CHAPTER 1

1.7K 95 3
                                    

NAKAKUNOT ang noong hinawakan niya ang magkabilang gilid ng suot na gown at inangat. Hindi siya maayos na makalakad dahil doon at ilang beses na siyang muntik madapa, idagdag pa ang sapatos sa mga paa na ilang pulgada ang haba. Kung siya ang papipiliin ay mas gusto niyang magsuot ng rubber shoes o kaya ay magyapak na lang, pero siyempre ay hindi siya pinayagan ng kanyang ina.

Mula sa pagkakatingin sa dinadaanan at pagco-concentrate upang hindi siya masubsob sa lupa ay nagtaas siya ng tingin nang may umakbay sa kanya.

"You look beautiful, Tinkerbell."

Napaungol si Tara sa hindi pagsang-ayon at pagproprotesta sa sinabi ni Ashton Sanford—ang kanyang ama. Tumigil pa ito sa paglalakad, hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinarap dito. Pagkatapos at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"'Wag mo akong asaring lalo, Dad. Kutang-kuta na ako kay Tyler." Si Tyler ay kapatid niya na mas matanda lang sa kanya ng isang taon. He just doesn't wanna grow up, he's still playful and a tease. "I look weird. My hair just doesn't add up." She had pixie cut hair, she liked her hair short because it makes her more comfortable. Lalo pa't napakainit sa Pilipinas, mas convenient and ganoong style ng buhok. She wears her hair short since time immemorial.

"Where is weird? I don't see that, all I see is a beautiful lady wearing a sexy mint green gown," Ashton said with a smile on his face, his adoration for his daughter was evident.

"Stop, Dad? I'm your handsome daughter, you're biased." Napasimangot si Tara nang tumawa ang kanyang ama sa kanyang sinabi.

"You're handsomely beautiful because you are my daughter."

Hindi malaman ni Tara kung matatawa o lalong maiinis. Hindi talaga siya sanay sa ganoong mga damit at kaunti na lang ay tatakas na siya roon upang makapagpalit.

"The bride requested her sister-in-law to be here." Rinig ng dalawa ang anunsiyong iyon ng wedding coordinator kaya napabuntung-hininga na lang ang dalaga.

"Shall we?"

Walang magawa si Tara at ikinawit ang kamay sa brasong iniumang ng ama. Nagpagiya siya rito pabalik sa harapan ng bahay ng kanyang Kuya Red na siyang ginawang venue ng reception.

"Can I go? Sabihin mo sa kanila na masakit ang tiyan ko."

Natatawang pinisil ni Ashton ang ilong ng anak. "Your mom will find you, she will find out that we are lying. We don't like her mad, do we?"

"We don't," she answered and grimaced. Hindi nila gustong magalit o magtampo ang kanyang ina. Maging ang ama niya ay hindi gumagawa ng mga bagay na ikakagalit nito—under si Ashton kumbaga. But despite that, he was very happy and contented with his marriage.

Napailing-iling si Tara nang magkasalubong ang kanilang mga mata ni Cameron na nakahanda na upang ihagis ang hawak na bouquet, siya na lang ang hinihintay. Inihatid pa siya ng ama sa direksiyon ng mga kadalagahang nag-aantay sa paghagis ng bouquet ng bride.

"Why are we here again?" bulong ng kanyang pinsang si Krishia na nakatayo sa kanyang tabi at nakasimangot din kagaya niya.

"I don't know, you tell me," she murmured back. Kumpara sa ibang naroon ay silang dalawa lang marahil ni Krishia ang hindi interesado. O siguro silang lang dalawa ang hagayang pinapakita ang hindi pagsang-ayon?

"Ready! One, two..." Ang tinig ng host na siyang pumukaw sa pansin nina Krishia at Tara na nagbubulungan. "Three!"

Malakas ang pagkakahagis ni Cameron kaya umabot iyon sa pinakalikod kung saan nakatayo si Tara at saktong tumama sa kanyang ulo. Dismayadong napaungol ang iba nang hindi masalo ang bouquet.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now