Chapter 4: Chased by Who?

49 7 9
                                    

Chapter 4: Chased by Who?

“May problema ka ba? You’ve been spacing out since yesterday.” Hindi mapigilang tanong ni Yohanne sa katabi niyang si Yohann. Kahapon pa niya na napapansin na wala ito sa sarili.

“Are you worried?” Tanong ni Yohann sa kaniya.

“Oo naman. Kahapon ka pa ganiyan, kaya ka palaging pinapaulit ni Xian sa lines mo eh dahil wala ka sa sarili mo.”

Hind kasi maalis sa isip ni Yohann ang mga sinabi ni Zacheous, lalo na ang huling sinabi nito. Hindi naman siya nagresponse sa gustong ipagawa ni Zacheous pero nabababagabag pa rin siya, lalo na nu’ng nakita niya ito sa labas ng gym na nakatingin sa stage. Halata naman na tinitingnan nito si Yohanne. Hindi tuloy siya makafocus sa rehearsal dahil lumilipad ang isip niya.

“How would you react if someone court you?” Hindi inasahan ni Yohanne ang tanong na ‘yun ni Yohann dahil una sa lahat alam niya na sobrang higpit nito sa kaniya. Kaya walang nagtatakang lumapit sa kaniya na hindi alam ni Yohann.

“Bakit bigla mong natanong ‘yan?” Tanong niya kay Yohann pero umiling lang ito. Ayaw niyang malaman ni Yohanne na may isang asungot na nagpapatulong - - - este humingi ng tulong sa kaniya na dumiskarte kay Yohanne.

“Nevermind. Bigla lang ‘yung sumagi sa utak ko. I will never let anyone court you. Dadaan muna sila sa akin.” Ngumiti naman si Yohanne sa sinabi ni Yohann. Sanay na siya sa pagiging protective nito.

“Opo~~~” She said in a singing tone.

“Yohanne, sabay ka na sa amin.” Kinawayan ni Yohanne ang mga kaibigan niyang nasa ‘di kalayuan saka hinarap si Yohann.

“Sasabay na ako sa kanila.” Tumango lang si Yohann at sinundan ng tingin si Yohanne na lumapit sa mga kaibigan niya sa nagsimulang maglakad.

“Hi Yohann.” Nilingon niya ang pamilyar na boses na tumawag sa kaniya at nakita niyang papalapit sa kaniya si Zacheous na malawak ang ngiting nakatingin sa kaniya. Tiningnan lang niya ito nang ilang segundo at nagpatuloy sa paglalakad.

Lakad-takbo naman ang ginawa ni Zacheous para habulin si Yohann. Nahiya kasi siyang tawagin ito kanina dahil magkasama sila ni Yohanne. Talagang dinadalaw siya ng kaba kapag nakikita niya si Yohanne.

“Sandali lang Yohann.” Tawag niya ulit kay Yohann. Hindi naman mapigilan ni Yohann na mainis dahil sa ginawang pagtawag ni Zacheous sa kaniya.

“Ano ba? I don’t owe you something, so stop bugging me.”

“’Yung favor nga na hinihingi ko sa ‘yo kahapon. Can you help me with it?” Pangungulit pa ni Zacheous kay Yohann pero hindi na lumingon ang huli. Hinayaan nalang niya itong sumunod sa kaniya, total, malapit na siya sa entrance ng HUMSS department. Baka tumigil na si Zacheous sa pagsunod sa kaniya.

“Hindi tayo close para tulungan kita.” Sabi niya kay Zacheous.

“Then let’s start being closer to each other.” Sabi ni Zacheous na nagpatigil kay Yohann sa paglalakad at nilingon ito. Zacheous just looks at him while smiling, hoping that the man he’s facing will accept his favor.

“Are you serious with her?” Seryosong tanong ni Yohann na ikinatango ni Zacheous.

“Hindi pa ba sapat ang confession na ginawa ko kahapon?”

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now