Chapter 6: Battle of Bottles

42 7 10
                                    

Chapter 6: Battle of Bottles

“Yohanne, may nagpapabigay.”

“Yohanne, someone left me this gift for you.”

“Yohanne, for you.”

“Yohanne, this flower is for you.”

Ilang bagay na ba ang naibigay ni Yohann para kay Yohanne? Kulang, ilang bagay na ba ang naibigay ni Zacheous kay Yohann para kay Yohanne? Ilang beses na siyang kinukulit ni Zacheous na magpasama para bilhin ang regalo na para kay Yohanne. Hindi rin naman niya magawang tanggihan dahil naawa rin siya kaya tinutulungan lang din niya.

“Sino ba talaga ang nagpapabigay nito? Ba’t alam niya ang mga gusto ko?”

It’s because that guy is nagging me to help him find gifts for you. Sagot ni Yohann sa sagot ni Yohanne pero sa isip lang niya. Paanong hindi malalaman ni Yohann eh siya ang dahilan kung bakit nabibili ni Zacheous ang mga bagay na gusto ni Yohanne.

“It’s a secret.” Hindi pa rin sinasabi ni Yohann kay Yohanne kung sino ang nagbibigay sa kaniya ng mga regalo.

“Kilala ko ba siya?”

“It’s a secret.”

“Ka-close mo?”

“It’s a secret.”

“Mabait ba?”

“It’s a secret.”

“Ang secretive mo naman.” Iniwas ni Yohanne ang tingin niya kay Yohann at inamoy ang Jasmine flower na bago niyang natanggap.

“He’s just secretly courting you, through me. I think it’s better. Let me test him first.”

“Oo na.”

“But…” Lumingon si Yohanne kay Yohann. “What do you think of his gestures?”

Napaisip naman si Yohanne sa tanong ni Yohann. Sa mga nagdaang araw, halos araw-araw ay may natatanggap siya mula kay Yohann galing sa manliligaw niyang hindi pa nagpapakilala. At sa totoo lang, kinikilig siya at natutuwa siya lalo na’t ‘yung mga bagay na natatanggap niya ang ‘yung gusto niya talaga.

“I like his mysterious identity. I’m looking forward to meet him. Nacucurious ako kung sino siya at patagal nang patagal ay gusto ko na siyang makilala.” Tumigil siya sandali at hinarap si Yohann. “Kakaiba rin ang isang ‘to dahil dumaan siya sa ‘yo. Alam ko naman kung gaano ka ka-protective sa akin. This one is different, you let him court me. If you trust him, then I’ll also trust him.”

Hindi maipaliwanag ni Yohann ang nararamdaman niya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Yohanne. Kita niya ang saya sa mukha ni Yohanne at nakangiti rin habang nagsasalita.

“He’s a good guy, I assure you.” ‘Yun nalang ang nasabi niya sa kabila ng kakaibang nararamdaman niya. Afterall, he’s doing things for her happiness,

#

“Yohann, busy ka bukas?” Nilingon ni Yohann si Zacheous na nakasunod sa kaniya. Naglalakad siya papunta sa Theater Room dahil mayroon silang rehearsal para sa play.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now