CHAPTER 8

1K 56 2
                                    

"HERE YOU GO," she exclaimed cheerfully after placing the headband on France's head then kissed her cheek. The kid giggled and beamed at her. "Let's go?"

Pagkatango nito ay inilalayan niya pababa mula sa pagkakasampa sa ibabaw ng kama. Hinawakan niya ang bata sa kamay at sabay silang lumabas sa loob ng silid. Agad niyang narinig ang mga tawanan at pag-uusap ng mga taong nasa loob ng bahay ng mga Villarama.

After the christening of Luke and River's daughter and Snow's son they gathered at the Villarama's residence. Kumakain sila nang mabasa si France ng juice na iniinom nito at nagboluntaryo siyang bihisan ang bata. She loved France and her sister Germany, kahit na hindi ito anak ng kanyang pinsang si Snow ay itinuturing na niyang pamangkin ang dalawa. The girls were the half-sisters of Snow's son Prince Justin.

"Uncle Harry!" bulalas ng bata sa matinis na tinig at hinila ang kanyang kamay.

Natigilan siya at hinayon ng kanyang mga mata ang direksiyon na itinuro ni France. Nagsalubong ang kanilang mga mata ni Harrison na napatingin sa kanyang direksiyon.

Hindi niya inaasahang makikita ito roon dahil abala ito sa trabaho. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi sila nagkakakitaan na siyang malaking kaginhawaan sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos nang kapangahasan nito, pagkatapos siya nitong halikan. Sinadya man nito o hindi ay naapektuhan siya ng ginawa nito.

May mga gabing napapanaginipan niya si Harrison na hinahalikan siya, ang mas nakakapanindig balahibo ay lumampas sa simpleng halik ang nangyari sa kanyang panaginip. In her dreams, they were inside a familiar hotel room, the same room where she painted him, naked, five years ago. Nakahiga siya sa ibabaw ng kama habang pinapanood ang pagpasok nito sa loob ng silid. Nang makalapit sa kanya ay hinalikan siya nito at sinimulang haplusin ang kanyang katawan.

Sa tuwina, kapag nagigising siya sa panaginip na iyon ay tila siya tumakbo ng milya-milya. Naghahabol ng hininga, basa ng pawis ang nag-iinit na katawan.

She was blaming him for everything she was going through. She was disgusted with herself. Hindi niya kailanman inaasahan na mangyayari iyon sa kanya. It was probably a wet dream where she was doing the deed with a man. And that man happened to be Harrison Green! Kahit na madalas silang nagkakasagutan ay itinuring na niya itong kapamilya, nang dahil lang sa halik na iyon ay alam niyang may nagbago. She doesn't have the courage to face him after dreaming of him kissing and touching her almost every night.

Nag-iwas siya ng tingin kay Harrison kasabay ng pagbitaw sa kamay ni France na tumakbo patungo sa direksiyon ng binata. France fancied Harrison, she shamelessly declared that she will marry him someday. The adults will just laugh at it and indulge the kid.

Muli niyang inihakbang ang mga paa at naglakad patungo sa kusina sa halip na sa sala kung nasaan ang ibang mga kamag-anak na nagkakatuwaan.

Naghagilap siya nang makakain at nakahanap ng tsokolate sa loob ng refrigerator, kapagkuwan ay napangiti. She loved chocolates, it was her comfort food.

Kumuha siya ng ilang bar doon at isang mineral water bago lumabas ng kusina. Agad niyang nakita ang pinsang si Krishia na tila may hinahanap at malakas ang kutob niya na siya iyon. Nitong mga nakaraan ay sa kanya ito nagko-confide patungkol sa suliranin nito sa isang lalaking bigla nalang sumulpot sa buhay nito at nagpakilalang boyfriend nito.

Hindi sa hindi niya gustong pakinggan ang mga hinaing nito at magbigay ng payo. Hindi lang niya gustong makisalamuha sa iba, gusto niyang mapag-isa ngayong naroon ang taong hindi niya gustong makita. He was bad for her mental health.

Mabilis siyang tumalilis patungo sa loob ng entertainment room na malapit lang sa kusina kaya madali siyang nakapasok doon at nakahinga nang maluwag nang makitang walang tao sa loob. Halos ang lahat ay nagkakatuwaan sa may living room.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon