EPILOGUE

1.5K 84 6
                                    

"WHAT ARE you doing?"

Napapitlag siya at nabitawan ang rubber shoes na akma niyang isusuot sa mga paa nang magulat sa pagsulpot ng kanyang ama. Ni hindi niya narinig ang pagpasok nito, ganoon siya ka-okupado sa ginagawa.

She straightened her back and adjusted her sitting position on top of the sofa comfortably as she met her father's suspicious gaze while looking at her and the shoes on the floor.

"Okay!" she uttered and sighed deeply. "You got me. I don't want to wear these heels..." Sabay sipa niya sa high heels na kulay puti at may palamuting perlas sa gilid. One look at it and anyone can tell that it cost an arm and leg, other women would die just to wear it but not her.

Isinusumpa niya ang ganoong klase ng sapatos! Hindi niya alam kung bakit niya kailangang suotin iyon gayong puwede naman siyang magsuot ng ibang sapatos o 'di kaya'y magyapak dahil hindi naman makikita ang kanyang mga paa sa suot na mahabang wedding gown. Yes, wedding gown dahil iyon ang araw ng kanilang kasal ni Harrison.

Naalala pa niya noong nagsuot siya ng high heels sa kasal ni Red at Cameron. Ilang beses na siyang kamuntikang matalisod, at malaki ang tiyansang ipapahiya niya ang sarili sa harap ng mga dadalo sa kasal na kamag-anak at mga kaibigan nila kung susuotin niya iyon. Maari niyang maapakan ang suot na gown at masubsob sa sahig. She doesn't want that for her wedding.

Kakaalis lang ng kanyang Mommy at ang mga stylist niya nang hagilapin niya ang kanyang rubber shoes at akmang papalitan ang high heels. Iyon nga lang ay nahuli siya ng ama bago maisuot ang huling pares.

"Malam ko lang kung sinong nag-imbento nito, I swear I'm gonna punched him on the nose."

Ashton chuckled and sat beside her, then he hold her hands to get her attention. Tumingin siya sa ama na pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Parang bulang naglaho ang inis niya nang makita ang pangingislap ng luha sa gilid ng mga mata nito. Naramdaman niya ang paninikip sa lalamunan ngunit hindi niya hinayaang magpatangay sa damdamin. Hindi niya gustong sirain ang makeup dahil siguradong maghihisterikal ang kanyang Mommy.

"My daughter," anito na gumaralgal ang tinig at masuyong hinaplos ang kanyang buhok na humaba na hanggang sa kanyang balikat. She hadn't cut it for over a year and she liked her hair now. Having a short hair was comfortable, but growing her hair back, she never felt so feminine. Her hairstylist made them wavy and put some beads and kung anong abubot. "My beautiful daughter. I'd never thought I'd lose you."

Natatawang hinalikan niya sa pisngi ang ama at yumakap dito pagkatapos. "You never lose me, Daddy. Instead, you gain another son. I will always be here for you, Dad. That's my promise."

Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang sandali hanggang sa pakawalan nila ang isa't isa at haplusin ni Ashton ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay nito at napangiti. She was beyond happy, her heart was overflowing with happiness. Hindi niya alam kung normal ba ang reaksiyon niya na hindi man lang nakakaramdam ng kaba. She was excited, she was happy.

"Be happy, okay?"

She nodded. "I will, Dad. We will."

Nang dumukwang ang ama at halikan ang kanyang noo ay napapikit siya. Para siyang idinuduyan sa kakuntentuhin at kasiyahan.

"Your shoes."

She blew a breath when she remembered the shoes.

"You only get married once, Tinkerbell. You're the only daughter of Tamara, and she's very excited about this wedding."

She felt a pang of conscience hearing her father. Her mother almost did everything for the wedding. Hinayaan nila ito dahil nakikita nilang masayang-masaya ang kanyang ina. The high heels was her mother's gift for her in her wedding day.

Sa halip na isuot ang kanyang rubber shoes sa kanang paa ay tinanggal niya ang nasa kaliwa at isinuot muli ang high heels. Her leg and arm were all healed, she can walked straight, she can paint without her hand shaking. Everything was perfect, surely she would be spared from the humiliation of tripping over. Tsaka nagpraktis naman siya, sapat na marahil iyon.

"I'm so proud of you, I love you."

"Thank you, Dad. I love you."

Hindi katagalan ay bumiyahe sila patungo sa simbahan hanggang sa makarating doon at magsimula ang kasal. Hinatid siya ng ama patungo sa altar hanggang sa magkasalubong ang kanilang mga mata ni Harrison. Ngumiti siya nang makita ang masaya nitong mukha na nakatingin sa kanya habang naghihintay. Her heart was beating too fast not because she was nervous but because she loved the man she was going to marry. She knew she would never regret her decision. Sa paglipas na mga taon ay babalikan na lang nila ang mga ala-ala ng kanilang pinagdadaan at matatawa at mangingiti dahil sa mga iyon.

I love you. Her smile grew wider when he mouthed those words.

Nakarating sila sa harapan ng binata ng hindi siya natatapilok o naapakan ang kanyang gown. The heaven must be celebrating with them too.

"I love you too," she whispered to him when he held her hand.

"WHAT ARE you doing?"

"Don't move!" pigil niya sa asawa nang akma itong babangon mula sa pagkakahiga. Kaunti na lang ay matatapos na siya sa ginagawa.

"Have long have you been up?" he asked in his bedroom voice.

Nagtaas siya ng tingin pabalik sa kama at muli ring ibinalik sa canvas na nasa kanyang harapan. She was painting him while he was sleeping. "Five hours."

Napaungol ito sa kanyang sagot. "Come on, baby. We're on our honeymoon..." He groaned and brushed his hair. "I should've let you bring your paints."

"You're not the boss here, stop complaining."

A smile crept to Harrison's lips. "You're the boss. Can you do this servant a little favor? Come back to bed, you can paint me later, Violet. You can paint me for the rest of our lives, but I need you now. Please... I won't stop talking until you come to me, Vi-"

"Oo na!" putol niya sa sasabihin nito dahil hindi talaga ito titigil. Ibinaba niya ang paintbrush sa lamesa at humakbang patungo rito. Sandali siyang tumigil at tumingin sa labas ng salaming dingding ng kanilang hotel room. Seeing a beautiful view early in the morning was refreshing. The sun was starting to rise behind the Eiffel Tower.

Their honeymoon was in Paris, Tyler arranged it for them three months ago. It was his wedding gift, and they accepted it, she was glad she did. They already made up about the scheme Tyler planned, and Harrison agreed on.

"Beautiful," she murmured.

"Yeah. Beautiful indeed."

Napatingin siya kay Harrison dahil sa komento nito. She rolled her eyes when she found him staring at her. Nang sumampa siya sa kama ay mabilis siya nitong niyakap at siilin ng halik. She went on top of him and straddled his stomach. Nakikiliti siya sa tumutubong balbas sa panga ng asawa na nakadagdag sa pag-iinit ng kanyang katawan.

She lowered herself to his erect member when his kisses went to her neck. She rubbed herself to his nakedness, he was achingly aroused but she stopped on her movements. Umalis siya sa ibabaw nito at mabilis na nakababa sa kanilang kama na umani ng malakas na ungol ng pagproprotesta mula rito.

"Come back here, Violet! You can't do this to me, again!"

A grin crept into her mouth when she remembered her pambibitin when they were on the yacht months ago. She walked towards the huge and luxurious bathroom, but before she entered, she stopped and slowly removed her robe until it finally touched the carpeted floor. She heard his rough breathing while his eyes burned her back. She wore nothing underneath, and she felt so ready for him.

"Let's conserve water by showering together," she said in a sultry voice when she looked back at him. She wanted to try it in the bathroom, under the shower.

Umangot hanggang tainga ang ngiti ng kanyang asawa bago patalon na bumaba sa ibabaw ng kama at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya.

"Turn the faucet on, baby!"

WAKAS

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon