CHAPTER 15

1K 62 1
                                    

NAPALAKAS ang paggamit niya ng kutsara't tinidor kaya gumawa iyon nag ingay nang tumama sa kanyang plato, bagama'y hindi siya sumusubo ng pagkain dahil nawalan siya ng gana.

Nagngingitngit ang kanyang loob dahil sa lalaking kaharap sa hapag-kainin. Tila ang saya-saya nito habang kausap ang kanyang Daddy habang sila'y kumakain.

It was early in the morning, but Harrison was already there in their house. Ang huling nagtungo ito roon nang ganoon kaago ay noong araw na hinalikan siya nito. Mula noon ay madalang na lang silang nagkikita. She got that he was busy with his movie, who went successful and wrapping everything up with the showbiz industry when he announced his early retirement. And at the same time, he was preparing for the job he took at her father's construction company.

She got it, she do. But why does she felt like he was avoiding her after they make out, the table turned like he was regretting what he did. He's bullshit! Hindi niya maiwasang hindi mainis dahil mula nang nangyari iyon ay hindi pa sila nag-uusap, parang siya lang ang naapektuhan sa lahat. Ang kapal ng mukha nitong halik-halikan siya pagkatapos ay kakalimutan na lang nito. He needed to be responsible for his actions.

What do you want him to do, Tara Violet? Right, maging ang katanungang iyon ay hindi niya masagot ng diretso. She's frustrated that he hadn't talk to her and after the kiss he only visited her twice. Dapat na matuwa siya dahil kusa itong dumidistansiya, pero hindi.

She missed him!

Napabuntung-hininga si Tara dahil sa pag-amin niya sa katotohanang iyon sa kanyang sarili. She might be crazy but she missed Harrison.

Snap out of it, Tara! You don't need a man, you don't need him. For all you know, he was just playing with you, and you're losing the game, or maybe you already lost.

"Is something the matter, Tinkerbell?"

Nagtaas siya ng tingin sa kanyang ama na kanina pa pala siya tinatawag. Nakatingin ito sa kanya na puno ng pagtataka at pag-aalala ang mga mata. Tiningnan niya ang kanyang Mommy sa kanyang tabi at kagaya nang una ay nakakunot din ang noo.

Then she took a fleeting glance at Harrison across her before looking back at her father and forced a smile. "I have no appetite and I'm still full from last night's meal," aniya na pilit nilangkapan ng sigla ang tinig.

Tumango ang kanyang ama ngunit alam niyang hindi ito kumbinsido dahil sa emosyong nakalarawan sa mukha. Bumalik ito sa pakikipag-usap kay Harrison at sa kanyang ina tungkol sa trabaho kaya muli siyang nanahimik.

Nang hindi makatagal doon ay dinampot niya ang baso ng fresh juice na nasa kanyang harapan. Her hand was trembling but she managed to lift the glass. Dahil sa panginginig ng kanyang kamay ay natapon ang laman niyon kaya ginamit niya ang kanyang kaliwa.

Her casts were remove, he can walk, she can use her hand but not a hundred percent. But it was good than being stuck with casts. Dinala niya sa bibig ang inumin at nagpaalam na sa mga kasama pagkatapos.

Hinalikan niya sa pisngi ang ina at ama bago mabilis na lumabas ng dining room ng hindi tinatapunan ng tingin si Harrison.

Paika-ika ang kanyang paglakad at may kaunting kirot siyang nararamdaman, but it was manageable. Dahil iyon sa hindi pa siya komportableng maglakad muli sa dalawang paa, ngunit hindi pasasaan ay magiging normal din ang kanyang paglakad.

Pagkarating niya sa garahe ay naroon na ang driver na maghahatid sa kanya at si Elsa na siyang kasama niya kapag lumalabas. She was back to teaching her students, sa katunayan ay pangalawang linggo na niya iyon sa pagtuturo mula nang maaksidente. She was happy doing it, hindi pa man siya makakapinta ng maayos ay masaya siyang magturo at ibahagi sa iba ang kanyang kaalaman.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon