CHAPTER 14

1K 57 3
                                    

MULA sa drawing book na nasa kanyang kandungan ay nagtaas siya ng ulo upang tingnan ang taong tumayo sa kanyang harapan. Shadowing her while she was leaning on the longue chair near the pool under the morning sun. Hindi pa masakit sa balat ang araw kaya naisipan niyang doon tumambay. She was always inside her room lately, at ang payo ng doktor ay magpaaraw siya dahil hindi maganda sa katawan ang hindi paglabas ng kanyang silid.

Her forehead knitted when she saw Harrison. She did not expect that she would see him early in the morning.

Ibinalik niya ang atensiyon sa pagguhit gamit ang kaliwa niyang kamay. Ang sabi ng kanyang doktor ay hindi mawawala ang kakayahan niya sa pagpipinta nang sabihin niya rito ang kinatatakutan niya. Kung hindi raw niya magamit ang kanang kamay sa ngayon ay gamitin niya ang kaliwa. And she was right, she can use her left hand even her feet to draw and paint. May iba nga na bibig ang ginagamit sa pagguhit. She was inspired by those people who used their feet and mouth to draw and paint, she saw a silver lining and she was motivated to start again.

Gamit ang kaliwang kamay ay sinimulan niya uling gumihit at magpinta, hindi ganoon kaganda ang kinilabasan ngunit masaya na siya roon. She was still learning with her left hand at natural lang na hindi pa siya ganoon kagaling.

Sinubukan niyang mag-focus sa ginagawa ngunit dahil sa presensiya ni Harrison ay hindi niya mapagtagumpayan. His presence made her uncomfortable, but no one had to know that, especially him. Paano niya ipapaliwanag ang pagbabagong nangyayari sa kanya kung maski sa sarili niya ay hindi siya makahanap ng kasagutan.

"What do you want?" she asked indifferently when he remained standing there and heard him sighed.

"Good morning too," Harrison muttered with a tinge of sarcasm instead of answering her question. He sat on the lounge chair next to her but still directed his gaze at her, whose eyes were fixated on the drawing pad she was holding.

Ikinibit niya ang balikat ng marinig ang itinuran ni Harrison. "Morning," she said casually.

Nakiramdam siya nang ilang sandaling natahimik ang binatang nasa kanyang kaliwa. She almost closed her eyes when the beating of her heart fastened its pace. It was hammering inside her chest that she needed to take an intense breath.

Dahil sa pagiging abnormal ng kanyang nararamdaman tuwing malapit ito ay napagdesisyunan niyang iwasan si Harrison sa lahat ng kanyang makakaya simula ng muntikang paglapat ng kanilang mga labi sa loob ng kanyang silid ilang linggo na ang nakakaraan. She was sure that if her mother didn't interrupt them, she would let him kiss her. Which was absurd! Since when did she wanted a man to kiss her? Why would Harrison want to kiss her?

"A penny for your thoughts?"

Napukaw ang kanyang pag-iisip at napatingin kay Harrison dahil sa itinanong nito.

"You're frowning as if you're contemplating."

"I'm drawing, in case you can't see it," she retorted.

Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay nang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Harrison. Kapagkuwan ay nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan nang mapatingin sa mga labi nito. Her mind instantly run wild, thinking about what those lips could do and what would it taste like.

"Okay. If you don't want to tell me what you were thinking, at least tell me the reason why you're avoiding me," he said in a casual tone.

"Ha?" wala sa loob na bulalas niya na nakasunod ang mga mata sa mga labi nito habang nagsasalita. Inulit nito ang sinabi na siyang nagpabalik sa kanya sa reyalidad at agad na nag-iwas ng tingin. "I am not." Narinig niya itong napabuntung-hininga sa kanyang isinagot. "'Wag kang praning, Harrison."

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Where stories live. Discover now