Chapter 9: The Poem's POV

34 7 5
                                    

Chapter 9: The Poem's POV

"Paano ko ba 'to kakabisaduhin?" Napatingin nalang si Zacheous sa harap ng laptop niya habang binabasa ang tulang pinagawa niya kay Yohann. Gusto niya itong kabisaduhin para may masabi siya kay Yohanne kung sakaling magkita sila at mag-usap. The problem is that it's hard for him to memorize words. Kung math formula pa lang ang kaharap niya, madali lang sa kaniya. Limang saknong ang tula at sa unang saknong palang, gusto na niyang sumuko.

Humiga siya sa kama niya at tiningnan ang ceiling ng kwarto niya. Binibilang lang niya ang mga nakadikit na glow in the dark stars sa taas habang nag-iisip ng ideya kung paano niya mabilis na makakabisado ang tula.

"If someone gonna help me with this, maybe it would be easy." Napatigil siya sa pagbibilang at napaupo sa kama niya.

"Ba't ngayon lang pumasok sa isip ko?" Agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone niya na nasa side table ng kama niya at may dinial na numero. Medyo matagal na nagriring ang kabilang linya kaya inisip niya na baka tulog pa ang tinatawagan niya.

("Problema mo? Ang aga-aga.")

"Pareng Yohann!" Tawag niya sa pangalan ng nasa kabilang linya.

("Huwag mo akong bwisitin Zacheous.") Dinig niya ang medyo garalgal na boses sa kabilang linya na parang kagigising lang. Tiningnan niya ang relo niya at nakitang 8:00 A.M. na pero tulog pa pala si Yohann kagaya ng nasa isip niya.

("Kung tumawag ka lang para mambwisit, ibababa ko na 'to.")

"Teka sandali lang, huwag mo munang ibababa." Zacheous immediately stopped him.

("Oh, what now?")

"Alam ko namang mabait ka Yohann at alam kong hindi mo ako matatanggihan dahil in the first place tinutulungan mo naman ko." Hindi alam ni Zacheous kung paano niya sisimulang humingi ng pabor kay Yohann lalo na't naistorbo niya ang tulog nito kaya't kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig niya.

("Cut the chase Zacheous. Ano nga?") Pakiramdam niya ay naiinis na si Yohann sa kaniya dahil ang dami niyang paligoy-ligoy.

"Pwedi ka bang pumunta rito sa bahay namin? Magpapatulong lang ako sa 'yo."

("The heck?") Hindi makapaniwalang sabi ni Yohann. Para namang naputulan ng hininga si Zacheous dahil sa reaksyon ng kausap niya, kinakabahan siya na baka tanggihan siya.

("Ang aga-aga pa.")

"Payag ka?"

("Pero hindi ganito kaaga. You disturbed my sleep.")

"Pero payag ka nga?"

("Want me to repeat?")

"No, malinaw na sa akin. You can come here anytime this morning. Itetext ko nalang sa 'yo ang address namin."

("Whatever.")

Wala ng pakialam si Zacheous na pinutol na ng kausap niya ang tawag. Ang tanging sa isip lang niya ay pumayag si Yohann sa pabor niya. Dumiretso siya sa Messages at itinext kay Yohann ang address ng bahay nila. Pagkatapos niyang masend ang mensahe ay basta nalang niyang tinapon sa kama niya ang cellphone niya at dumiretso sa banyo niya.

#

Napakamot nalang sa ulo niya si Yohann nang hindi na siya makabalik sa pagtulog niya dahil sa tawag ni Zian sa kaniya. 8:00 A.M. is too early for him if he doesn't have a plan for the weekend. Pilit nga lang niyang bumangon nang maaga nu'ng nag-ayang magjogging si Zacheous.

Tiningnan niya ang cellphone niya nang bigla itong tumunog at nagpop-up ang Contact ID ni Zacheous. Kinuha niya ito at pero hindi na nag-abalang basahin ang text ni Zacheous. Muli siyang humiga sa kama niya at tinakpan ang mukha ng kumot pero ilang minuto na ang lumipas at hindi na ulit siya nakatulog.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now