CHAPTER 3

1.2K 77 1
                                    

"IT'S my first time watching that Indie film and it's—"

Napatigil sa pagsasalita si Harrison nang makitang natutulog na ang kasama niya. Nakasandig ito sa sandalan ng sofa, nakapikit habang bahagyang nakabukas ang mga labi.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito at mahinang natawa nang marinig ang mahihina nitong hilik. Napailing-iling siya bago tumayo at pinatay ang TV dahil kakatapos lang ng pinanood nilang pelikula. Ni hindi niya alam kung saang bahagi ng film nakatulog si Tara.

Muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa sofa katabi nito. Itinukod niya ang isang siko sa sandalan at idinikit ang pisngi sa kanyang kamay. Pinagmasdan niya ang mukha ni Tara na nakabaling sa kanyang direksiyon, isang masuyong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi.

Nang mahulog ang ulo mula sa pagkakasandal ay awtomatikong sinalo iyon ng kanyang palad. Binuhat niya si Tara at dinala sa silid nito upang komportableng makatulog. Hindi naman ito nagising hanggang sa mailapag niya sa kama. Alam niya kung nasaan ang silid ng dalaga dahil labas masok siya sa pamamahay na iyon bata pa man siya.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at pinagmasdan ang payapa nitong mukha. Nang makontento ay hinaplos niya ang pisngi nito bago lumabas ng silid.

Hindi na siya nagpaalam sa mga magulang ni Tara dahil namamahinga na ito. Binilinan na lang niya ang isang katulong at umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang na ilang metro lang ang layo sa compound ng mga Smith.

His parents were both asleep when he arrived home so he went inside his room directly. He laid his body on top of his bed and stared at the ceiling. An unknown smile crept on his lips.

He tilted his head to her left and was greeted by a vibrant painting that was made by Tara Violet. It was a painting of a playground with kids playing in the background. Siya ang nakabili niyon noong solo exhibit nito. The painting caught his attention the very first time his eyes laid on it. It was taking him back to his childhood full of happy memories with his family, with his friends.

Parang nakikita niya ang sarili na naglalaro sa playground kasama ang mga kaibigan noong bata pa siya. Masaya at walang inaalala. Habang tumatanda ay lumalaki rin ang respondibilidad ng isang tao at maraming inaalala. Minsan ay namimiss niyang maging bata.

Tumayo siya at naghubad ng damit bago pumasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan. Paglabas niya ay umupo siya sa harap ng kanyang home desk at binuklat ang script sa gagawin nilang pelikula kasama ang ilang mga tanyag sa industriyang pinasok niya. Hindi rin basta basta ang makakaparesa niya na isang child star at mula sa pamilya ng mga artista. He needed to do his best to not disappoint them.

Iyon pa lang ang ikalawang pelikula na pagbibidahan niya. Tumatanggap din siya ng proyekto sa mga soap opera ngunit isang beses lang siyang tumanggap ng lead role. Mas aktibo siya sa pagmomodelo at pag-iindorsiyo. Kailangan din niya pagtuunan ng pansin ang pag-aaral, sa katunayan ay dalawang taon na siyang tapos sa kursong engineering at nakapasa na sa board exam. Hindi habang buhay ang pag-a-artista at pagmomodelo. Mas mabuti iyong may alam siyang ibang bagay na maaari niyang gawin kung sawa na sa showbiz o 'di kaya'y hindi na mabenta sa madla. Hindi naman habambuhay gusto siya ng mga tao.

Hindi naman naghihirap ang pamilya nila pero mas mabuti na iyong handa sa maaaring mangyari. Malaki rin ang naging tulong ng pagsabak niya sa pagmomodelo at pag-aartista sa kanila, lalo na noong manganib na magsara ang marketing firm na itinayo ng kanyang ama.

Nang magsimula siya ay hindi pera ang rason kung bakit niya tinanggap ang alok ng isang talent scout na magmodelo ng isang sikat na brand. Nakita siya ni Petra, isang talent scout na ngayon ay manager niya, sa isang mall habang namamasyal sila ni Tara at ni Tyler.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now