Chapter 33: Actual Confession

26 2 0
                                    

Chapter 33: Actual Confession

"Yohann." Sa boses na 'yun na tumawag sa kaniya, alam na agad ni Yohann kung sino ang may-ari ng boses na 'yun. Itinapat ni Yohann sa iba't ibang direksyon ang flashlight ng cellphone niya pero hindi niya makita ang taong may-ari ng boses na 'yun.

"Huwag kang aalis sa pwesto mo. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko." Pinatay ulit ni Yohann ang flashlight ng cellphone niya at binaba 'yun nang muling tumapat sa kaniya ang spotlight. Hindi na niya hinanap ang may-ari ng boses dahil sa naririnig niya ay parang galing sa speaker ang boses.

Gusto nang umalis ni Yohann sa kinatatayuan niya dahil kahit hindi niya nakikita ang paligid niya, alam niyang lahat ng bisita ay nakatingin sa kaniya at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

"Paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko? Ahh basta, bahala na kung anong unang masabi ko, ang importante ay masabi ko lahat." Narinig ni Yohann ang ilang mga tawanan ng mga bisita pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Una sa lahat, gusto kong magsorry sa pag-abala ko sa 'yo. Nagsimula 'yun nu'ng nagkamali ang kaibigan ko ng pinagdalhan ng sulat. Nang dahil du'n, bigla tuloy tayong nagkakilala. Alam kong alam mo na ang dahilan ng pagtatagpong 'yun. 'Yun ang unang beses kong humingi ng pabor sa isang estranghero. Hindi ko itatanggi ang hiyang naramdaman sa mga oras na 'yun."

"Boses ba 'yun ni Zacheous? Nasaan siya?" Naguguluhang tanong ni Xian kina Brix at Liam. Sabay na tumango sina Brix at Liam para sa unang tanong at sabay na umiling para sa pangalawang tanong. Bigla lang din napagtanto ni Xian na umalis din si Ryle. Naisip niyang baka kasama nito si Zacheous. Umiwas ng tingin sina Brix at Liam kay Xian at binalik ang tingin kay Yohann na tinatapatan ng flashlight.

Naghintay nang ilang minuto si Yohann sa mga sunod na sasabihin ni Zacheous pero wala na siyang ibang narinig. Nakita nalang niya na may isang spotlight pa ang nagbukas pero hindi 'yun nakatutok sa kaniya kundi sa bandang likuran niya.

"Dahil sa hindi inasahang pagtatapo, nakilala kita. Nakasama kita nang ilang buwan dahil sa pabor na hiningi ko sa 'yo. Sa loob ng ilang buwang 'yun, naging magkalapit tayo. Nakilala ko ang totoong ikaw, nakilala ko ang isang Yohann Villamarqueza na iba sa pagkakakilala ng iba. Minsan nga ay nagtataka na ako sa sarili ko dahil sa halip na ang pabor ko sa 'yo ang iniisip ko, ikaw na mismo ang sumakop sa isip ko. Gusto kong isipin mo sa mga oras na 'yun na gusto kitang makita hindi dahil may pabor na naman akong hihingin sa 'yo kundi dahil gusto lang kitang makasama."

Napasinghap naman ang ilang mga bisita sa narinig nilang sinabi ni Zacheous. Hindi nila akalain na sasabihin ni Zacheous ang mga salitang 'yun. Lalo na ang mga schoolmates nila na buong pagkilala nila kay Zacheous ay sa babae lang magkakagusto at alam nila ang tungkol sa kaniya at kay Yohanne pero sa nakikita at naririnig nila sa oras na 'yun ay ibang Zacheous ang naririnig nila. Isang Zacheous na matapang na umaamin sa harap ng mga tao.

Hindi maipaliwanag ni Yohann ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung totoo ba ang lahat ng sinasabi ni Zacheous dahil hirap na siyang pagkatiwalaan ito. Akala niya gagawin ni Zacheous ang lahat para maghiwalay sila ni Yohanne pero nasaksihan nalang niya na ang kabaliktaran ang nangyari. Habang pinapakinggan niya si Zacheous, bumalik sa kaniya ang sakit na ilang araw niyang binalewala.

"Ang ikinatuwa ko ay nasanay ka sa pangungulit ko. Nasanay kang tiisin ako at nasanay kay bigla-bigla nalang akong tatawag sa 'yo. Kalaunan ay nag-iba ang tingin ko sa 'yo. Sa tuwing titititigan kita, hindi 'yun magtatagal dahil inuuhan ito ng mabilis na tibok ng puso ko pero sa tuwing natitingnan kita sa mga mata, ayaw ko ng putulin. Gusto kong tinititigan ka dahil nakikita ko ang sarili ko at kung gaano kaseryoso ang mga mata kong nakatingin sa 'yo."

"Yohanne girl, ano 'to?" Agad na kinalabit ni Jia ang kaibigan niyang si Yohanne. Dali-dali namang pinunasan ni Yohanne ang luha niya. Pinagpasalamat niyang madilim pa sa pwesto nila.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now