik na siyang matumba. Magrereklamo pa sana siya pero agad ng nakalayo si Zacheous sa kaniya. Sinundan lang niya ng tingin ang kaibigan niyang pasimpleng dumidiskarte sa mga babaeng nadadaanan nito. Hindi na naman bago sa kaniya ang makitang gano'n ang kaibigan niya.

Pagkalabas na paglakabas pa lang ni Zacheous mula sa room nila, sinalubong na siya ng mga bati ng ilang nakasalubong niya. Gusto niya ang atensyon na binibigay sa kaniya. Pakiramdam niya ay sobrang gwapo niya. Kaya nga minsan ay sinasabihan siyang pa-fall dahil marami na rin siyang tinanggihan na love confession. Hindi niya alam na iba pala ang iniisip ng ibang mga babae sa mga gestures niya o sadyang gano'n lang talaga ang nature niya.

May kumakaway pa rin sa kaniya kahit nakalabas na sila ng STEM department. Hindi naman niya mapigilang matawa nang makitang naiirita na si Ryle sa tabi niya. Si Ryle ang kabaliktaran niya na hindi gustong makipagtinginan sa ibang tao. Mabuti nalang at magkaibigan sila kaya napapagtiyagaan ni Ryle ang kasikatan ni Zacheous sa ibang tao.

"Tara, gym tayo." Inakbayan ni Zacheous ang kaibigan niya at naglakad patungo sa gym ng SHS building. Bukas naman ang gym ng building nila after class hours hanggang 6:30 PM. Trip kasi ni Zacheous na magpunta sa gym para magbasketball.

"Bawal pumunta sa gym. May nagrerehearsal daw doon." Sabi ni Ryle kaya napatigil sa paglalakad si Zacheous.

"Rehearsal? Anong rehearsal?"

"'Yung play raw ng HUMSS department. Unavailable daw kasi ang Theater Room eh."

"Ahh! 'Yung dinidirek ni Xian?" Tanong ni Zacheous at tumango lang si Ryle bilang sagot.

"Then, what are we waiting for? Tara, puntahan natin. Wala namang kaso kay Xian 'yun eh." Hindi naman nag-aalala si Zacheous dahil kaibigan naman nila si Xian. Hindi lang sila masyadong nagkikita-kita dahil nasa HUMSS department si Xian habang nasa STEM department silang dalawa.

"Manggugulo ka lang doon eh. You're just gonna disturb the casts there." Hindi naman 'yun totoo eh. Kaunti lang naman ang kilala niya sa HUMSS department, 'yung iba, mga dati niyang kaklase sa Junior High School at si Xian na kaibigan niya.

"Sight-seeing lang tayo, promise." Wala ng nagawa si Ryle nang hatakin na siya ni Zacheous papunta sa gym. Habang naglalakad sila ay napanisn nila si Xian na papasok pa lang sa gym habang may dalang dalawang eco bags na puno ng mga props na gagamitin sa play.

"Xian!" Tawag ni Zacheous. Agad namang lumingon si Xian sa tumawag sa kaniya at nakita niya sina Zacheous at Ryle na papalapit sa kaniya. Kakaway sana siya pero naalala niyang may hawak pala siyang eco bags kaya tinanguan lang niya ang mga ito. Nang tuluyan ng nakalapit sina Zacheous at Ryle sa kaniya, napatingin sila sa hawak niyang eco bags.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now