CHAPTER 12

991 52 3
                                    

"I'M REALLY sorry, Tara."

She smiled at Lian who was sitting on the side of her bed assuringly. Gumanti siya ng pisil nang hawakan nito ang kanyang kaliwang kamay, mahina nga lang iyon dahil hindi pa siya gaanong nakakabawi ng lakas.

"It's not your fault, Li. I'm fine, I'm gonna be fine," aniya subalit maging siya man ay hindi gaanong kumbinsido sa sinabi. She was scared, the only things that's making her strong were her family and friends. She was surrounded by the people who loved her and who would always there for her, no matter what. "Did I ruin the event?" Noon niya naalala ang exhibit, hindi na niya alam kung anong sunod na nangyari mula nang mahulog siya.

Perhaps her worries reflected in her eyes because this time, it was Lian who smiled at her with assurance. "No, it ended great. Almost all of the paintings were sold. Including yours. Pablo even ask for you but you were already ushered to the hospital."

Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng panghihinayang dahil hindi niya muling nakausap si Pablo o makakuha man lang ng larawan kasama ito.

"I'm relieve." Sinamahan pa niya iyon ng buntung-hininga, all was well. The event was successful and she was alive.

Napatingin siya sa taong nasa kanyang kanan at nakaupo sa isang monoblock chair. Ngayon niya lang ulit naalalang naroon ito sa kanyang tabi, hindi ito umalis doon kahit na nag-uusap sila ni Lian. Nanatili naman itong tahimik at hindi nakikisawsaw ng may usapan.

Iniwas niya ang ulo nang ilapit na naman nito sa kanya ang kamay na may hawak na berry at akmang isusubo sa kanya. "Ayoko na sabi."

"Dalawa pa lang nakain mo," ani Harrison na nakakunot ang noo. "You need to it to regain your strength."

"Ayoko na nga! Kung hindi ka makikinig lumabas ka na lang dito," she retorted. But Harrison will always be Harrison, hindi ito makikinig sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin nang hindi nito ibaba ang kamay. Napipilitang isinubo niya ang prutas. Wala siyang ganang kumain ngunit alam niyang kailangan niya iyon upang mabilis na gumaling. "I'm sorry, Li," pagpapaumanhin niya sa kaibigan nang ibalik ang tingin dito.

"It's okay, it is fun watching you two," Lian answered with utmost sincerity.

She heard Harrison snorted, subalit hindi niya pinansin ang binata. Nakita niya ang pagkunot-noo ng kaibigan kaya tinanong niya ito kung para saan iyon.

"Nagtataka lang ako kung bakit ka napunta sa pasilyong iyon. It was far from the gallery and it was deserted. Kung bababa ka naman sa hagdan ay stock room ang sasalubong sa 'yo."

Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa narinig, sandaling natahimik at binalikan sa isipan ang nangyari kahapon. Naalala niya ang nakaunipormeng babae na pababa ng hagdan. Bakit ito magtutungo sa stock room?

"There was a girl. I heard her crying when I was about to get back to the gallery after using the toilet. Lalapitan ko sana siya upang tanungin kung okay lang siya o kung may maitutulong ba ako. She looked... messy. Her hair was messy and it covered her face, I couldn't see her face, but I saw the bruises on her arm that's why I chase after her when she climbed down the stairs," she explained as clearly as possible. Iyon ang unang beses niyang nagkuwento kung ano ang nangyari simula nang magkamalay walong oras na ang nakakaraan.

"Kakatapos lang maglinis ng janitor kaya basa pa ang sahig at hagdanan sa bandang iyon ng gusali. Nakalimutan niya ang signage para sa basang sahig kaya umalis siya sandali para kumuha, pagbalik niya nakita ka niya. He was sorry, Tara, but it's your decision if you seek justice for what happened."

Umiling siya, wala siyang sinisisi sa nangyari. Aksidente ang lahat. Hindi ginusto ng janitor na may mapahamak. Isa pa, ang sabi nga ni Lian ay stock room ang nasa ibaba ng hagdan at walang ganoong nagpupunta roon. "It was an accident, Li, walang may gusto sa nangyari."

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon