Chapter 19: Confrontation

42 3 0
                                    

Chapter 19: Confrontation

"Sa wakas, nahanap ka na rin namin Xian. Ilang araw na kaming naghahanap sa 'yo. Kung 'di lang sinabi sa amin ng ate mo, hindi namin malalaman na halos dalawang linggo ka ng hindi pumapasok sa school. Binigay mo rin ang cellphone mo kay Ryle kaya hindi ka namin ma-contact. Hoy, nakikinig ka ba?" Sabi ni Zacheous sa kaibigan niyang si Xian na nakaupo sa sahig at nakayuko sa mesa.

Nasa condo sila ng ate ni Xian. Dito nila nahanap ang kaibigan dahil bigla itong nawala matapos makipaghiwalay sa boyfriend nito. Hindi rin naman inakala ng ate ni Xian na aabutin nang linggo ang pananatili ni Xian sa condo niya. Akala niya ay may kaunting problema lang ito pero hindi na ulit umuwi si Xian sa bahay nila kaya sinabihan niya ang mga kaibigan nito.

"Xian, tulog ka ba?" Niyugyog ni Zacheous ang balikat ni Xian kaya inangat nito ang ulo niya. Hinarap niya saglit ang mga kaibigan at yumuko ulit sa mesa.

"Kayo pala." Mahinang sabi niya. Wala siyang ganang kausapin ang mga kaibigan niya. Bukod sa hindi niya inasahan na darating ang mga kaibigan niya, nahihiya rin siyang harapin ang mga 'to.

He's wasted. He's slightly drunk but he can still remember the pain, he can still feel the heartache.

"Cellphone mo." Nilapag ni Ryle ang cellphone ni Xian sa mesa. Hindi na niya binalak na i-open 'yun dahil ayaw naman niyang pakialaman ang cellphone ng kaibigan. Ilang araw na rin 'yung dead-bat pero hinayaan lang niya.

"Lagay mo lang diyan." Walang ganang sabi ni Xian.

Nagkatinginan sina Zacheous at Ryle at parehong napailing. Mukhang walang balak ang kaibigan nila na kausapin sila. Umupo si Zacheous sa sofa at naramdaman niyang parang may naupuan siyang matigas. Agad siyang tumayo at napansin niya ang isang maliit na box. Hindi niya 'yun napansin agad dahil kakulay nito ang sofa. Kinuha niya ang box at napansin niyang nayupi ito at hindi na maayos ang pagkakatali ng ribbon.

Naglakad si Ryle at lumapit sa switch. In-on niya ang ilaw ng condo dahil tanging dim lights lang ang nakabukas. Napansin naman ni Xian na lumiwanag ang paligid kaya inangat niya ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Zacheous na hawak ang box. Agad-agad siyang tumayo at hinablot ang box.

"Huwag mong galawin 'yan." Biglang nahilo si Xian dahil sa bigla niyang pagtayo kaya napaupo siya sa sofa. Agad naman siyang dinaluhan ni Zacheous at tumabi.

"Okay ka lang?" Imbis na sagutin ang tanong ni Zacheous, bigla na namang tumulo ang mga luha ni Xian nang mahawakan ang box na regalo niya dapat kay Yohann. Lumipas na ang kaarawan nito na hindi man lang niya nabati.

"Teka, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Zacheous pero umiling lang si Xian. Nilagay niya ang box sa bulsa niya at sumandal sa head rest ng sofa. Ngumiti rin siya at marahas na pinunasan ang mga luha niya.

"Ako? Umiiyak? Bakit naman ako iiyak?" Sarcastic na tanong ni Xian saka hinarap ang mga kaibigan.

"Tsk. Hindi raw." Sabi ni Ryle. Tinapunan ni Xian ng masamang tingin si Ryle kaya nagkibit-balikat ito.

"Gusto mo bang pag-usapan ang problema mo?" Tanong ni Zacheous kay Xian. Napaisip naman si Xian. Alam naman niyang handang makinig ang mga kaibigan niya sa kaniya pero ayaw niyang pati ang mga 'to ay madamay sa problema niya. Wala na siyang balak na magkwento pa kahit pa alam na ni Ryle ang nangyari. Alam din naman niya na malalaman din nila ang lahat sa tamang panahon.

"Ang sakit pala nuh?"

"Paano ko ba sasagutin ang tanong na 'yan? We'll just gonna help you mend your broken heart. Basta huwag na ngang umiyak. Baka umiyak rin si Ryle."

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now