Chapter 12: Glimpse of His Secret

32 6 17
                                    

Chapter 12: Glimpse of His Secret

"Zach! Nandiyan ka ba? Papasok ako sa room mo. Wala na akong paki kung tulog ka pa." Napabalikwas ng gising si Zacheous nang marinig niyang may sumisigaw sa labas ng kwarto niya. Papikit-pikit pa niyang tiningnan ang oras sa alarm clock niya na nasa side table at nakitang 7:00 A.M. palang. Hindi na siya nag-abalang tumayo pa. Nahiga siya ulit at binalot ng kumot ang sarili niya.

Nang biglang narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng kwarto niya at may humila sa kumot niya kaya napaupo siya sa kama. Sinamaan niya ng tingin si Xian na hawak-hawak ang kumot niya.

"Anong problema mo? Ang aga-aga pa eh." Sabi ni Zacheous at napakamot sa ulo niya. Humikab pa siya at pilit na nilalabanan ang antok niya.

"Anong ang aga-aga pa? Tanghali na po."

"Tanghali ka diyan. Ano ngang pinunta mo rito?" Tanong ulit ni Zacheous. Hinagis naman ni Xian ang kumot sa kama ni Zacheous at naupo sa sofa.

"Hindi ka naman busy 'di ba? Tulungan mo 'ko."

"Matutulog pa ako."

"Huwag na. Tulungan mo nga ako, kayo ni Ryle. Sumama kayo sa akin sa school."

"Anong gagawin natin du'n? Weekend naman ha."

"Magdedesign ang mga class officers ng HUMSS 12-A, 12-B at Drama Club members sa Theater Room. We need some additional help so we can finish the tasks early."

"Hindi naman kami HUMSS students, hindi rin kami members ng Drama Club, baka pagtinginan lang kami ni Ryle du'n, 'wag na." Muling binalot ni Zacheous ang sarili niya sa kumot niya saka binalak ulit matulog.

"Okay lang 'yun, hindi naman kayo mahahalata du'n. May ilang casts din na nagvolunteer tumulong sa pagdedesign." Binaba ni Zacheous ang kumot niya hanggang sa dibdib niya at tiningnan si Xian.

"Eh si Yohan?"

"Naman." Kinuha ni Xian ang nakita niyang picture ni Yohanne sa tabi niya at hinarap kay Zacheous. Automatic na pumasok sa isip niya si Yohanne dahil siya naman ang naisip niyang itatanong agad ni Zacheous, alangan namang si Yohann.

"Siya naman ang tinutukoy mo 'di ba?" Tanong ni Xian na halatang inaasahan na nito na oo ang magiging sagot ni Zacheous.

"Oo naman." Sagot ni Zacheous. Pinagpasalamat nalang niya na parehas lang bigkasin ang Yohann at Yohanne. Si Yohanne naman talaga dapat itatanong niya pero biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Yohann.

Ngumiti naman si Xian sa naging sagot ni Zacheous.

"Sige na, maghanda ka na, dadaanan pa natin si Ryle. Bilisan mo na para makita mo na ang crush mo." Pang-aasar pa niya kay Zacheous at hindi na niya pinansin ang masamang tingin na binigay ng kaibigan niya. Tumayo na siya saka lumabas. Pagkasara niya sa pinto ng kwarto ni Zacheous ay nawala ang ngiti niya.

Hindi man sabihin ni Zacheous pero nahalata 'yun ni Xian. Kita niya kung paano nag-alangan si Zacheous nang sagutin ang tanong niya. Hindi lang niya masabi sa kaibigan pero 'yun ang nararamdaman niya.

#

Pumasok na sa kotse ni Xian si Zacheous habang si Xian naman ay nasa loob pa ng bahay nina Zacheous at kausap si Emily. Palaging bumabalik sa utak niya ang seryosong mukha ng kaibigan niya at ng mama niya habang nag-uusap kaya pinauna siyang lumabas. Parang may tinatago ang mga ito sa kaniya.

Wala siyang ibang magawa kaya nauna nalang pumasok sa kotse ni Xian. Habang nakaupo siya ay may narinig siyang tunog ng cellphone. Akala niya ay text lang pero hindi agad tumigil ang ringtone kaya naisip niyang may tumatawag. Hindi naman sa kaniya 'yun dahil iba 'yung ringtone. Ang naisip lang niya ay baka naiwan ni Xian ang cellphone niya sa sa loob ng kotse.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now