PROLOGUE

2.1K 104 1
                                    

TARA SIGHED roughly as she was reading the text from her cousin Krishia. Inihagis niya ang aparato sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan upang hindi lalong mainis. Kapagkuwan ay inihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.

Ang kabang naramdaman niya kanina ay napalitan ng pagkainis para sa taong kanyang hinihintay. Ang sabi ng kanyang pinsan ay patungo na roon ang lalaki ngunit kanina pa siya sa loob ng hotel room at naghihintay rito. Mahigit trienta minutos na itong late.

Tumayo siya at inilibot ang mga mata sa loob ng hotel room habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bewang. Malinis ang kabuuan ng silid at maaliwalas sa mga mata ang kulay ng pader na off-white. May malambot na carpet ang nakalatag sa sahig kaya komportable ang kanyang mga paa.

Sa kisame ay may nakasabit na babasaging chandelier na bagama't hindi ganoon kalaki ay elegante. May isang mahabang couch na may chaise. Ilang hakbang mula sa couch ay naroon ang kama na kasya ang dalawang tao, sa gilid niyon ay mayroong bedside table na may nakapatong na lampshade. The sheets were clean and as white as pearls. Bumalik ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatingin doon.

Inihakbang niya ang mga paa patungo sa direksiyon ng kama at inilatag ang katawan sa ibabaw niyon habang ang mga binti ay nanatiling nakalaylay sa dulo. Tinitigan niya ang kisame nang walang partikular na iniisip.

Muli na naman siyang napabuntung-hininga, sa pagkakataong iyon ay mas banayad na. Dumako ang kanyang mga mata sa direksiyon ng pinto. Maghihintay siya ng ilang minuto at kung hindi dumating ang lalaking hinihintay ay aalis na lang siya kahit sayang ang ibinayad niya para sa silid na iyon.

O kaya ay tawagan na lang niya ang pinsan at magpahanap ng iba. Madaming kaibigan at kakilalang lalaki si Krishia kaya ito ang hiningan niya ng tulong.

After a minute, she got up from the bed and walked back in the direction of the couch. She grabbed her phone and was about to call her cousin when the door of the hotel room opened.

She tilted her head towards the direction of the door and her forehead knitted when she saw a familiar man entered the room. "What are you doing here? How did you know I am here?" she asked, confused and irritated.

Instead of answering her questions, he locked the door behind him and walked towards her with a plastered grin on his lips. His eyes sparkled mischievously as he stared at her face.

"Sagutin mo ako, anong ginagawa mo rito?" ulit ni Tara sa itinanong, maririnig sa boses ang pagkainis at mahahalata sa kanyang mukha ang disgusto na makita ito roon. "What the fuck, Harrison?!" she hissed and her eyes widened when he suddenly took off his shirt.

Inihagis ni Harrison ang damit sa ibabaw ng couch nang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga. Lalong lumawak ang pagkakangisi ng binata nang makita ang ekspresyon ng dalaga habang tinitingnan ang kanyang hubad na pang-itaas na katawan.

"What the hell? What are you doing?" she asked in hysteric when his hand unbuttoned his fly. "Get out of here, now!"

"I can't do that. I'm your model."

"What? No!" Nang makitang hindi natinag si Harrison at nanghahamon ang kislap sa mga mata ay nagtagis ang mga ngipin ni Tara at mariing naikuyom ang mga kamay. Krishia, I'm gonna kill you! "Get out of here, I don't need you."

"Why, are you nervous? Are you scared?" Harrison asked tauntingly. His eyes and grin were provoking her.

"No!" Of course she's nervous! Kung sakali man ay iyon ang unang beses niyang makakita ng hubad na katawan ng isang lalaki. Fully naked from head to toe! At kay Harrison pa, ang lalaking hindi niya makasundo simula noong mga bata pa sila! She needed to do a nude painting of a man to pass college. Hindi niya alam kung maituturing niya ba iyong pinakamahirap na magagawa niya sa pagpipinta kung saka-sakali. Tama ang sinabi ng professor niya na magiging challenging iyon. Why does it have to be Harrison? "Hindi tayo talo," she said blandly.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now