Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion

33 4 0
                                    

Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion

"Lalaki? Lalaki ang kasintahan mo? Boyfriend na one word?" Tanong ng mga casts na ginagampanan bilang mga kaibigan na karakter ni Yohann.

"Oo, lalaki ang gusto ko, masama ba 'yun. Itatakwil niyo ba ako bilang kaibigan niyo dahil lang 'dun?" Tanong ng karakter ni Yohann sa mga kaibigan niya.

"Totoo nga? Ibig sabihin ikaw 'yung isa sa magboyfriends na usap-usapan sa school . Leo, pinagtatawanan ka lang ng mga schoolmates natin." Sabi ng karakter na si Mia kay Leo, na siyang ginagampanan ni Yohann.

"Eh kayo, pagtatawanan niyo rin ba kami ng boyfriend ko? Kayo pa naman ang unang sinabihan ko dahil akala ko ay matatanggap niyo ako." Sabi ni Leo na hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito.

"Sabihin niyo nalang para ako na mismo ang lumayo sa inyo." Tumahimik si Leo at hinintay ang magiging reaksyon ng mga kaibigan niya. Nagtinginan lang ang mga 'to at hindi alam kung ano ang sasabihin kay Leo. Hanggang sa dumating ang boyfriend ni Leo na si Nico. Hinawakan ni Nico ang kamay ni Leo at pinatayo ito.

"Huwag niyo sanang iwasan si Leo. Kahit huwag niyo ng suportahan ang relasyon naming dalawa, okay lang, tanggapin niyo na lang si Leo bilang siya." Naglakad na palayo sina Leo at Nico habang magkahawak ang mga kamay nila. Nadaanan nila ang ilang mga estudyante na nakatingin sa kamay nila. Naiwan naman ang mga kaibigan ni Leo habang sinusundan ang palayong sina Leo at Nico.

"Naiimagine mo rin ba si Xian at ang boyfriend nito dati?"

Paano naman 'yun maiimagine ni Zacheous kung hindi naman niya kilala at nakita ang ex-boyfriend ni Xian? Basta ang alam lang niya ay may naging boyfriend ito pero hindi niya rin alam kung bakit sila naghiwalay.

Tahimik naman ang ilang mga audience habang nanonood sa mga eksena sa stage. Mas naging interesado sila sa play dahil sa same sex relationship na pinoportray ng mga karakter.

"Hayaan mong mapagod sila sa panghuhusga sa atin. Naiinggit lang ang mga 'yun." Sabi ni Nico. Nakaupo sila sa isang bench. Nakaakbay si Nico kay Leo habang si Leo ay nakasandal sa balikat ni Nico.

"Wala naman akong pakialam sa kanila. Sa 'yo lang naman umiikot ang mundo ko eh." Sabi ni Leo at inangat ang ulo niya para ngitian si Nico. Ngumiti rin pabalik si Nico at ginulo ang buhok ni Leo habang nilalaro rin nito ang kamay ni Leo.

"Paano kung may humadlang pa rin sa atin?" Tanong ni Nico.

"Edi hadlangan nila tayo. Hindi naman natin sila mapipilit na suportahan tayo. Ang hiling ko lang naman ay huwag nila tayong pakialaman. Lalaban naman tayo 'di ba?" Tanong ni Leo.

"Siyempre. Nangako na ako sa 'yo na ilalaban kita. Hindi kita bibiguin."

"Malakas ang kutob ko." Sabi ni Ryle.

"Na ano?"

"Malakas ang kutob kong may ilang scenes sa play na base sa experience ni Xian, lalo na 'tong eksena ni Leo at Nico. Wala naman kasi tayong ideya kung ano talagang nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya 'di ba? Malay natin, binuhos niya sa play ang nararamdaman niya kaya naisip niya ang concept na 'to."

"Ewan ko."

Tinuloy nila ang panonood sa play. Mas naging seryoso si Zacheous at nakatutok talaga sa takbo ng kwento ni Leo at Nico. Inaabangan niya kung anong kahahantungan ng same sex relationship ng dalawang 'to. Ang eksena pang pinapanood nila ay ang magkasintahang babae.

To Yohann (BxB) - EditedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin