CHAPTER 9

974 53 2
                                    

NAKAHALUKIPKIP na itinuon niya ang buong pansin sa labas ng sasakyan. Nagngingitngit pa rin ang kanyang loob at sa kanyang isipan ay isinasalarawan niya ang panggugulpi kay Tyler. Lalo niyong pinasama ang pananakit ng kanyang ulo at ng kanyang tiyan.

She was supposed to ride with her brother, but Tyler literally threw her off his car and dared her to hitchhike to Harrison's car. "If you won't ride with him, it means you're uncomfortable. And it gave me the idea that something's strange is happening between the two of you," iyon ang nakangising sabi ni Tyler sa kanya bago sinara ang bintana ng kotse nito.

Hindi talaga ito umalis at hinintay ang kanyang pagsakay sa kotse ni Harrison. Hindi niya ito gustong bigyan ng hindi magandang ideya. Tyler can really be a pain in the ass if he wanted to

Sa gilid ng kanyang mga mata ay napapansin niya ang panaka-nakang paglingon sa kanya ni Harrison na nasa likod ng manibela. Wala naman itong sinabi hanggang sa dumukwang ito at binuksan ang car stereo. Still, she did not heed him any attention. Tumugtog ang isang kanta na sinasabayan nito, napapansin din niya ang paggalaw ng ulo nito at mga daliri na nakahawak sa manibela na marahang gumagalaw sa ritmo ng tugtog. And she admit that Harrison had a voice, he could sing well.

I'm a sucker for you. You say the word and I'll go anywhere blindly. I'm a sucker for you, yeah. Any road you take, you know that you'll find me. I'm a sucker for all the subliminal things. No one knows about you. And you're making the typical me break my typical rules. It's true, I'm a sucker for you.

"Tumahimik ka nga!" saway niya rito kasabay ng paghawak sa pumipintig na sentido.

"What? Don't you like it?" he said, glanced at her fleetingly with a smile on his face.

"Hindi!" Sabay patay niya sa stereo at muling bumalik sa dating puwesto.

"Come on, you're a spoilsport."

"Pakialam ko?" she asked sarcastically. "Tumahimik ka nga, sumasakit ang ulo ko sa 'yo! Para kang palaka na naipit sa malaking bato."

Instead of being offended, he chuckled and his grin grew wider that it almost tore his face. "Would you do the honor of kissing this frog so he could become a prince?"

"Never. Not even in my worst nightmare."

He dramatically clasped his chest using one hand like the words that came out of her mouth hurt him. "That's mean, you're always mean. Don't you even find my lips against yours magical? Your soft lips—"

"Stop!" Agaran niyang pigil dito dahil nagsisimula nang maging malikot ang kanyang isipan at isinasalarawan doon ang mga sinasabi nito. She felt sick on the pit of her stomach. Hindi niya matukoy kung dahil ba iyon sa pinagsasabi ni Harrison o dahil sa dami niyang ininom kanina. "Pull over. Fuck, hurry up! Oh!" Ang kanyang isang kamay ay dumapo sa kanyang tiyan habang ang isa ay sa kanyang bibig.

Pagkatigil ni Harrison ng sasakyan sa gilid ng daan ay mabilis siyang lumabas. Agad siyang napauklo at inilabas ang laman ng kanyang tiyan.

"Are you okay?" Harrison asked and caress her back. Siniko niya ang binata upang paalisin ito ngunit hindi ito nagpatinag.

Hayon na naman ang paghalukay ng kanyang sikmura kaya agad niyang inilabas. Hindi siya iniwan ni Harrison hanggang sa wala na siyang mailalabas pa kung 'di mapait na laway. Inabutan siya nito ng panyo na kanyang tinanggap at ipinangpunas sa kanyang mukha.

"This is all your fault!" she muttered in a voice full of anguish. She looked at him and glared. "You're a dick!"

"Oo na, kasalanan ko na," he conceded and grimaced. "You should really stop cursing, Violet."

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon