CHAPTER 5

1.1K 73 1
                                    

"THAT'S beautiful, France."

Umupo si Tara sa tabi ng bata na nakadapa sa ibabaw ng mat at gumuguhit. Hinaplos niya ang kulot na buhok nito na kulay mais at isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Sinulyapan niya ang kapatid nitong si Germany na nakaupo dalawang metro ang layo sa kanila at tahimik na nagpipinta. Isang taon ang tanda nito kay France na anim na taong gulang at nakikitaan niya ng potensiyal ang bata sa pagpipinta.

"Let me see." Inumang niya ang kamay at agad namang inabot ni France ang sketchbook doon at umupo sa kanyang hita, ipinalibot naman niya ang braso sa katawan nito. Tiningnan niya ang iginuhit ng bata at nakaramdam ng lungkot nang makita iyon.

"Daddy."

Napatingin si Tara sa bata at hindi mapigilang masaktan nang makita ang lungkot sa mukha nito. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang bata, she hadn't seen his Daddy for over a year for some reason.

Hinaplos niya ang ginuhit nito na korteng tao. Ang karaniwang guhit ng isang bata na katulad nito, pinagsama-sama ang mga hugis upang makabuo ng tao. Nilangkapan pa nito ng mga salitang I love Daddy. The kid must be missing her father a lot.

"Good job, baby," Tara said and kissed the kid's cheek. "Okay, everyone, let me see your masterpieces."

Agad na lumapit sa kanila ang pito pang bata na naroon at ibinigay sa kanya ang iginuhit at ipininta ng mga ito. Isa sa isang linggo ay nagtuturo siya sa mga bata na gustong matuto ng pagpinta at pagguhit tuwing umaga. Sa hapon naman ay mga adult na kumukuha ng lessons sa kanya ang tinuturuan niya.

"Very good, everyone. But let me ask you what is something we believe and embody?"

"Practice makes perfect," the kids' chorus.

Tara patted their heads one by one and gave them a kiss on the cheek. She gave them cupcakes that her assistant bought at the nearby bakeshop earlier. She let them play after eating and when their parents arrive, she started cleaning the studio with Olive—her assistant.

Bukod sa silid na nasa bahay ng kanyang mga magulang na inilaan sa kanyang propesiyon ay mayroon din siyang sariling studio kung saan niya ginagawa ang kanyang mga lessons. Minsan kapag hindi niya iyon ginagamit ay ipinapagamit niya iyon sa mga college students na mga estudiyante rin niya.

Nang matapos sila sa paglilinis ay nilapitan niya ang magkapatid na Sanders at niyayang umuwi. Tuwing naroon ang dalawang bata ay nagbubulontaryo siyang ihatid ang mga ito. Naiwan si Olive habang sila ay lumabas na at sumakay ng taxi pauwi sa tahanan ng dalawa.

Nakangiting mukha ng pinsan niya ang sumalubong sa kanila pagkarating nila sa bahay ng mga bata.

"Thank you for bringing the kids home."

Nginitian ni Tara ang pinsang si Snow at hinalikan sa pisngi. "How's the little prince?" Tukoy niya sa anak nito. kapapanganak lang ng kanyang pinsan halos dalawang buwan na ang nakakaraan, magkasunod lang ito at si River.

The pregnancy wasn't easy for Snow because she had some issue of some sort with the baby's father. But despite that, Tara was glad that Snow was happy now. She can see that she was enjoying motherhood and that's all that matters.

"In the nursery with Mommy."

"Tita Ally is here? I'll go say hi to her and to the little prince."

Gaya ng sinabi ay pumunta siya sa nursery habang si Tara ay inasikaso ang dalawang bata na mga half-sisters ng anak nitong si Prince Justin. Kahit na hindi naman nanggaling kay Snow ang dalawang batang babae ay inaalagaan at minamahal niya ang mga ito na parang tunay na anak. They were a family despite the odds that they had been through.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now