CHAPTER 4

1.2K 71 1
                                    

PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Tara sa loob ng Rigo Cuisine ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang pinsang si Krishia. Nang makitang may kausap itong isang lalaki na nakatalikod sa kanyang direksiyon ay napakunot ang kanyang noo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

Hindi niya agad mapagdesisyunan kung lalapit ba ngunit dahil sa kuryosidad ay nagsimulang humakbang ang kanyang mga paa.

"I told you, I don't know you. Look, two days ago lang kita unang nakita at sinabi ko nang hindi kita kilala." Rinig ni Tara na sabi ng kanyang pinsan sa lalaki. "Puwede bang tigilan mo na ako? I'm gonna sue you for harassment, Mister. You might have mistaken me for someone else but I am not her. And besides, I have someone."

Napataas ang kilay ni Tara nang tumingin sa kanya ang pinsan. Humakbang ito papalapit sa kanya habang nagsasalita ng tahimik. Napakunot-noong binabasa niya ang sinasabi nito.

"Play along," bulong ni Krishia kay Tara nang makalapit.

"This is my partner and we've been together for five years. Imposibleng maging girlfriend mo ako, Mister."

Kamuntikan nang matawa si Tara sa sinabi ng pinsan. Ngunit pinisil nito ang kanyang braso at halos bumaon pa ang kuko sa kanyang balat kaya pilit siyang sumeryoso at kunwa'y nag-alis ng bara sa lalamunan.

"Leave her alone, bro. Have some respect," saad ni Tara na pilit na pinapalalim ang boses.

Tiningnan siya ng estrangherong lalaki mula ulo pababa kasabay nang pagrehistro ng disgusto sa mukha nito. Lihim siyang napangiwi nang maalala ang kanyang suot. Isang malaking t-shirt na maluwag na maluwag sa kanya, kupas na pantalon at rubber shoes. May suot pa siyang cap.

Hindi niya alam kung napaniwala ba nila ang estrangherong lalaki. Mukha naman siyang lalaki sa kanyang suot ngunit mukha rin naman itong matalino. Malaki ang posibilidad na mapansin nitong hindi siya lalaki.

"I'll be back," determindadong wika nito kay Krishia. Isang galit na tingin ang iginawad kay Tara bago tumalikod at malalaki ang mga hakbang na umalis.

Nang makalabas ang lalaki ay hindi napigilan ni Tara ang sarili at bumulalas ng tawa hanggang sa magtubig ang kanyang mga mata. Ni hindi niya pinansin ang mga taong kumakain doon at napapatingin sa kanya kaya hinila siya ni Krishia patungo sa pinakasulok na lamesang naroon.

Agad namang lumapit sa kanilang dalawa ang isang waitress at nagtanong kung ano ang gusto nilang kainin. Siya Krishia na ang nag-order ng pagkain sa kanilang dalawa dahil hindi pa tumitigil sa pagtawa si Tara.

Pinunasan ni Tara ang sulok ng mga mata nang humupa ang nararamdaman. Napatingin siya sa pinsan na nakaupo kaharap niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Halata ang pagkainis sa mukha, hindi niya matukoy kung dahil sa ginawa niyang pagtawa o dahil sa lalaki kanina.

"Tapos ka na?"

Tumango siya sa tanong nito at sinupil ang ngisi sa mga labi. "What was that?"

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Krishia bago sumagot. "Two days ago when I bump into him, he was claiming that he knows me and that I am his girlfriend. Is he nuts? I don't even know him."

Biglang sumeryoso si Tara at tiningnan nang mataman ang mukha ng pinsan. "Hindi mo talaga siya kilala?" tanong niya sa nananantiyang tinig.

Lumarawan ang kalituhan sa mukha ni Krishia at sandaling natigilan na tila ba nag-iisip. "I... I don't know... I guess so."

Hindi alam ni Tara kung ano ang iisipin. Marahil ay magkakilala nga ang lalaki at ang kanyang pinsan. Krishia Winter had an amnesia. Halos isang taon na ang nakakalipas ay naaksidente ang minamaneho nitong kotse at under coma sa loob ng limang buwan. Nang magising ay wala ng maalala. Ang sabi naman ng mga doktor ay maaaring partial amnesia lang iyon at muli ring babalik ang ala-ala nito kalaunan, 'wag lang daw puwersahin.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon