CHAPTER 6

1K 57 1
                                    

NAPAILING-ILING si Tara nang makita si Harrison na papalapit sa kanya. Abot tainga ang ngiti nito kahit alam niyang pagod ito sa ilang oras na taping ng araw na iyon.

Hindi na niya ito sinita nang yakapin siya nito ng mahigpit nang tuluyang makalapit. Kapagkuwan ay hinawakan siya sa balikat, bahagyang inilayo mula rito at pinasadahan siya ng tingin.

"You're here," he exclaimed in amusement.

"Obviously," she muttered and rolled her eyes. Umatras siya ng bahagya upang makawala rito dahil nakikita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang mga kasamahan nito sa trabaho na napapatingin sa kanila.

"Let's go to my tent." Harrison held her wrist and pulled her towards his tent, where his team was.

Tinanguan at nginitian ni Tara ang mga nandoon. Halos kilala niyang lahat ng mga nasa team ni Harrison at kasundo rin kaya hindi siya masyadong naiilang sa presensiya ng mga ito. Subalit hindi pa rin siya ganap na komportable na nandoon sa set ng mga ito.

She was finding subjects for her painting for the exhibit for a cause organized by Lian Dela Cerna's team. She decided to take an out of the town trip, maganda iyong paraan upang may maipinta siya. Nabanggit niya ang plano niyang iyon kay Cameron nang tumawag ito mula sa honeymoon nito at ng kanyang kapatid. Sinabi nitong puwede niyang gamitin ang vacation house na namana nito sa ama na agad naman niyang tinanggap. Hindi niya inaasahang ang address niyon ay kapareho ng location ng shooting nila Harrison.

Pag-alis niya ay pinadalhan siya ng kanyang Mommy ng mga lutong pagkain at ibinilin sa kanyang ibigay iyon sa paborito nitong inaanak. Kaya narito siya ngayon sa set nila Harrison na kakatapos lang mag shoot ng isang eksena.

Dalawang linggo nang huli silang magkita dahil naging abala na ito sa trabaho. Ngayon ay nakikita niya ang pagod sa mga mata nito bagaman ay nakangiti sa kanya.

Ibinigay niya sa assistant nito ang dala niyang pagkain, agad namang nagpasalamat si Harrison na tuwang-tuwa sa mga pagkain.

"What are you doing here?"

Sinabi niya rito ang dahilan kung bakit siya naroon. Doon niya naramdaman ang kapaguran dahil sa ilang oras na biyahe sa bus. Yes, she took the bus, she doesn't drive and of course, she doesn't own a car. It was exhausting and instead of resting at Cameron's vacation house, she traveled for another thirty minutes to get to the exact location of the shooting.

"Hindi na ako magtatagal, I'm tired." She will take a rest for the rest of the day, then tomorrow and the day after, igugugol niya ang oras sa pamamasyal sa lugar na iyon na may malamig na klima dala ang kanyang camera.

"Ihahatid na kita. My scenes were done for today."

"'Wag na. Bye," she said nonchalantly and then walked outside his tent. Nasalubong pa niya ang assistant ni Harrison na lumabas kanina. Nginitian niya ito at nagpatuloy sa paglakad.

Tumayo siya sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan nang tumunog ang langit. Napatingala siya roon at napangiti, makulimlim, nagbabanta ang langit ng pag-ulan. She loved the rain since she was a kid and nothing changed now.

Nailahad niya ang kamay nang paisa-isang pumatak ang ulan na sinasalo ng kanyang mga palad. Kapagkuwan ay ipinikit niya ang mga mata habang nakatingala. Ninamnam ang pagtama ng ulan sa kanyang mukha.

Isang busina ang pumukaw sa kanya at nang magmulat ng mga mata ay nakita niya ang pamilyar na sasakyan ni Harrison. Bumukas ang passenger's seat sa may direksiyon niya at bahagyang nanungaw ang binata.

"Get in!"

Napailing-iling na lang siya. Hindi niya gustong magpahatid dito dahil hindi niya gustong makaabala. She knew he was tired and she doesn't want to inconvenience anyone, but Harrison was Harrison. Stubborn and persistent as a mule.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now